Chapter 63 - Real Deal ~Gino~ "Sir. Russell. Sir. Russell." Minulat ko ‘yung mga mata ko dahil doon sa nanggigising sa’kin. Bumungad agad ‘yung mukha sa’kin n’ong driver ko. "Sir, andito na po tayo sa Runo company," sabi niya at inilayo niya na ‘yung mukha niya sa’kin. Napatingin naman ako sa paligid. Nandito ako sa loob ng kotse pero pagtingin ko sa labas, nasa parking lot kami. "Oh, bakit nandito tayo? Nasaan na si Winter? Ihahatid pa natin siya sa bahay niya ah?" takang tanong ko at lumabas na ako nitong kotse. "Sir, kanina pa po natin naihatid si Ma'am Winter. Tulog lang po kasi kayo kaya hindi n’yo namalayan. Hindi ka na po niya pinagising sa’kin kaya dinaretso ko na po kayo dito sa Runo. Dala ko na rin po ‘yung mga files na nasa study table n’yo po." paliwanag naman niya. Nap

