Chapter 10

3453 Words
Chapter 10 - Radyo "Bangs?" nagulat ngunit mahina kong tawag sa kay Bangs dahil sa siya pala ‘yung nagpapiano at nakanta. Patuloy pa rin ang pagtugtog at pagkanta niya dahil mukhang hindi niya ako narinig o napansin man lang at nang matapos na niya ‘yung kinakanta niya, nakanganga pa rin ako at hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan ko. Siya talaga ‘yung kumakanta? ‘‘Di nga? Tumayo na siya at pinulot niya ang bag niya na nasa sahig sa gilid ng inuupuan niya at nang makita niya ko, ang mahiwaga titig niya na naman, bow! Ni hindi man lang nagulat kung bakit ako nandito. Nang makarecover ako sa pagkakatulala ko ay isinara ko na ang bibig ko at inayos ang sarili ko para hindi niya mahalata na humanga ako sa kaniya. Umakto rin ako na para bang bored na bored. "Alam mo, hindi mo pwedeng basta basta galawin ya—”napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang naglakad at nilagpasan ako saka lumabas na ng pinto. "Grrrrrr! Nakakainis talaga ‘yung babaeng yon! Nilayasan niya na naman ako! Lagi na lang n’yang ginagawa sa’kin ‘to!" nanggigigil kong sabi. Sa bwisit ko, sinipa ko ‘yung pader sa gilid ko pero napa-aray ako sa sakit habang patalon-talon pa. Gawa ba naman sa semento ‘yung pader! Bwisit! Pag malapit talaga sa’kin ‘yung babaeng yon, nagkakandamalas-malas ako! Pero napatigil ako sa pagtalon dahil naalala ko bigla ‘yung mukha niya habang nagpapiano siya at nakanta. Nakapikit pa siya! Ibang-iba siya doon sa palagi kong nakikitang siya. At saka ‘yung pagkanta niya... para siyang may pinagdadaanan. Tss! Hindi ko talaga maintindihan ang isang ‘yon. Parang napakalalim n’yang tao. Pahingi nga akong pala dyan para mahukay siya at malaman ko kung gano ba siya kalalim! But kidding aside, pati ako napaiyak niya sa pagkanta niya. Para kasing nahalungkat niya kanina ‘yung mga nakatagong kalungkutan sa puso ko at ngayon, hindi ko alam pero parang may humihila sa’kin para kilalanin ko ang tunay na siya. Ang tunay na siya sa likod ng walang emosyon n’yang mga mata... *—***—* Nakasakay na ako sa kotse na pinangsusundo sa’kin ng driver ko ay tulala pa rin ako. Hanggang ngayon kasi ay nagpeplay pa rin sa isip ko ‘yung boses n’ong Winter na ‘yun. Hindi ko talaga inaakala na marunong pala siyang kumanta. Ni hindi ko pa nga naririnig ‘yun na magsalita kahit na sa recitation sa mga subjects namin. Pa'no,napapasuko niya ang mga teacher sa pagpapasagot sa kaniya in oral dahil ang mahiwagang titig lang ang sagot niya sa mga ito. Meron din namang mga nag-aaproach sa kaniya na mga lalaki na kaklase namin. Siguro mga gustong pumorma pero hindi niya rin naman kinakausap ang mga ito. Maganda naman pala ‘yung boses niya, bakit kaya hindi ‘yun nagsasalita? Akala ko tuloy talaga, pipe siya! "Ah! Ewan!" Pinilig-pilig ko ang ulo ko para maialis ko na ang babaeng ‘yun sa isip ko. "Sir. Ayos lang po ba kayo? Masakit po ba ulo n’yo? Gusto nyo, dumaan muna tayo sa ospital?" biglang tanong sa’kin n’ong driver ko habang deretso pa ring nakatingin sa daan. Napansin siguro niya ang pagpilig-pilig ko kanina ng ulo ko. "No need, I'm okay. Just continue driving...” sabi ko sa kaniya with a cold tone. "Ah sige po sir. Pero okay lang po ba kung buksan ko ‘yung radyo para hindi po kayo mainip?" tanong niya ulit na ikinabwisit ko... "Whatever! Just do whatever you want and don't ask me again!" sigaw ko sa kaniya. Nakakabwisit eh! Tanong ng tanong! "Sorry po Sir." hinging paumanhin niya. Binuksan na niya ‘yung radyo. "—siyang singer at songwriter pa ha. Napakaganda rin ng babaeng ‘to at maraming umiidolo sa kaniya dito sa pilipinas. Si Taylor Swift at ang ipeplay nating kanta niya ay ang kaniyang 'Safe and Sound...'" putol na sabi n’ong DJ doon sa radyo. Nagsimula nang magplay ‘yung kanta. Teka! Yan ‘yung kinakanta ni Bangs kanina ah! "Hoy! Patayin mo nga yang radyo!" biglang sigaw ko sa Driver ko na ikinagulat naman niya. "Po?" nagtatakang tanong niya sa’kin. "I said turn off that f*cking radio!" sigaw ko ulit sa kaniya. Dali-dali naman n’yang pinatay ‘yung radyo gaya n’ong sabi ko sa kaniya. Bullsh*t! Narinig ko na naman ang kantang ‘yun. Hindi ko na nga maalis sa isip ko ‘yung boses niya tapos maririnig ko na naman ‘yung kantang yon! Ang hirap kasing burahin sa utak n’ong boses niya... Paulit-ulit na nagpeplay! At ang nakakainis pa, pagkarinig na pagkarinig ko n’ong kanta ay nagflash agad sa isip ko ‘yung mukha ni bangs na nakapikit habang nagpapiano at nakanta! Sobrang ganda niya kasi kanina! Bullsh*t talaga! Ano ba tong sinasabi ko sa isip ko?! `Yung Winter na yon, sobrang ganda? Hindi ah! O sige, maganda lang, hindi sobrang ganda. F*cksh*t! Nababaliw na ba ko? Kinakausap ko na ‘yung sarili kong mag-isa? Hindi ako pwedeng mabaliw! Ako pa ang magmamana ng Primo High! "Bilisan mo nga ang pagdadrive mo! Gusto ko nang umuwe!" pasinghal na sabi ko sa driver ko... "Opo Sir." Kinabukasan... 10:30 am Habang naglalakad ako sa hallway, nagsisitinginan ang mga taong nadadaanan ko... `Yung iba, nag-iiwas na agad ng tingin kapag nasasalubong ang tingin ko. Hay nako... Sanay na ako sa mga gan’yang bagay... Pero ang masasabi ko lang sa inyo, tatlong bag ang dala ko ngayong umaga... Isang bag para sa mga invisible na gamit ko at ‘yung dalawa naman eh ang mga EYE BAGS ko! Corny na kung corny pero grabe ‘yung nangyari sa’kin kagabi... Anong oras na ako natulog... mga 3:00 lang naman ng madaling araw. Kaya nga late na kong pumasok ngayon. Tss. Wala naman akong pakelam kung late na ako pumasok dahil palagi naman talaga kong late. Pero ang kaisa-isang dahilan lang naman kaya hindi ako nakatulog nang maayos kagabi ay ang paulit-ulit na pagpeplay ng boses ng Winter na ‘yun sa isip ko. Aaaaaaaaaah! Ayoko na talagang maisip ulit ‘yun... Rinding-rindi na nga ko kagabi pabiling-biling din ako sa higaan ko, hanggang ngayon ba naman! Kung maaari lang, ayoko munang marinig ang pangalan ng babaeng yon! Nakarating na ako ng classroom at naglakad na papuntang upuan ko kahit may teacher na nagdadadada sa unahan. Halata naman siguro nila ‘yung pagkabadtrip ko. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa tabi ng upuan ko. Nakatingin siya sa’kin. Sa mga mata ko. Napatigil ako sa paglalakad. Ngayon lang siya tumingin sa’kin nang deretso tuwing darating ako dito sa room. Umiwas na siya ng tingin sa’kin kaya umupo na ako sa upuan ko. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa teacher namin at halatang nakikinig. Siya kaya talaga ‘yung kumakanta sa lumang music room kahapon? Baka kakambal niya yon? O kaya clone? Bigla siyang tumingin sa’kin kaya nagtama ang tingin namin. Itim na itim ‘yung mga mata niya at walang buhay ‘yon. `Yung bang parang wala ka talagang mababasang kahit anong emosyon doon. "Pinanganak ka na ba talaga ng gan’yan?" tanong ko sa kaniya. Narinig kong napatigil ‘yung techer sa unahan sa pagdada niya dahil sa sinabi ko pero ipinagpatuloy niya na rin. Hindi inalis ni Bangs sa’kin ‘yung tingin niya kaya napabuntong hininga na lang ako at inalis ang tingin sa kaniya. "Haaaaayyyyy... Nakakacurious talaga..." Nilagay ko ‘yung dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko at ipinatong ang dalawang paa ko sa desk ng upuan ko. Ipinikit ko na ang mata ko. Puyat pa ko. *—***—* Uwian na... Pababa na ako ng building namin at ngayon nasa second floor na ako. Pababa na ako ng hagdan at nakita ko si Bangs na pababa na rin. May bumaba ding tatlong lalaki at tinulak siya ng isa sa mga ‘yon. Nagulat naman ako sa nangyaring ‘yon. Hindi ko nakita kung anong nangyari sa kaniya kasi pababa pa lang ako nitong kaunting hagdan tapos iikot ako para makababa na n’ong hagdan kung nasaan si Bangs. Tumakbo ako pababa at tiningnan ko kung anong nangyari sa kaniya. Nakita kong nakayakap sa kaniya ang isang babaeng nakacostume na parang soldier ng mga sinaunang panahon. `Yung nakaarmor pa tapos may hawak pang makapal na libro. The heck? May costume party ba? Malayo pa naman ang halloween ah. "Ayos ka lamang ba binibini?" tanong niya kay Bangs. Bumababa na ako papunta sa kanila. Tumango lang si Bangs sa kaniya at nang mapatingin siya sa’kin ay nanlaki ang mga mata niya. Mukhang magkakasing edaran lang kami pero ang weird n’ong aura niya lalo na n’ong librong hawak niya. "Ikaw ba si Argyris?" tanong niya sa’kin. Napataas ako ng kilay. Baliw ba tong babaeng to? Argyris? Sino namang walanghyang mga magulang ang magpapangalan ng gan’ong kaluma sa anak nila? "Hinde." sagot ko sa kaniya at mukhang nanlumo naman siya. "Kung gan’on ay may kakilala ka bang Argyris ang—” "Wala." sagot ko agad sa kaniya bago pa niya matapos ‘yung sasabihin niya. Tumingin ako kay Bangs. Nakatingin din siya sa’kin pero tumalikod na ako at naglakad palayo. Mukhang wala namang masakit sa kaniya. Teka... Bakit ba ko concern sa kaniya? Tsk! Epekto pa rin siguro ‘to ng kulang sa tulog. Kinabukasan… Nasa upuan ko lang ako ngayon at nakaupo. Recess time na at iilan lang sa mga kaklase ko ang nandito kasi ‘yung iba, mga lumabas para kumain at magrecess. Napatingin ako sa upuan sa tabi ko at wala doon si Bangs. Nagrerecess. Wala akong ganang magrecess. Ewan ko kung bakit. Napanaginipan ko na naman kasi ‘yung Bangs na ‘yon kagabi habang kumakanta siya at nagpapiano. Kaasar! "Ahhhhhhhhhh!" Napatingin ako sa unahan kasi may tumili na babae. "Get it off from me! Ahhhhhhh!" pagtitili niya habang nagtatatalon sa unahan at parang may inaalis sa buhok niya. "Wahahahahah!" hagalpakan naman n’ong mga lalaki sa kaniya na aliw na aliw sa itsura niya. Hinawakan siya ng isa sa mga ‘yon at may inalis sa buhok niya. Isang malaking gagamba. "Waaaaaaaahhhhh! DIE YOU BASTARD!" iyak n’ong babae nang maalis na sa kaniya ‘yung gagamba saka tumakbo papalabas. Hagalpakan pa rin nang tawa ‘yung mga lalaki sa unahan. May pumasok ulit na isang babae at inihagis sa buhok niya ‘yung gagamba. "Ahhhhhhhhhhhh!" tili niya rin at katulad n’ong nauna, nagtatatalon din siya doon na parang ineepelepsy. Pilit n’yang inalis ‘yung gagamba sa buhok niya kaya nahawakan niya ‘yon. Nanlaki ang mga mata niya ng nasa kamay niya na ‘yung gagamba saka inihagis ‘yon doon sa lalaking humagis n’on sa kaniya. "F*CK YOU!" galit na galit n’yang sabi at nakabad finger pa saka lumabas na dahil sa nasira n’yang make up sa pag-iyak niya. Haglpakan pa rin ‘yung mga lalaking ‘yon at ako eh natatawa rin kasi epic na epic talaga ‘yung itsura n’ong dalawang babae kanina. Pati mga iba kong kaklase na nagsisidatingan na eh ginagan’on nila. `Yung iba, umiiyak lalo na mga babae pero ‘yung iba, nagugulat lang. Lumabas ‘yung isa sa mga nanghahagis ng gagamba at sumilip lang siya doon tapos nanlaki ang mga mata niya at nagmamadaling pumasok. "And’yan na si Robot guys!" sabi niya kaya naman naexcite kaming lahat. Baka kasi takot rin siya sa gagamba katulad n’ong mga babae at magtatatalon din sa unahan. Wahahahaha! Gusto kong makita na magkagan’on siya! Nilabas ko pa ‘yung cellphone at nilagay ko sa video recording para kapag bad mood ako eh panonoorin ko lang ‘yon at baka sakaling mawala ang badtrip ko. Naririnig na naman ‘yung mga yabag niya. Nakaready na rin ‘yung maghahagis ng gagamba. Nang may pumasok na sa pinto ay inihagis na nila ‘yung gagamba sa kaniya. "Ahhhhhhhhhhhhhh!" Nanlaki ang mga mata naming lahat. "Alisin n’yo sa’kin ‘to! Ahhhhhh! Takot ako sa gagamba!" sigaw n’ong baklang math teacher namin na si Rodrigo habang pinapagpag ‘yung ulo niya. Nabitawan niya ‘yung mga hawak n’yang folders at sumabog ‘yon sa sahig. What the f*ck! Doon na pumasok si Bangs at napatingin siya sa kaniya na nagtatatalon sa unahan habang takot na takot sa pagpapagpag ng katawan niya sa ‘di maalis na gagamba. Lumapit si Bangs sa kaniya at hinawakan siya sa braso at kalmadong-kalmadong kinuha ‘yung gagamba na nasa likuran niya na ngayon. Hawak niya na ‘yung gagamba kaya tumigil na ‘yung math teacher namin sa pagpapagpag sa sarili. Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa’ming lahat. "Yan na ‘yung mga projects n’yo!" turo niya doon sa mga folder na nakakalat sa sahig. "I hate you all!" sigaw niya sa’min saka nagwalk out. Napatingin kaming lahat kay Bangs at nakatingin lang siya doon sa hawak n’yang gagamba. Hindi man lang siya natatakot doon ‘di katulad n’ong mga babae kanina na halos himatayin na sa takot. Ibinigay niya na ‘yon doon sa lalaking nasa harapan at naglakad papunta dito sa may upuan niya. Nakasunod lang ang tingin naming lahat sa kaniya. Ano ba talagang kinakatakutan ng isang to?! Tumingin siya sa’kin at biglang nagflash ulit sa’kin ‘yung nagpapiano siya habang kumakanta. Rinig na rinig ko rin sa isip ko ‘yung napakagandang boses niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin na siya sa unahan. Tiningnan ko ‘yung phone ko at narecord ko pala ‘yung nangyari doon kay Rodrigo. Pinlay ko ‘yon. Napangiwi ako sa itsura niya. Ididilete ko sana ‘yon kasi baka mavirusan ‘yung phone ko pero nakita ko doon tong si Bangs habang kalmadong kalmadong inaalis sa kaniya ‘yung gagamba. Nagdalawang isip tuloy ako kung buburahin ko ba o hindi. Sa huli eh hindi ko na lang binura. Ewan ko. Basta wag na. Nakasakay na ako sa kotse kasama ang driver ko at ihahatid niya na ako pauwi ngayon. Nandito pa lang kami sa tapat ng Primo High at paandar pa lang ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana na may tinted na salamin. Umandar na kami. Biglang nahagip ng mata ko si Bangs na naglalakad. "Sandale... Bagalan mo lang ‘yung takbo,” sabi ko dito sa driver ko kaya binagalan niya nga lang ‘yung takbo nitong kotse. Ibinaba ko ‘yung bintana at tiningnan ko si Bangs. Naglalakad lang siya at nakadisplay pa rin ang expressionless n’yang mga mata kahit na gilid niya lang ang nakikita ko. Wala pa siyang pamasahe pangtaxi pauwi kaya siya naglalakad? Eh bakit mo tinatanong? Concern ka? Hindi no! Paki ko naman dyan! Kasingbilis lang ng lakad niya ang takbo nitong kotse. Nakatingin lang ako sa kaniya. May dumaan sa gilid niya na masayang pamilya kaya napatingin siya doon. Nakapaling ‘yung ulo niya palikod sa’kin kaya ‘di ko makita ‘yung mukha niya. Sinundan niya ng tingin ‘yung pamilya na ‘yon. May kasabay siyang maglakad na babaeng mataba kaya ‘di ko na siya makita. Anak ng! Laking harang! Tumigil ‘yung matabang ‘yon sa paglalakad kasi may kausap na siya sa phone kaya nakita ko na ulit si Bangs pero nagulat ako kasi nakatingin siya sa’kin. Nagtama ang mga tingin namin. Dugdugdugdugdugdug... Bigla naman akong napaiwas ng tingin at agad kong itinaas ulit ‘yung salamin ng bintana para magtago na kahit alam kong nakita niya na naman ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Dugdugdugdugdugdug... Dugdugdugdugdugdug... Anak ng! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa gulat dahil doon sa nangyari pero parang may iba pa kong nararamdaman. Parang sumasakit rin ‘yung tyan ko na parang may naglilikot na kung ano sa loob n’on pero hindi naman ako naaano. Parang kinakabahan ako nang sobra na ewan. Basta! Hindi ko maipaliwanag pero ang alam ko, ang weird ng nararamdaman ko ngayon! 2 days later... Kailan ba ako patatahimikin ng panaginip ko na ‘yon. Ilang araw ko ng napapanaginipan ‘yung Bangs na ‘yon na nagpapiano at kumakanta at hanggang ngayon eh malinaw na malinaw pa rin ‘yung boses niya sa panaginip ko. Grrrrrrrrr! Nakakaasar na! Pati ‘yung nahuli niya kong nakatingin sa kaniya habang naglalakad siya at ako naman eh nasa kotse ko. Hindi ako mapakali ng ilang araw dahil doon. Hindi rin ako makatingin nang maayos sa kaniya kasi baka iniisip niya na may gusto ako sa kaniya. The heck! Never akong magkakagusto sa NAPAKAWEIRD!, NAPAKACREEPY! at NAPAKAINSENSITIVE literally na babaeng yon! Asa naman siya! Kung pwede ko lang ireformat ang utak ko para mawala na ‘yon sa memorya ko! Nako! Kaya kung pwede lang! Ayoko munang marinig ang pangalan n’ong babaeng yon! "Tol! Diba ‘yun ‘yung robot ng 4-A. ‘yung Winter ba yon?" "Oo nga no!" "Tara! Puntahan natin!" Grrrrrrr.... "Kasasabi ko lang na ayokong marini—”Pagtingin ko, wala na ‘yung dalawang lalaki na nag-uusap sa likod ko dahil tumakbo na kaagad sila papunta sa sa isang kumpulan malapit sa oval. Pati ba naman sila, nilalayasan na rin ako! Nahawa na rin ba sila ng walk-out virus ng Bangs na yon! Pero sandale, Kelan pa pinagkumpulan ang Winter na yon? Matingnan nga! Baka may ginagawa na naman sa kaniya. Dali-dali akong naglakad papunta doon sa kumpulan. Hindi ako makasingit sa sobrang dami ng mga chismoso at chismosa dito kaya naman sumigaw ako ng pagkalakas-lakas. "Tumabi nga kayo!" Napatingin naman lahat sa’kin ‘yung mga nasa kumpulan. Bilis-bilis silang nagsitabi kaya naman nakita ko na ang pinagkakaguluhan nila... Si Winter nga. Pero basang-basa siya ngayon at nakaupo sa lupa. Nagtutulo pa ‘yung buhok niya. Medyo kita ko na rin ‘yung noo niya kasi nabasa ‘yung bangs niya pero nakayuko siya. Pati ‘yung damit niya, bumakat na ‘yung balat niya dahil basang basa pero nakasando naman siya. "Russell! Ang galing ko no! Ako may gawa n’yan!" sabi sa’kin ni Kiel nang lumapit siya sa’kin at mukhang proud na proud pa siya sa ginawa niya. May hawak pa nga siyang basang balde. Yun siguro ‘yung ginamit n’yang pambuhos kay Winter. Pagkatapos n’yang sabihin ‘yon ay tumingin siya sa mga estudyanteng nakaikot sa’min ngayon. "Makinig kayong lahat! Ako na ang kanang kamay ni Russell Primo kaya dapat n’yo na rin akong katakutan dahil kapag hindi ay makakatikim din kayo ng katulad sa babaeng ‘to." sigaw niya pa. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang suntukin ngayon dahil sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang sumisikip ‘yung dibdib ko sa galit. Dapat ay matuwa ako kasi binubully niya rin ‘yung si Bangs pero ‘di ko talaga maintindihan kung san ba nanggagaling tong galit na ‘to! Kaya ko nga siya ginawang trash kasi asar ako sa kaniya at gusto ko siyang saktan ng mga tao dito. Gusto ko siyang ipahiya sa lahat at gusto ko siyang umalis dito pero bakit ako naaasar kay Kiel ngayon?! Bakit gusto ko siyang bangasan sa mukha sa ginawa niya?! Nang tingnan ko si Winter. Nakatayo na siya. Nagulat pa ako dahil nakatingin rin siya sa’kin. Nagkatama na naman ang paningin namin. Kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko. Teka, ano na naman tong nararamdaman ko? Ba't ang bilis na naman ng t***k ng puso ko? May sakit na ba ko sa puso kaya ako nagkakaganito? Dahil ba ‘to sa palagi akong puyat? Kanina, parang sasabog ‘yung puso ko sa galit pero ngayon, sobrang bilis ng t***k nito na ang weird weird na. Inalis niya na rin ‘yung tingin niya sa’kin at naglakad na siya palayo. Binigyan siya ng daan ng mga nagkukumpulan dito. Bigla na namang nagflash sa isip ko ‘yung titig niya sa’kin n’ong naglalakad siya. Aaaaahhh! Ayoko na! ‘Di ko talaga maintindihan ang babaeng yon! Scratch that. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD