Chapter 60 - Files ~Winter~ Nandito kami ngayon ni Vincent sa may field sa ilalim ng lilim ng isang puno. Dito niya ko dinala at sumunod lang ako sa kaniya. Walang tao dahil simula na ng klase kanina pa. No’ng umalis kami sa classroom kanina, tumingin muna ako kay Gino kung ayos lang ba sa kaniya na sumama ako kay Vincent at nakangiti naman siya sa’kin kaya alam kong ayos lang ‘to sa kaniya. Nakatayo lang kami ngayon dito sa ilalim ng puno. Nakatitig lang sa’kin si Vincent at gan’on din ako sa kaniya pero hindi ko inaasahan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata niya. Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin. "Winter, hindi ko kayang mawala siya. Nawala ka na nga sa’kin pero ayokong mawala rin siya sa’kin." Nagtaka naman ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ‘yung tinu

