Chapter 58 - Real Kiss ~Gino~ "Sige! Break na tayo kung ‘yun ang gusto mo!" sigaw ko kay Winter kasi ang layo niya sa’kin. Napatigil naman siya sa paglalakad at agad na napatingin sa’kin. Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Naririnig ko na rin ang pag-uusap ng mga estudyante dito. "Break na tayo para ‘di ka na mahirapan! Break na tayo para makahinga ka na kahit papano sa’ming dalawa! Para sa’yo, makikipaghiwalay ako! Kahit masakit, gagawin ko!" sigaw ko pa sa kaniya. Hindi ako galit sa kaniya. Gusto ko siyang makahinga na sa’ming dalawa ni Vincent kaya ko ginagawa ‘to. Binuka niya ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero walang lumabas na kahit anong salita doon. Naglakad ako palapit sa kaniya. "Pero kung ayos na sa’yo ang lahat at gusto mo pa ring bumalik sa’kin, na magi

