Chapter 15 - Slap
~Russell~
Hingal na hingal ako. Hindi ko alam kung sino ‘yung tinamaan ng bola sa kanila.
Naglakad ako palapit sa kanila at pinagkumpulan na kami ng mga kaklase namin. Pumito na rin si Sir. Roger para pakalmahin ang lahat.
Mas nakita ko na ngayon kung ano ang nangyari kay Winter at Carlo.
Parehas silang walang malay pero si Carlo, may dugo sa ilong.
Binuhat siya ni Sir. Roger at tumawag ng isa sa mga kaklase naming lalaki na magbubuhat naman kay Winter.
Pumwesto na ‘yung kaklase kong inutusan ni Sir. pero mabilis ko siyang itinulak. Nagulat naman ‘yung mga kaklase namin sa ginawa kong ‘yon.
"Ano bang ginagawa mo Russell?!" sigaw ni Sir. Roger sa’kin. Mukhang natataranta na rin siya.
Ako naman ay dahan-dahan na binuhat si Winter at nagmamadali ko siyang dinala sa clinic. Inihiga ko agad siya sa kama sa may clinic at kasunod ko lang pala si Sir. Roger na buhat-buhat si Carlo. Inihiga niya siya sa may isa pang kama at parehas na silang inasikaso ng dalawang nurse doon.
Pinalabas muna kami para hindi kami makagulo sa loob.
Ngayon ay nakaupo na kami. Nakatungo lang ako at hindi ko alam kung anong ginagawa ni Sir. Roger ngayon.
"Russel, 'wag kang mag-alala. Hindi naman si Winter ang tinamaan ng bola eh. Ang dapat na mas mag-alala ka ay kay Carlo kasi siyang ‘yung tinamaan kaya nga dumugo ilong niya eh,” sabi sa’kin ni Sir. Roger na ikinatingin ko naman sa kaniya.
"Eh bakit nawalan siya ng malay kung hindi siya ‘yung tinamaan n’ong bola?" nagdududa kong tanong sa kaniya.
Imposible eh. Sigurado akong sa direksyon niya mismo ibinato ‘yung bola.
"Baka naman kasi nag-iinarte lang siya Russell." biglang singit ng isang babae sa usapan namin. "Hindi naman siya ‘yung tinamaan namin pero nagkunwari siya na nahimatay para lang kargahin mo siya. Kairita talaga ‘yung babaeng yon! Masyadong papansin! Right Girls!" Kasama niya ang tatlo n’yang alagad.
Napatingin naman ako sa kanila na kunot na kunot ang noo.
Anak ng! Itong apat na nuisance naman na ‘to!
"Alam mo Russell, Napagod yata ako sa sobrang paglalaro kanina at mukhang mahihimatay ako ngayon. Ahhh! Ang sakit ng ulo ko. Mahihimatay na yata talaga ako,” sabi n’yang nag-iinarte at kumapit pa sa braso ko.
Tinabig ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap ko siya.
Nakita ko sa mukha niya ang takot.
"Shut the f*ck up." may diin ang bawat pagsabi ko n’on at matalim ko siyang tinignan.
Napahawak naman siya sa bibig niya.
"Russell. Tama na ‘yan. Pati ba naman babae, pinapatulan mo. Girls, bumalik na kayo sa room n’yo." awat sa’kin ni Sir. Roger at nagmamadali namang umalis ‘yung apat.
"Tss!"
Pasalamat sila, nandito si Sir. Roger. Kung hindi...
"Ah, Sir. Pwede na po kayong pumasok. Ayos na po silang dalawa. Wala naman pong may malubhang injury sa kanilang dalawa."sabi n’ong isang nurse sa’min pagkalabas nila.
Nagmadali naman akong pumasok sa loob. Pagkakita ko, nakaupo na si Winter sa kama niya at mukhang ayos na naman siya. Gising na agad siya.
Napatingin naman ako kay Carlo.
Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon.
Nilapitan ko si Winter at napatingin naman siya sa’kin.
"Ba't ka tumayo agad? Hindi mo ba alam na alalang-alala ako sa’yo?" matiim ko siyang tiningnan pero siya, gan’on pa rin, walang laman ang titig, walang nais sabihin.
Inalis niya na ang tingin niya sa’kin at bumaba na siya ng kama niya.
Sinundan ko lang siya ng tingin.
Naglakad siya papunta sa kama ni Carlo.
Nagtaka naman ako.
Hinaplos niya ang mukha ni Carlo.
May bulak pa sa ilong ang g*go.
Nagising naman si Carlo at halatang nagulat dahil una n’yang nabungaran si Winter.
Bakit parang gusto kong ilibing ng buhay tong gagong ‘to ngayon?
Kabanas!
Napaupo siya mula sa pagkakahiga niya at doon ay lumapit sa’min si Sir. Roger at ‘yung dalawang nurse.
"Ayos ka lang ba Carlo? May masakit ba sa’yo?" tanong ni Sir. Roger sa kaniya.
"Ahhh.. heheheh.. Okay lang naman po ako. Ah! Nga pala Sir.! Ako nanalo ha. Natalo ko si Winter. Ako ‘yung tinamaan ng bola kaya ako panalo." ngiting-ngiting sabi nito sa’min na ikinapagtaka naman naming lahat maliban kay Winter...
To talagang taong ‘to.. Kahit pagtataka, ‘di mo maasahan sa kaniya.
"Ha? Eh, Bakit mo naman nasabi na ikaw ang nanalo eh ikaw nga ‘yung tinamaan n’ong bola?" tanong ni Sir. Roger sa kaniya na ikinanuot naman ng noo ni Carlo.
"Eh! Bakit po gan’on? Diba po batuhang bola ‘yung nilaro naten? Eh ‘di kapag nabato ka, ikaw ang panalo. Batuhang bola nga po , ‘di ba," sabi niya na parang alam niya ang lahat sa mundo.
Fwoooooooooooooooooohhhhh... (hanging dumaan)
Biglang umalis si Winter saka lumabas na ng clinic. Napatingin ako sa kaniya habang papalabas siya.
"Hindi ka ba nakinig sa instruction ko kanina Carlo? Diba sinabi ko na blah...blah..blah..." sermon naman ni Sir. Roger kay Carlo. Hindi ko na narinig ‘yung pinag-uusapan nilang dalawa dahil sinundan ko si Winter.
Kaasar talaga ‘yung taong ‘yon oh!
Alalang-alala ako kanina tapos siya gan’on lang.
Umalis lang na parang walang nangyari.
Ang hirap n’yang kalkulahin.
Kahit syntax error ng calculator, ‘di pwede sa kaniya.
Malayo na ang nararating ko pero ‘di ko pa rin siya mahanap.
Saan naman kaya pumunta yon?
Kakalabas niya lang kanina ah.
Ambilis niya naman atang maglakad.
Pumunta ako sa classroom at nandon lang siya na nakaupo sa upuan niya.
Ni hindi man lang siya nagpalit ng uniform niya pero okay lang naman ‘yon kasi mag-uuwian na.
Umupo na ako sa upuan ko.
Nakatingin lang din ako sa unahan.
...
..
.
Hindi ko natiis at tiningnan ko siya.
"Okay ka na ba talaga?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya tumingin sa’kin.
Huminga akong malalim.
May kinuha akong barya sa bulsa ko.
Mga sampung piso at kinuha ko ‘yung kamay niya saka ko nilagay sa loob n’on ‘yung mga barya.
"Bayad sa pamasahe ko n’ong pumunta tayong SM..."
*—***—*
Kinabukasan...
Lunch na at tapos na rin akong kumain pero marami pang oras kaya naisipan kong maglakad lakad muna.
Naghahanap ako ng tatambayan.
Naglalakad lang ako nang madaanan ko ang isang abandonadong faculty room at may narinig akong mga boses na nag-uusap.
Naka-awang ng konti ‘yung pinto.
Aalis na sana ako pero...
"Ang kapal rin naman ng mukha mo na makipaglapit ng gan’on kay Russell! Ikaw na thief ka! Siguro sinadya mo talagang galitin si Russell n’ong first day mo para naman bigyan ka niya ng pansin. Hindi ka lang magnanakaw, you're a b*tch and a f*cking slut!" sigaw n’ong babae doon sa kausap niya.
Nagulat ako kasi nabanggit ‘yung pangalan ko.
Sumilip ako sa loob pero hindi ko makita ‘yung sumisigaw at ‘yung kausap niya kasi may nakaharang na tatlo pang babae sa kanila.
Parang kilala ko ‘yung boses n’ong sumusigaw.
"Nalaman pa naming kasama mo siyang nagmall! Napakasl*t mo talaga!"
Bigla akong nakarinig ng lagapak na parang may nanampal.
Mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ‘yung sinampal.
Umalis kasi sa pagkaharang ‘yung tatlo kaya naman nakita ko na si Winter pala ‘yon.
Nangunot naman ang noo ko at dali-dali akong lumapit sa kanila.
Narinig nila ang pagpasok ko na ikinagulat nang sobra n’ong apat.
Si Winter naman nakatingin lang sa’kin nang deretso na namumula pa ang kaliwang pisngi.
F*ck!
Mas lalo akong nabibwisit pag nakikita ko ang mga titig n’yang ‘yon.
Hindi sa ganitong sitwasyon niya dapat ipakita ‘yon sa’kin.
Hindi sa ganito!
Hinarap ko ‘yung apat na ngayon eh halatang nanginginig na sa takot.
Huli na ang lahat para maramdaman nila ang bagay na ‘yon.
Now that they have done it.
"A-Ahh R-Russell. K-Kanina ka pa ba?" pautal-utal na sabi sa’kin n’ong nanampal kay Winter.
Hah! Ang lakas naman talaga ng loob ng isang ‘to na magtanong sa’kin.
"Hinde. Ngayon-ngayon lang...” sabi ko sa kaniya na kalmado pero ang totoo, nagtitimpi lang ako.
"Ah gan’on ba?" nakahinga siya nang maluwag.
Tapos biglang...
"Uahhhhh! Russell! Sinampal niya ko! Hindi ko naman siya inaano pero sabi niya wag daw akong lumapit sa’yo! Huhuhuhu!" bigla namang iyak niya ngayon saka kumapit pa sa braso ko at nagpapaawa.
Tss! Akala niya namang maniniwala ako sa kaniya.
"Oo nga Russell! We witnessed all of it. Kawawa naman si Cherry. Sinampal ng walang masamang ginagawa!" segunda naman n’ong isa. No’ng maikli ang buhok na kinuhanan ko dati ng cellphone.
"Yah. Tama si Kiyu, right Sophie?" sabi naman n’ong blonde ang buhok sa kanila.
"A-Ahh..." napatingin naman ako doon sa isa na mukhang nag-aalangan.
Siniko naman siya n’ong Kiyu daw.
"Russell. She's a b*tch! Inamin niya na nagkunwari lang siya kanina na hinimata- A-aray!" hindi niya na natapos ang sasabihin niya kasi hinawakan ko siya sa braso niya nang mahigpit...
"`’Di ba, binalaan na kita kanina at hindi ka nakinig. Gusto mo bang maging Trash? Sa isang pitik ko lang, mangyayari na sa inyong apat ‘yon kaya naman kung hindi pa kayo titigil, ako mismo ang gagawa ng mga ikakamiserable n’yo dito sa school ko! Maliwanag?" sigaw ko sa kanila.
"Bakit parang nagbago yata ang ihip ng hangen Gino Russell Primo? Dati, ikaw ang may gusto ng mga gan’on na mangyari sa babaeng ‘yan. Bakit parang bumabaliktad ka na?"
Napatingin kaming lahat sa pinto nang may magsalita.
Lalong nagdilim ang paningin ko nang makita ko kung sino ‘yung nagsalita.
Siya ‘yung bumato n’ong bola kina Winter kanina.
Naglakad siya palapit sa’min ng nakapamulsa at nakangising aso na naman.
"Shin! Anong ginagawa mo dito?" sabi n’ong isang babae sa likod ko.
Binitawan ko na ang pagkakahawak ko doon sa Cherry at hinarap ko ngayon ang pangahas na gagong ‘to.
"Wag mong sabihing may gusto ka sa babaeng yan? Tandaan mo tong pagmumukhang ‘to. Lahat gagawin ko mapabagsak ka lang. Ngayong nakita ko na ang kahinaan mo,” sabi niya at sabay tumingin naman kay Winter saka siya ngumisi ng mas nakakabwisit.
"You bastard!"
Susuntukin ko na dapat siya pero nahawakan niya ang kamay ko at siya naman ang susuntok sa mukha ko ngayon pero nakaiwas ako na ikinagulat niya saka ko siya sinipa ng pagkalakas lakas sa tyan.
Tumalsik siya sa sahig at napasigaw naman ‘yung mga babae sa likod ko.
"Sh*t!" mura naman niya saka napahawak siya sa sikmura niya.
Ngayon ay nakahiga na siya sa sahig at namimilipit sa sakit.
Tss! Hanggang dada lang naman pala ang isang ‘to.
Gago.
Nilapitan ko siya at tiningnan ng matalim.
Pilit naman siyang tumayo.
Nang makatayo na siya ay pinagpag ko ang damit niya para mas lalo siyang asarin.
"Yan lang ba kaya mo?" nakangisi kong sabi sa kaniya.
Nakita ko naman na napipikon na siya.
Tss. Gago na, weak pa!
"Don't stand against me again if you want to live." biglang seryoso kong sabi sa kaniya.
"Hindi pa tayo tapos Primo! Tandaan mo tong araw na ‘to!" sigaw niya naman sa’kin na nanlilisik ang mga mata.
"Bakit? Birthday mo? Saan ang handaan?" tanong ko sa kaniya with a mocking smirk.
Ngayon, namumula na siya sa inis.
Sarap inisin ng isang ‘to.
"I will do whatever I can to destroy you and everything you have!" sabi niya naman na pikon na pikon saka tiningnan ulit si Winter na nasa likod ko.
"Try it and you'll know what's the meaning of hell." malamig na sabi ko sa kaniya.
Nakipaglaban muna siya ng titigan sa’kin bago umalis na na paika-ika.
"Tss!" nasabi ko na lang dahil sa kagaguhan n’ong isang ‘yon.
"Russell! Okay ka lang ba?"
"May masakit ba sa’yo?"
"Cherry! We need a nurse"
"No.. no... It must be a Doctor!" nagkakagulong sabi n’ong apat.
Parang mga tanga.
Hindi ko na lang sila pinansin at tiningnan ko si Winter na nasa likod ko pero nagulat ako kasi wala na siya doon.
Nakita kong nakabukas ‘yung isa pang pinto dahil double door ang Faculty Room na ‘to.
"Kaasar! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa taong yon!" naiirita kong sabi saka lumabas na ako ng Faculty Room at iniwan ko na ‘yung maliligalig na nasa loob.