Chapter 4

2259 Words
Chapter 4 - They Trapped Her Kinabukasan... ~Bully~ Pumasok ako ng room habang ngumunguya ng Chewing Gum. Nakita ko na papaupo na si bangs sa upuan niya. Kung noon, napipilitan lang ako na pumasok dahil sa pangungulit ni Dad, ngayon, sarili ko na tong desisyon kasi nga gusto kong ako mismo ang magpahirap sa Winter na ‘to para makabawi ako sa mga pamamahiya niya sa’kin kahapon. Swerte nga niya, nag-effort pa akong magdala ng gagamitin ko para sa plano ko para sa kaniya. Pero may napansin akong nakadikit na papel sa likod niya. May nakasulat na "Please kick my butt! It's FREE!" Napangisi naman ako sa nabasa ko. `Yung mga kaklase ko naman, nagsisitawanan din. Mukhang dinadahan-dahan siya ng mga nambubully sa kaniya. `Yung lahat kasi na mga namark kong trash ay kung kailan ko sila minark ay doon ang pinakagrabeng mararanasan nilang pambubully pero sa kaniya, napakamild lang. Pero ayos na rin. Mas magandang paunti-unti para damang dama niya talaga ang pagkamiserable dito tsaka ako ang gagawa ng mga major na pambubully sa kaniya! Pumunta na ako sa upuan ko at umupo. Habang patuloy pa rin ako sa pagnguya ay ipinatong ko ang dalawang paa ko sa desk ko. Cool na cool lang ako. Tumingin rin ako sa kaniya at nginisian ko siya habang ngumunguya pa rin. Siya naman eh deretso lang ang tingin sa unahan. Wala siyang kaalam-alam na may nakadikit sa likod niya. Nang magsimula na kaming magklase, nabwisit ako dahil Math agad ang una naming subject. Kaya ayokong pumapasok eh! Marunong naman ako sa math pero nakakairita lang talaga! Puno na ng math problems ang board namin kaya nakakahilo yong tignan pero alam ko naman ang lahat ng sagot doon. Napatingin ako sa mga kaklase ko at bumuntong hininga silang lahat at nanlulumong kinuha ‘yung mga notebook nila. Napailing na lang ako. Mabuti kung magiging pangulo kami ng United States kapag natutunan namin ‘yan lahat! Eh hindi eh. Burahin ko na lang kaya ‘yung mga nakasulat sa board para wala ng problemang sasagutan. Tipid pa sa chalk. Tinawag naman ng Math teacher namin si bangs para sagutan ‘yung problem sa board. Ayus! Tamang timing tong teacher na ‘to ah! Tumayo naman siya at naglakad na papunta sa unahan. Nang nagsasagot na siya sa board ay kinuha ko na agad ‘yung container ng red paint sa bag ko. Maliit na container lang naman ‘yon at nagpabili talaga ako sa driver ko ng pinturang hindi masyadong nangangamoy para hindi niya ko mabisto sa gagawin ko sa kaniya. Tumayo ako at pasimpleng lumapit sa upuan niya. Naagaw ko ang atensyon ng mga kaklase ko sa pagtayo ko pero hindi naman ako napansin ng teacher namin dahil kay bangs siya nakatingin. Lahat sila nakatingin sa’kin at nagtataka kung bakit nakatayo ako at may hawak pa akong pintura. Binuksan ko ‘yung lalagyan ng pintura at pininturahan ko ‘yung inuupuan ni bangs gamit ‘yung brush na kinuha ko rin sa bag ko. Hindi niya naman siguro mahahalata ‘yun dahil kulay pula naman talaga ang kulay ng mga upuan namin. Hindi ko na nilagyan ‘yung sandayan kasi baka mahalata niya pa. Bumalik rin ako kaagad sa upuan. Nagpipigil naman sa tawa ang mga nakakakita sa ginawa ko. Nang papalapit na siya ay sumisipol pa ako para hindi halatang may ginawa akong kalokohan. Ang mga kakalase ko naman, mga nag-aabang kung papalya ba ‘yung plano ko. `Yung teacher naman namin sa unahan eh tuloy pa rin sa pagdada. Wala namang nakikinig sa kaniya. Nang tuluyan na siyang umupo doon sa upuan niya, sabay-sabay kaming napahagalpak sa tawa. Hahahah! Antanga amputek! ‘Di niya talaga napansin yon? Sa bagay, hindi talaga madaling mapansin ‘yon kasi kulay pula nga kasi pareho. Maluha-luha na ako sa kakatawa dahil sa katangahan nitong bangs na ‘to! Ang galing ko talaga! Bigla naman siyang napatayo. Siguro, naramdaman n’yang basa ‘yung inuupuan niya gawa n’ong pintura. Gusto kong makita kung anong reaksyon niya pero ‘di ako makamulat sa kakatawa. Sinaway naman kami ng Math teacher namin pero n’ong sa’kin na siya napatingin, napatigil siya bigla at hinayaan na kami na mag-ingay. Grabe! Ang sakit ng tyan ko sa kakatawa n’ong makita ko ‘yung likod ng palda niya. Para siyang dinugo na ewan. Wahahahah! XD Epic ang p*ta! Napatigil kaming lahat sa pagtawa nang naglakad na siya palabas ng room dala ang bag niya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay naghagalpakan na naman kami sa pagtawa. `Yung math teacher namin eh walang magawa para patahimikin kami. Takot lang n’yan na mapatalsik ko siya dito pag ako na may-ari nito. Nang maubos na ‘yung tawa ko eh umayos na ako ng upo at sumeryosong muli. `Yung mga kaklase ko naman, mga ‘di makamove on sa nangyari. Bahala sila kapag kinabag sila sa kakatawa. Pero sa totoo lang. Hindi naman talaga ako nagmamark ng Trash sa mga babae. Siya lang ang kauna-unahan kong minark na trash kasi siya lang kasi ang pangahas! `Yung mga babae kasi dito, nagtitilian o kaya nagkakagulo kapag nakikita nila ko. `Yung iba naman, natatakot sa’kin at iwas kaya wala akong ginagawang trash sa kanila pero sa bangs na yon, hindi ko mapigilang mapikon sa kaniya. Ayoko pa naman sa lahat eh ‘yung napapahiya ako pero siya, hindi lang isang beses niya akong pinahiya o dalawa kundi tatlo! Aba! Grabe siya! Siya lang nakagawa sa’kin non! Kaya I will make sure na magmakaawa siya sa’kin na itigil ko na ang pambubully sa kaniya. TAGA KO PA SA BATO! ~Tagapagsalaysay~ Nasa C.R ng mga babae ngayon si Winter at binabanlawan niya ang palda niya na may pulang pintura sa may lababo ng C.R. Siya lang ang nasa loob ng C.R dahil nga may klase pa ng mga oras na ‘yon. Nagpalit din muna siya ng pang P.E niya na dala niya sa kaniyang bag bago siya maganlaw ng palda niya sa lababo. Pinatay niya ang gripo at itinigil muna saglit ang pagtatanggal ng pintura sa palda niya. Binitiwan niya ‘yung palda niya at tiningnan ang mga kamay niya na may kulay pulang likido. Biglang nangatog ang mga tuhod pati ang mga kamay niya dahil doon kaya naman agad-agad n’yang hinugasan ‘yung kamay niya at marahas na inalis ang lahat ng bakas ng pulang pintura doon. Nang mawala na ang mga ‘yon sa kamay niya ay napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Doon ay nakita niya ang walang emosyon n’yang mga mata. "WALA KAYONG KWENTA!" sigaw ng batang siya ng mga katagang ‘yan saka tumakbo paalis. Nakikita niya ang mga pangyayari sa salamin na mula sa memorya niya na ayaw niya na sanang maalala pa. Nakita niya ang batang siya na nababalot ng dugo at ang kasunod n’on ay ang pag-alingawngaw niya ng kaniyang iyak. "Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ‘to!" Tumulo ang luha sa mga mata niya pero wala pa ring emosyon ron. Inalis niya sa kaniyang isipan ang mga alalalang ‘yon na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinatatahimik. Pinunasan niya na ang pisngi niya na basa ng luha. "Ito ang parusa ko kaya wala akong karapatang maging masaya o umiyak man lang." mahina n’yang sabi sa kaniyang sarili. Piniga niya na nang maayos ang palda niya kahit may mga pintura pa rin ‘yon at inilagay niya ‘yon sa loob ng plastic na pinaglalagyan kanina ng pangP.E niya dahil bago lang ‘yon. Naghugas ulit siya ng kamay at pagkatapos n’on ay bumalik na siya sa room nila ng naka P.E. Iba na ang teacher nila nang bumalik siya pero pinapasok pa rin siya ng kanilang sunod na teacher dahil hindi pa naman siya masyadong late. Pumunta siya sa kaliwang upuan sa tabi ni Russell at doon siya umupo dahil may pintura pa rin ‘yung upuan niya kanina. "Matibay ka talaga hah." narinig n’yang sabi ng katabi niya pero hindi siya tumingin rito at deretso pa rin ang tingin niya sa unahan. *—***—* Uwian... Naglalakad na siya para umuwi. Nang nasa first floor na siya ay may masangsang na tubig ang bumuhos sa ulo niya mula sa itaas niya. Nagdamusak ang tubig na ‘yon sa sahig. Nagwooow ang mga taong dumadaan. "Makakauwi ka kaya n’yan kung gan’yan ka kabaho? Goodluck sa’yo. Mag-iingat ka ha." nakangising sabi sa kaniya ni Russell at may iba pa itong mga kasamang lalaki na may hawak n’ong baldeng siya sigurong ipinambuhos sa kaniya. Mga nakangisi rin ang mga ito sa kaniya. Umalis na ang mga ito. Napatingin siya sa sahig. May mga basurang kasama ‘yung tubig na ibinuhos sa kaniya at ang mga basurang iyon ay ‘yung mga pinagkainan. May mga tinik ng isda, buto ng manok, mga gulay, balat ng mga prutas at kung ano ano pa na pinagkainan. Halatang bulok na ang mga iyon kaya talagang mabaho. Tiningnan niya ang bag niya at buti na lang at hindi nabasa ang mga gamit niya sa loob dahil waterproof ang bag niya. Bumalik siya sa may locker room para isuot ang uniform niya sa baking class nila. P.E ang suot niya at may pintura naman ang daily uniform niya kaya ‘yun na lang ang pwedeng isuot niya. Wala namang magsasakay sa kaniyang taxi o jeep kung sasakay siya na gan’on ang itsura. Pumunta muna siya sa shower room at nilinis ang sarili dahil sa masangsang na tubig na ibinuhos sa kaniya at pagkatapos n’on ay dumeretso siya sa cubicle para magpalit at isinabit niya muna ‘yung P.E na pinaghubaran niya sa may itaas ng pinto. Nakalabas ang kalahati n’on. Iniwan niya ring nakapatong ‘yung bag niya doon sa may tapat ng malaking salamin dahil siya lang ang tao sa loob. Nang isusuot niya na ‘yung pangitaas niya na uniform sa baking class nila ay may kumuha ng pang P.E niya sa may pinto. Hindi niya inasahan ‘yon kasi akala niya, siya na lang ang tao doon dahil kanina pa nagsiuwian ang mga estudyante. Nang tapos na n’yang maisuot ‘yung baking uniform niya ay sumilip siya sa labas ng pinto ng cubicle na ginagamit niya pero biglang may nagsara n’ong pinto n’ong mismong CR. Nagmadali siyang lumabas ng cubicle at sinubukang buksan ‘yung pinto pero hindi niya mabuksan. Napabuntong hininga siya. Tiningnan niya ‘yung bag niya doon sa may tapat ng salamin pero wala na ‘yun doon. Mukhang kinuha n’ong naglock sa kaniya ‘yung bag niya. Tumingin siya sa napakalaking C.R. na ‘to na parang kasing laki na rin yata ng bahay niya. Mukhang dito siya matutulog hanggang kinabukasan. Umupo siya sa may sulok at niyakap ang mga binti niya. Sanay na siya na gan’on ang nangyayari sa kaniya. Sa dati n’yang school ay lagi rin siyang inilolock ng mga kaklase niya pero nagpapasalamat siya dahil hindi siya sa madilim nilolock ng mga ito. Nagulat siya nang biglang mamatay ang ilaw sa loob. Wala siyang makita. Hindi niya makita ang nasa paligid niya. Naalala niya bigla ang nangyari noon. Pagpasok niya ay madilim katulad ng nangyayari sa kaniya ngayon. Madilim rin. "Hinde… Wag n’yong patayin ‘yung ilaw. Parang awa n’yo na..." her voice cracked as she pleaded. Alam n’yang walang makakarinig sa kaniya. Natatakot siya. Sobrang takot na takot na siya sa puso niya at unti-unti na yong umaakyat sa isip niya. Gusto n’yang sumigaw pero wala siyang lakas para gawin ‘yon. Ayaw niya ng magtagal pa sa lugar na ‘yon. Dahan-dahan siyang tumayo kahit na nangangatog na ‘yung mga binti niya para hanapin ang switch ng ilaw. Nang mahanap niya ay pipindutin niya sana iyon pero naalala n’yang muli ang mga nangyari noon. Pagkatapos ng nangyaring kadiliman ay hinanap niya rin ang switch at pagkapindot niya ay bumungad sa kaniya ang bangkay ng dalawang taong lubusan n’yang minamahal. Puno ng dugo ang sahig pati ang katawan niya dahil sa pagkakadapa niya sa mga dugong iyon. Bigla siyang kinilabutan sa mga naalala. Napapikit siya ng mariin. Ayaw niya ng maalala ang mga iyon. Tumakbo siya pabalik sa sulok na inuupuan niya kanina at hindi na sinubukan pang pindutin ang switch ng ilaw. Umupo siya doon at niyakap niya ang mga tuhod n’yang nangangatog pa rin sa takot. Alam n’yang hindi siya makakalabas roon kahit humingi siya ng tulong. Ayaw n’yang buksan ang ilaw kung mabubuksan nga bang talaga ito dahil baka tumambad na naman sa kaniya ang dalawang bangkay na puno ng dugo mula sa nakaraan niya. Siniksik niya ang sarili niya sa pinakasulok ng kwartong iyon. Nanginginig ang mga kamay, binti at tuhod niya. Pinikit n’yang mariin ang mga mata niya. May gumalabog bigla na parang may nahulog na maliit na bagay na talaga namang ikinagulat niya. Kasunod n’on ay nakakabinging katahimikan. Mabigat na paghinga niya lang ang tanging nangingibabaw. "Mommy, Daddy..." mahinang sabi niya. Kahit na puno na siya ng kalungkutan ay walang tumutulong luha sa mga mata niya. Kahit konti ay wala. Sa sobrang pagkahalo-halo ng mga nararamdaman niya ay nawalan na siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD