Chapter 17 - Fever
~Russell~
Ngayon ay yakap-yakap ko pa rin si Winter pero parang hindi na siya humihikbi.
Parang ang tahimik niya na.
Nararamdaman ko rin na parang napupunta na sa’kin ‘yung bigat niya kaya naman tiningnan ko siya sa mukha at nakita ko na nakapikit lang siya.
"O-oy. Ayos ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang dahan-dahan ko siyang niyugyog pero hindi siya nasagot.
Mukhang nakatulog siya sa sobrang pag-iyak. Kita ko pa nga rin ‘yung pamamaga ng mga mata niya kahit nakapikit siya.
Sinubukan ko ulit siyang gisingin pero mukhang nakatulog na talaga siya. Naramdaman ko na parang medyo mainit siya kaya naman hinipo ko ‘yung leeg niya.
Mukhang may sinat siya!
Naku naman!
Kaya pala ang lantay niya kanina.
Naisipan ko na lang ihatid siya sa bahay niya dahil alam ko na walang sumusundo sa kaniya.
Alam ko rin naman kung saan ang bahay niya.
Wala akong nagawa kundi ang ipasan siya.
Alangan naman na kaladkarin ko siya hanggang gate.
Naglakad na ako pasan-pasan siya.
Ang layo ng nilakad ko para makarating ako doon.
Hindi naman siya gan’on kabigat pero sa layo ng nilakad ko, nangangalay at napagod rin ako.
Habang naglalakad ako, nararamdaman ko na nakadikit sa leeg ko ‘yung pisngi niya.
Tumikhim na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Marami ngayon ang nakatingin sa’min.
Marami na kasing papa-uuwing estudyante ngayon at papunta pa ko sa may gate kaya siguradong marami talagang makakakita sa’min.
Mga nagbubulungan sila at halatang hindi makapaniwala sa nakikita nila na ako, si Gino Russell Primo eh pasan ang trash girl at robot ng school na ‘to na si Winter Vasquez. Kagulat-gulat talaga ‘yon.
Nang nasa gate na kami ay nakita ko ‘yung driver ko na naghihintay sa labas ng kotse ko.
Kotse ko ‘yon. Driver lang siya eh.
Halata namang nagulat siya kasi may pasan pasan akong babae at mas lalo siyang nagulat ng makita niya na si Winter ‘yung pasan ko.
"Are you watching a movie now?" sarcastic na sabi ko sa kaniya kaya naman ng makuha niya kung ano ang ibig kong sabihin ay nagmadali siyang buksan ang pinto ng kotse.
Tinulungan niya rin ako na ibaba si Winter sa pagkakapasan ko pero pinigilan ko siya.
"Ako na. Don't touch her,” sabi ko doon sa Driver ko kaya naman tumayo na lang siya sa gilid ko.
Binuhat ko siya para maipasok ko siya sa loob ng kotse at nang maipasok ko na siya ay sa kabilang pinto ako pumasok.
Pumasok na rin ‘yung driver ko at nagsimula na siyang magdrive.
Ang layo ng pagkakaupo ko kay Winter. Nasa magkabilang dulo kami.
Naiilang kasi akong lumapit pero napatingin ako sa kaniya nang makita ko na nauumpog ‘yung ulo niya sa may salamin ng bintana kaya lumapit ako sa kaniya at inilagay ko ang ulo niya sa balikat ko para may masandalan siya.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa.
Ni hindi ako makagalaw. Ni paghinga nga, nahihirapan ako.
Napatingin ako sa mukha niya. Pinagmasdan ko ‘yon.
Namumula-mula ‘yung magkabila n’yang pisngi. Gawa siguro ng sinat niya.
Biglang kumunot ‘yung noo niya.
Mukhang nananaginip siya ng masama kaya naman pinindot ko ‘yung kunot n’yang noo at nawala ‘yung pangungunot n’on.
Naging mahimbing na siya ulit sa pagtulog. Napangiti naman ako.
Bigla namang napababa ‘yung tingin ko sa mga labi niya. Mapupula ‘yon at sa tingin mo pa lang ay halata mo ng malambot.
Bigla naman akong nainitan.
"Buksan mo nga ‘yung aircon. Mainit." mahinang sabi ko doon sa driver ko dahil baka magising siya.
"Sir. kanina pa po nakabukas,” sabi n’ong driver ko.
"Eh ‘di itod-!" pasigaw na sabi ko pero biglang gumalaw ‘yung ulo ni Winter kaya naman hininaan ko na ‘yung boses ko.
"Itodo mo." mahina kong sabi.
Napangiti naman ‘yung driver ko.
Tss!
Magtotodo lang ng aircon, kailangan pang ngumiti?
Ginawa niya nga ‘yung sinabi ko at nakaramdam na ako ng lamig.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Winter ay pinababa ko ‘yung driver ko para mag doorbell doon sa bahay.
Ilang minuto na siyang nagdodoorbell pero walang nagbubukas n’ong gate.
Patay din ‘yung ilaw n’ong bahay dahil madilim na ngayon.
Baka walang tao.
Gigisingin ko sana si Winter para siya na lang ‘yung bahalang pumasok sa bahay niya pero nakita ko na ang peaceful ng pagtulog niya.
Parang nakakapanghinayang naman na gisingin ko siya eh minsan ko lang makita na ganito siya kaya naman pinapasok ko na ‘yung driver ko dito sa kotse.
"What should I do? I don't want to wake her up and bother her sleep,” sabi ko nang mahina sa sarili ko na narinig pala n’ong driver ko.
"Eh ‘di Sir. Dalhin n’yo muna siya sa bahay n’yo at doon muna patulugin. Mukhang wala rin siyang kasama dito sa bahay nila. Eh Sir., mahirap na sa panahon ngayon, delikado ang mga babaeng nag-iisa lang sa bahay. Baka mamaya, pasukin pa siya ng kung sino-sinong masasamang ta—”
"I know. You don't need to tell me that." pamumutol ko doon sa sinasabi niya.
"Okay Sir,” sabi niya naman saka tumingin na ulit sa unahan.
Napaisip naman ako.
Tama naman siya.
Hindi ko dapat siya iwan sa bahay niya na mag-isa.
At isa pa, mukhang may sakit pa siya.
Pero hindi pa ko nakakapagdala ng babae sa bahay ko kahit kailan.
Siguradong magtataka si Dad kapag nakita niya siya.
Tss! Oo nga pala.
Wala nga palang pakialam ‘yun sa’kin kaya kahit anong gawin ko, okay lang.
Nang makapagdesisyon na ako...
"My house,” sabi ko doon sa driver ko.
*—***—*
Nang tumigil na ang kotse sa tapat ng bahay ko, bumaba na ako at umikot sa kabilang side nito para buksan ‘yung pinto n’on.
Binuhat ko ulit si Winter.
Mainit pa rin siya.
Napaisip ulit ako.
Tama bang dito ko siya dinala?
Hay! Ewan! Bahala na!
Nang maipasok ko na siya sa loob ng bahay ay naglakad ako paakyat ng kwarto ko karga karga siya.
Nang makarating ako sa loob ng kwarto ko ay dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama ko.
Tinanggal ko muna ang sapatos niya saka ko siya kinumutan.
Hoooh!
Kapagod!
Andaming nangyari sa araw na ‘to at umiikot lang ‘yon sa kaniya.
Ibang-iba na ‘yung Winter na nakikita ko ngayon kaysa sa nakasanayan kong Winter noon.
Kanina, nakita ko ang weak side niya.
Napangiti naman ako kahit hindi naman dapat kasi hindi tamang mapangiti ako habang nakikita kong may pinagdadaanan siyang mahirap.
Siguro kasi unti-unti ko na siyang nakikilala habang dumadaan ang panahon.
Nagpalit muna ako ng damit na pambahay saka naligo ng saglit kasi namawis ako nang sobra doon sa pagpasan sa kaniya kanina...
Nang matapos ko ng linisin ang sarili ko at makapagbihis, umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ko siyang mabuti.
Tulog na tulog pa rin siya.
Pakiramdam ko, ngayon lang siya nakatulog ng ganito kapeaceful.
Napansin ko na may nakaharang na mga hibla ng buhok sa mukha niya kaya naman hinawi ko ‘yun.
Napakaganda niya pala talaga.
Ngayon ko lang napansin kasi laging ang gloom gloom ng aura niya sa school kaya ‘di talaga madaling mapansin ‘yon.
Pero ngayon, ang amo amo ng mukha niya.
Tiningnan ko isa-isa ang mga parte ng mukha niya.
Nagsimula ako sa mga mata n’yang nakapikit.
Medyo nawawala na ang pamamaga n’on.
Itong mga matang to?
Ito ang pinakamisteryoso sa kaniya. Dito ako nakucurious sa lahat sa kaniya.
Wala akong makitang kahit anong emosyon dito na hindi ko aakalaing may kaya palang gumawa n’on.
Tiningnan ko naman ang ilong niya.
Ang tangos na maliit na ang sarap pindutin.
Bumaba naman ang tingin ko sa labi niya pero napatigil ako.
Gulp!
Parang may humihila sa’kin para idampi ko ang mga labi ko doon.
Unti-unti kong nilapit ang mga labi ko sa mga labi niya habang nakapikit ako.
"Gino! Who's that?" biglang sabi ng kung sinong asungot kaya naman napatayo ako bigla sa gulat.
Namumula pa ko sa hiya.
Caught on act eh.
"Dad?" nasabi ko na lang kay Dad na ngayon ay kunot na kunot ang noo.
Halatang mainit ang ulo niya ngayon.
Dahil na naman ‘yan sa business niya for sure.
"Who is she and why is she in your room sleeping in your bed?!" dere-deretsong tanong niya sa’kin.
Nanlalaki pa butas ng ilong niya.
I just stared at him.
"Are you deaf? Why aren't you answering my questions?!" pasigaw na sabi niya.
Halatang nagpipigil lang siya ngayon ng galit niya.
Tumingin muna ako kay Winter.
Buti, ‘di nagising.
Lumabas ako ng kwarto para doon kami mag-usap sa labas at hindi maistorbo si Winter sa tulog niya.
Sumunod naman siya.
Sinara ko ‘yung pinto n’ong kwarto at tumingin nang deretso kay Dad.
"Don't mind her. Just go to your office like you always do and ignore me." malamig na sabi ko sa kaniya.
Wala naman siyang pakialam sa’kin kaya wala siyang karapatang tanungin ako sa mga ginagawa ko.
"No son. I am doing that for our family, for your future!" sigaw ni Dad sa’kin in a pleasing way.
Nagsisimula na kong mairita.
"Stop making fuss here. Say what you need and just go,” sabi ko na lang sa kaniya ng matapos na.
"Tell me first kung sino siya and I will say my business to you." seryosong sabi sa’kin ni Dad.
I sigh of defeat.
"She is my classmate." deretsahang sabi ko sa kaniya.
"Look. I have nothing to explain here so better stop your nonsense dirty thoughts,” sabi ko pa.
Napamaang naman siya sa sinabi ko.
Tss! I know his thinking something on what he saw earlier.
It is not planned at all.
It's just a....
a...
Nevermind!
Why bother explaining to him?
"I told you who she is so tell me now what you need?"
"Okay, okay, Nothing. I need nothing from you. I am just checking you in your roo—”
"So now you care? Really?! Is it true? Oh! I can't believe it! Sun na ba ang imiikot sa earth? Si Jerry na ba ang humahabol kay Tom?" sarcastic na tanong ko sa kaniya.
I really can't stand him saying those petty excuses!
I know, he wants something from me.
Napailing-iling lang siya.
"Do you like her?" bigla na lang n’yang tanong out of the blue na nagpasamid sa’kin.
Tumikhim muna ako.
"Of course not! Teka nga! If you don't need anything, just go to your office and don't bother me again. Ever."
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at isinara ko ‘yung pinto.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
"Muntik na ‘yun ah!" nasabi ko nang malakas at may narinig akong umungol kaya napatingin ako doon.
Si Winter.
Mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid niya.
She's sweating so much.
Idinikit ko ‘yung noo ko sa noo niya para malaman ko kung may lagnat siya.
Ganun kasi ang ginagawa ng Mommy ko n’ong bata ako kapag nagkakasakit ako.
Napalayo naman ako sa kaniya bigla kasi sobrang init niya.
Tumayo ako.
Natataranta na ako.
Hindi naman siya gan’on kainit kanina ah!
Hala!
Pano na?
Anong gagawin ko?