Chapter 6

4101 Words
Chapter 6 - My Plan, Bow! Two weeks later... Dalawang linggo na ang makalipas simula n’ong nangyari sa Canteen. Sa dalawang linggo na ‘yun eh suspended si Bangs. Ayaw daw kasing magsalita sa mga tanong sa kaniya ng Principal tungkol doon sa nangyari na away nila n’ong tatlong babae kaya nadiin siyang mabuti n’ong tatlo at nasuspended siya. Absent din ako ng two weeks kasi nga wala naman akong mabubully masyado sa school kasi lahat naman sila takot na sa’kin. Isa lang ang hindi at ngayong nagbalik na ang isang ‘yon sa school na to, pumasok rin ako. Matagal na kong may naiisip na kalokohan pero hindi ko magawa kasi nasuspindi ‘yung bibiktimahin ko pero ngayon nandito na siya. Tuloy ang operasyon! Bwahahahah! Lalagyan ko lang naman ang locker niya ng mga bugok na itlog. Mwehehehehe. Tignan natin kung mapigilan niya pa rin ang galit niya kapag nakita niya kung ano ang gagawin ko sa mga gamit niya sa locker niya. *—***—* Nagpalate akong pumasok ngayon para siguraduhin na nasa loob ng mga classroom nila ang mga tao dito sa school lalo na si Bangs. Isasagawa ko na kasi ‘yung plano ko para patiklupin ‘yung Winter na yon! No’ng una, success naman n’ong lagyan ko ng pintura ‘yung upuan niya pero hindi ako kuntento doon. Gusto ko ‘yung mapapatili siya sa inis. Nandito ako ngayon sa Girl's locker room. Sinigurado ko munang walang tao sa loob at nang wala nga ay pumasok na ako. Hinanap ko muna ‘yung locker niya. Ang alam ko eh #217 ‘yun eh. Nang mahanap ko na ay binukasan ko ‘yon gamit ‘yung hiniram kong mga duplicate keys doon sa guard. Actually, ‘di talaga siya hiram, sapilitang paghiram siguro. Ayaw ba namang ipahiram sa’kin n’ong guard ‘yung mga susi! Takutin ko nga na ipasisibak ko siya sa trabaho niya dito sa school kay Dad kapag ‘di niya binigay sa’kin ‘yon kaya ‘di napilitan siyang ibigay sa’kin ‘yun. Tss! Kelangan muna ng takutan bago makuha eh! At ngayon ay balik na tayo sa locker ni Bangs. Nabuksan ko na nga ito ngayon. Pero ayos ah! Sobrang linis n’ong mga gamit niya locker niya. Nakaayos mabuti ‘yung mga libro at notebooks niya doon. Nandoon din ‘yung pang P.E at ‘yung pangbaking uniform niya. Ang bango rin ng loob nito. Sayang naman ang pabangong ibinuhos niya dito sa locker niya. Pero naalala ko bigla, wala nga pala akong dalang mga bugok na itlog. Pano na? Ayoko ngang magdala ng gan’on! Ano? Magdadala ako ng mabaho sa bag ko para lang sa bangs na yon?! No way! Ano siya, sinuswerte? Pero pano ko na gagawin ‘yung plano ko? But I remember, may inutusan akong kung sino kahapon para magdala n’on para sa’kin. Sino ba ‘yung inutusan ko kahapon? Pilit kong inalala ‘yon pero narinig kong parang may naglalakad papasok dito kaya isinara ko muna ulit ‘yung locker ni Bangs at pasimple akong sumandal doon sa locker. Siguradong kapag may nakakita sa’kin dito ay baka kung anong isipin kaya wala dapat makakita sa’kin. "Oh! Kuya Gino! Ito na ‘yung mga rotten eggs na pinapadala mo sa’kin. Pero bakit ka nandito sa locker room ng mga babae?" sabi n’ong nakatayo sa harap ko ngayon. Sa boses ko nalaman na lalaki ‘yung nasa harap ko ngayon kaya inangat ko ‘yung tingin ko. Kuya Gino? Nabwisit ako sa kaniya doon sa tawag niya sa’kin. "Sino ka naman tsaka pano mo nalamang nandito ako?" masungit na tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman kuya Gino! Ako ‘to si Kiel! ‘yung third year na inutusan mo kahapon na magdala nitong rotten eggs. Hindi mo ba ko natatandaan? Tsaka nakita kasi kitang pumasok dito kaya sinundan kita para ibigay tong pinapadala mo,” sabi niya na feeling close. Like f*ck? "Ano naman kung ‘di kita natatandaan? Si Noynoy ka ba para kailangan kong tandaan? Akin na nga yan!" hinablot ko sa kaniya ‘yung plastic na may lamang tray ng mga bugok na itlog. Nagulat naman siya sa ginawa kong paghablot n’ong plastic sa kaniya. Bullsh*t! Ambaho! "At please lang, wag mo kong makuya-kuya kasi ang pagkakaalam ko, wala akong kapatid and also, don't call me Gino because we're not even close!" naiinis kong sabi sa kaniya. Halata ko naman na napahiya siya sa sarili niya.. Tss! Hindi ko na siya pinansin at binuksan ko na ulit ‘yung locker ni Bangs. Pero nang ilalabas ko na ‘yung tray ng bugok na itlog sa plastic ay napatigil ako. Nagdalawang-isip ako kung hahawakan ko ba ‘yung tray. Anak ng bigsh*t ‘yan oh! Sobrang baho amp*ta! Baka mamaya kumapit pa ‘yung amoy nun sa kamay ko. Pinakaayaw ko pa naman eh ‘yung mga mababahong bagay. Nang lalong umalingasaw ‘yung amoy n’ong itlog sa’kin ay pakiramdam ko na para kong masusuka. Lecheng barabas! Napatingin ako sa likod ko. Andito pa rin pala tong unggoy na 'to? "Hoy! Gano ba kabugok tong itlog na 'to?! Bakit sobrang baho?! Kasing bugok siguro ‘to ng utak mo no!" sabi ko sa kaniya ng masuka-suka. "Teka lang kuya Gi-, Ah, I mean Russell, ‘yan ba ‘yung locker n’ong babaeng ginawa mong trash? ‘yung transferee sa section n’yo? Ano bang pangalan non? Winter ba yon? Ah! Oo nga! Winter nga yon! Sige, tutulungan na kita. Ako na maglalagay n’yan dito sa locker niya,” sabi niya nang nakangiti at parang excited na excited pa. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit gusto mo kong tulungan n’ong nalaman mo na kay Winter na locker to?" Okay lang naman sa’kin na siya na ‘yung gumawa n’on para hindi mabahiran ng amoy ng mabahong itlog na ‘yon ang kamay ko pero nagtataka lang ako ako kung bakit gusto niya kong tulungan. "Galit din kasi ako sa Winter na ‘yon. Nakita ko kasing pinahiya ka niya doon sa labas ng classroom n’yo n’ong minarkahan mo siya ng trash. Nagalit talaga ako sa kaniya kasi sinisira niya ‘yung image mo na kinakatakutan ng lahat dito sa Primo High,” sabi niya sa’kin habang nakayuko. Parang nagblush pa yata ang loko. Loading... Loading... Loading complete! "Hoy! Wag mong sabihing may gusto ka sa’kin! Bakla ka no!" napaatras kong sabi sa kaniya sabay takip ng mga kamay ko sa dibdib ko. "Hindi ah! Idol lang kasi kita sa pagiging bully mo kaya gusto ko rin kasing maging kilalang bully katulad mo at hindi ako bakla no!" mamamatay niya namang tanggi sa’kin. "Tss! Ang keso mo kasi kaya napagkakamalan kang bakla! Dalian mo na't gawin mo na yan!" sabi ko sa kaniya saka medyo dumistansya na ako. Ayoko ngang matalsikan ng kahit isang piraso lang na talsik n’ong itlog na ‘yon. Habang nakabukas ‘yung locker ni Bangs eh pinagbabato niya na ‘yon ng itlog. Parang hindi siya nandidiri oh ano. Siguro basurero ‘to kaya sanay sa mabaho. At n’ong naubos na ‘yung bugok na itlog eh hinayaan na naming nakabukas ‘yung locker ni bangs para madaling makita ng mga tao. Ilang saglit lang ay tumunog na ang bell para sa recess. Hinintay naming dalawa na pumunta sa Girl's locker room si bangs. Nagtago kami doon sa likod ng pader kung saan hindi kami makikita ng mga papasok. Hinayaan ko na lang muna na makisali tong Kiel na ‘to sa’kin kasi siya naman ‘yung gumawa n’ong evil plan ko. Narinig naming nagsipasukan na ‘yung mga babae dito sa loob kasi rinig namin ‘yung mga yabag ng mga takong nila. At nang ilang saglit lang... "Yuck! What's that! Grabe! Ang baho!" "Ewww! Where's that smell coming from?!" "So gross!" "There oh! Sa locker na ‘yon." "Kadiri naman! Kaninong locker ba yan?!" Sumilip naman kami pareho nang marinig namin ‘yung mga pagkakagulo ng mga babae. Grabe! Epic na epic ang mga itsura nila! Mga muka na silang masusuka dahil doon sa amoy. Pinipigilan kong mapahalakhak nang malakas kahit na tawang-tawa na ako. Eto namang katabi ko, kung makahampas sa’kin, wagas habang walang tunog na tumatawa! Tinignan ko nga siya ng masama para tumigil siya sa kakahampas sa’kin. Baka mamaya mahuli pa kami, maireport pa kay Dad tong ginawa kong kalokohan. Tsaka masyado na siyang feeling close ha! Buti naman at madali naman palang makuha sa tingin ‘tong isang ‘to. Binalik ko ulit ‘yung tingin ko doon sa locker ni bangs at nakita ko na nandon na ‘yung may-ari. Ayan na si taglamig! Brrrrrrrr..! Sa wakas at dumating na rin siya! Medyo nangangalay na ako dito sa pwesto ko eh. Napangisi ako. Bigla akong nakaramdam nang sobrang excitement. Ano kayang magiging reaksyon niya? Pinaghandaan ko ‘to kaya kailangan hindi ‘to pumalpak kahit hindi naman talaga ako ‘yung naghanda. Kahit na! Ako naman ‘yung nagplano! Tsaka kailangan mapasigaw siya sa inis dahil sa nangyari sa locker niya. Bwahahahhaa.. I can't wait to see her epic reaction! Naglalakad na siya papuntang locker niya kaso nakatalikod siya sa’min. "Huy! Russell! Mali tong pinwestuhan natin. Hindi natin makita si Winter kasi nakatalikod siya satin." bigla namang sabi ni Kiel sa’kin. "Alam ko! May mata ko! Malay ko bang kaya n’yang humarap sa locker niya! Ako nga, ‘di ko kaya ‘yung amoy n’ong itlog mo eh!" mahinang sigaw ko sa kaniya sabay siko ko pa sa sikmura niya. Teka. Parang may mali yata doon sa sinabi ko. "`Yung amoy ng itlog na dala ko ang ibig mong sabihin , ‘di ba?" awkward na tanong niya sa’kin. Teka! Bakla talaga siguro tong isang ‘to! Nagkamali lang ‘yung tao eh. Nevermind. Hindi ko na siya pinansin at tumingin na ulit ako kay bangs. Nakatayo na lang siya sa harap ng locker niya. Anak ng! Matagal-tagal siyang nakatayo doon at hindi gumagalaw. "Is that yours?" tanong n’ong isa sa mga babae dito sa locker room sa kaniya. Tumingin naman ako kay bangs pero hindi niya pa rin siya nagalaw at nakatingin lang sa loob n’ong locker niya. Hindi ba siya nababahuan talaga don? Sobrang sakit kaya sa ilong n’ong amoy tapos parang kakabagin ka pa ng matindi kapag nasobrahan ka ng singhot doon. "You know what? Yang locker mo, kasing baho ng personality mo! Kahit na trash ka lang dito sa school, masyado kang binibigyan ng atensyon ni Russell na talagang ikinabibwisit namin,” sabi ulit n’ong babaeng nagtanong sa kaniya saka hinablot ang buhok niya at hinarap sa kaniya kasi ‘di naman kasi siya natingin doon sa babaeng ‘yon. Nginisian siya ng babaeng ‘yon pero ‘di ko pa rin makita ‘yung reaction niya kasi nakatalikod siya sa’min. Nangunot noo ko. Gusto kong makita! "You shouldn't have transferred here cause you don't suit this elite school! Yan tuloy ang napala mo. HAHAHAHA!" segunda naman n’ong isa rin sa kanila. Tawanan naman sila pero natahimik sila n’ong hawakan niya ‘yung kamay n’ong nakasabunot sa kaniya at alisin ‘yon. Nagawa niya nga kasi madulas ‘yung buhok niya. Pwedeng pangcommercial ng shampoo. Side view lang niya ang nakikita na namin ngayon. Nakatingin lang siya doon sa babae. "Girl's fight? Psh! Mga words lang naman ‘yan. Wala bang cat fight dyan? Suntukan o kaya sipaan man lang?" sabi naman nitong unggoy sa likod ko. Nailing-iling na lang ako. Nang mukhang mapikon na kay Bangs ‘yung babaeng ‘yon ay marahas na inagaw sa kaniya ang kamay nito at akmang sasabunutan na siya pero dumating ‘yung janitor at pinalabas silang lahat. Lumabas na rin kaming dalawa. Nakita pa nga kami n’ong janitor na ‘yon pero yumuko lang siya sa’kin dahil kilala niya naman ako. Pagkalabas namin, nagulat ‘yung mga babae kasi lumabas din kami galing sa locker room. Bigla silang nagtilian lahat nang makita nila ako. Pero tiningnan ko lang sila ng masama. Napatahimik naman sila at halatang nasindak. Aalis na sana kaming dalawa ni Kiel pero nagtitili na naman sila at pagtingin namin sa kanila, handa na silang sumugod na parang nasa gera. Bago pa nila ako tuluyang pagkaguluhan eh tumakbo na ako at naiwan doon si Kiel na inakala n’ong mga babae na ako. A great escape plan! Nang masiguro ko na na nakalayo na ako doon eh nagpahinga muna ako dito malapit sa gate ng school para masigurado ko na walang nakasunod sa’kin. Layo ng tinakbo ko! "Kukulit talaga ng mga babaeng yon! Hindi ba sila natatakot na baka gawin ko rin silang trash?" naiirita kong sabi sa sarili ko habang hinihingal pa rin. Nagulat ako nang may biglang dumaan sa harapan ko. Napatingin naman agad ako. Akala ko kasi nasundan pa rin ako n’ong mga babaeng ‘yon hanggang dito pero si bangs lang pala ‘to. Deretso lang ang tingin niya sa nilalakaran niya at hinahangin pa ‘yung mahaba n’yang buhok. Dala rin niya ‘yung bag niya. "Nagustuhan mo ba ‘yung regalo ko sa’yo?" sarcastic na tanong ko sa kaniya pero dere-deretso pa rin siya sa paglalakad at ni hindi man lang ako nilingon. Hilig talagang mang deadma nitong babaeng ‘to at nakakairita talaga yon! Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumabas na siya ng gate. Saan naman kaya pupunta ‘yun? Ahhh... Baka uuwi na ‘yun dahil sa kahihiyan na nakuha niya kanina sa locker room. Dala na bag eh. Tinatablan din naman pala ang isang ‘yon. Kala ko pa naman matibay talaga kasi kahit pinagkakaisahan na siya sa school na to, hindi siya nagpapatinag sa kahit kanino kahit na nasabunutan na siya sa canteen dati. Sa bagay, tao rin naman siya. Pero kahit na! Akala ko pa naman, challenging siya. ‘Di pala! Parang nagsayang lang ako ng panahon sa kaniya. *—***—* Nandito ako ngayon sa labas ng gate ng school. Hinihintay ko ngayon ‘yung driver ko na sunduin ako kasi uuwi na rin ako. Pagkatapos ko kasing makita si bangs kanina na lumabas ng gate at umuwi na eh napagdesisyonan ko nang umuwi na rin. Pumasok lang naman ako para bullihin ‘yung Winter na ‘yon at ngayong mukhang natibag ko na siya eh hindi na ako ulit papasok bukas. Tss! Wala na tuloy akong mapaglalaruan. Sayang naman! Nag-eenjoy pa ko sa mga pambubully sa kaniya. Tumingin-tingin muna ako sa paligid ko dahil ang tagal n’ong driver kong dumating. Masesante nga ‘yon mamaya! Ang tagal eh! Hindi niya dapat pinaghihintay ang isang Primong katulad ko! Nang mapatingin ako sa isang bangko sa tapat nitong school, may nakita akong isang babaeng mahaba ang buhok na nasa tapat ng ATM machine. Teka si bangs ‘yon ah! Akala ko umuwi na siya. Mayamaya ay umalis na siya roon at naglakad papunta dito sa direksyon ko. Eto na naman ‘yung tingin niya sa’kin. Talagang nakatingin siyang deretso sa mga mata ko at walang emotion doon. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kaniya at gagawin kong facial expression. Pinili ko na lang hindi magsalita at maging cold. Nang malagpasan niya na ako ay pumasok na siya sa loob ng school. Bakit naman kaya pumasok ulit ‘yun doon? Akala ko ba umuwi na siya? Sa pagtataka ko eh sinundan ko siya ng patago. Gusto ko kasing malaman kung bakit siya pumasok ulit sa loob tsaka ang tagal rin naman ng Driver ko pag hinintay ko pa ‘yun sa labas. Sinundan ko lang siya at siya naman eh tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ang layo ng nilakad namin. Ang lawak kasi nitong school. Nang makarating kami sa bookstore dito sa may malapit sa building namin eh pumasok siya doon sa loob. May sarili kasing Bookstore tong Primo High. Nu naman kayang gagawin niya dito? Pumasok na rin ako sa loob at para makita ko kung anong ginagawa niya. Nagkunwari ako na bibili lang din ako. Kokonti lang ‘yung mga estudyante na nasa loob kaya madali kong nasundan si Bangs. May hawak na siyang basket na pinaglalagyan ng mga bibilhin at pumunta siya sa section ng mga notebooks at libro. Tahimik ko lang siyang sinundan at mukhang hindi niya naman ako napapansin na sumusunod sa kaniya. Kumuha siya ng mga notebooks at mga libro saka inilagay sa basket na hawak niya. Ahhhh... Kaya pala siya nag withdraw kanina sa bangko eh para bumili nitong mga gamit niya. Papalitan siguro niya ‘yung mga nasirang gamit doon sa locker niya gawa n’ong mga itlog na binato ni Kiel doon. Nang magbabayad na siya sa counter eh lumabas na ako. Nalaman ko na rin naman kung bakit siya pumasok dito sa bookstore. Naglakad na rin ako paalis doon dahil baka mamaya, makita niya pa ko doon sa labas. Isipin pa n’on na sinundan ko siya na totoo naman. Nang makalabas na ako ng gate ay nakita ko ang driver ko na naghihintay at nakatayo sa labas ng kotse. Tiningnan ko nga siya ng masama na ikinayuko naman niya. Binuksan niya na ang pinto ng kotse at pumasok na ako sa loob. Pumasok na rin siya loob. "Sir, sorry po kung natagalan ako. Nagka-traffic po kasi,” sabi niya sa’kin habang nagmamaneho na siya. "Do it again and you're fired." malamig na sabi ko sa kaniya. Hindi na siya sumagot at tuloy-tuloy na siyang nagmaneho. Mukhang hindi pa pala tapos ang pag-eenjoy ko sa pangbubully sa bangs na ‘yon. To be continued pa pala. * * * Naglalakad na ako papasok ng campus nang matanaw ko na naglalakad si Bangs. Aba! Himala at naabutan ko siyang pumasok ngayon. Hindi pa naman late at hindi rin masyadong maaga. Sakto lang ‘yung oras ng pagpasok namin at marami ng mga studyante na pakalat kalat dito. Mga nagkwekwentuhan lang pero pag nakikita na ko, nagsisialisan. Tiningnan ko ‘yung relo ko, may 5 minutes pa bago magstart ‘yung klase namin at 5 minutes ang pagpunta sa room namin. Tiningnan ko ulit si Bangs at nakita ko na tinalapid siya n’ong isang lalaki. Nagtawanan naman ‘yung mga kasama n’yang iba pang mga lalaki at ilang mga babae. Pati ‘yung mga nadaan, tumawa rin. "They're starting." I smirked while just watching them. Marahas na kinuha sa kaniya ‘yung bag niya n’ong lalaking namatid sa kaniya. Tumayo siya para kunin ‘yon pero itinaas n’ong lalaking ‘yon ‘yung bag niya sa ere. Matangkad siya kaya ‘di ‘yun makuha ni Bangs sa kaniya. Inihagis niya sa isa n’yang kasamahan ‘yung bag kaya napatingin doon si Bangs. "Everyone, 5 minutes before the start of your classes." announce n’ong girl voiced machine sa speaker na nakakalat sa buong school. Wala namang paki ang iba sa announcement na ‘yon at nakatingin lang rin kina Bangs. Mga halatang naaaliw. "Kunin mo ‘to para makapasok ka na." mapang-asar na sabi n’ong lalaking may hawak na n’ong bag niya. Kunwari ay inaabot niya na ‘yon kay Bangs kaya lumapit naman ito sa kaniya pero hinagis niya naman ‘yon doon sa isa niya pang kasamahan. Enjoy na enjoy talaga sila pero si Bangs, null expression pa rin ‘yung mukha niya. Tawa lang sila ng tawa. "She looks stupid." "Well, she really is." "Ang creepy niya no? Kahit ginagan’yan siya parang ‘di siya naaapektuhan." Napatingin ako sa mga babaeng nagsabi n’on at weird na weird silang nakatingin kay bangs pero halatang natatawa naman. Tumingin na ako kay Bangs at naglakad na ulit siya para bawiin ‘yung bag niya doon sa lalaki na kunware eh ibinibigay na ‘yon sa kaniya pero lumiko siya bigla at papunta na siya sa hallway papuntang building namin. Walang lingon likod at dere-deretso lang talaga siya. Nakatingin lang sa kaniya ‘yung mga nantitrip sa kaniya pati ‘yung mga nanonood na hindi makapaniwala na hindi niya na tinangkang bawiin ‘yung bag niya sa kanila at nilayasan lang sila. At isa ako doon. Dyan talaga siya magaling. Sa pagwowalk out! Aba't nga namang talaga. Nabiktima rin sila. Napahiya tuloy ‘yung grupo na ‘yon na nantrip sa kay Bangs. Dahil sa inis n’ong lalaki na may hawak sa bag niya dahil sa nangyari eh binato niya sa sahig ng napakalas ‘yung bag tapos pinagsisipa. Umalis na rin sila at pinabayaan lang na nakakalat ‘yung bag. *—***—* Pumasok na ako ng room at wala pa ‘yung teacher namin. Nakita ko si Bangs na nakaupo lang sa upuan niya. Nakatingin sa unahan pero ‘di katulad ng dati, walang nakapatong na gamit sa desk niya. Walang ballpen at notebook doon. Wala sa kaniya ‘yung bag niya eh. Naglakad na ako papunta sa upuan ko pero nang malapit na ako sa kaniya ay inihagis ko sa kaniya ‘yung hawak ko. Nalaglag lang ‘yon sa harapan niya at hindi man lang siya nagulat. Tiningnan niya kung ano ‘yon. Umupo na ako sa upuan ko at nangalumbaba na nakatingin sa kaniya. "Yan , ‘di ba ‘yung bag mo?" tanong ko sa kaniya. Pinulot niya na ‘yung bag niya. Napatingin ako sa mga kaklase ko at halatang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Tumingin na ulit ako kay Bangs at binuksan niya na ‘yung zipper ng bag niya at kinuha ‘yung gamit niya sa loob pero napatigil siya saglit. Tinuloy niya na ‘yung pagkuha ng gamit niya at nang mailabas niya na ‘yon ay gutay-gutay na mga notebook at libro ang nandodoon at nanlilimahid sa lagkit ang mga ‘yon dahil sa transparent glue na binuhos ko doon kanina. Bigla namang sabay sabay na nandiri ‘yung mga kaklase namin at ‘yung iba eh nagtawanan. Napasmirk ako. Akala niya siguro tutulungan ko siya o kaya magpapakahero ako sa kaniya but that will never happen kasi alam kong ako ang nakatakdang maging villain sa buhay niya! Nakatingin lang siya doon sa hawak n’yang nanlilimahid na mga papel. Umubos pa ko ng tatlong bottle ng transparent glue na super sized pa para epic talaga ‘yung magiging reaction niya! Nakatitig lang ako sa kaniya pero wala pa rin. Wala pa ring nagbabago kahit konti sa expression niya. Aba't nga namang talaga! Nakahulma na bang talaga na gan’yan ‘yung mukha niya kaya ‘di nagbabago? "Goodmorning class!" bati sa’min ng math teacher namin pero ‘di siya pinansin ng mga kaklase ko at nakatingin lang kay Bangs. Mga nag-aantay pa rin nang magiging reaction niya. Mukhang napatingin rin ‘yung math teacher namin sa kaniya at nanlaki ‘yung mga mata niya. Buti pa tong teacher, kung makareact pero siya, wala eh! "Ms. Vasquez! What's that? What happened to your things?" Nilapitan pa niya tong si Bangs at tiningnang maigi ‘yung mga gamit n’yang may glue. Halatang nandidiri rin siya. Oo nga pala. Nakalimutan kong banggitin na bakla ang isang ‘to. "Who did this?" tanong niya kay Bangs. "Ako bakit?" sagot ko agad sa kaniya kaya napatingin siya sa’kin. Nakatingin lang ako ng seryoso sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin sa’kin at tumingin na ulit kay Bangs. "Pumunta ka muna sa C.R para hugasan yang kamay mo. Excuse ka na rin muna sa activity natin ngayon." utos niya saka bumalik na siya sa unahan. Tumayo naman nga si Bangs dala ‘yung bag niya at lumabas ng room. Nagtatawanan lang ‘yung mga kaklase ko. Ano kayang gawin ko para makita ko reaction sa mukha n’ong Bangs na yon? Mas lupitan ko pa siguro ‘yung pambubully sa kaniya. Masyadong mild eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD