Hindi ko pinansin ang mga masasamang tingin nila sa 'kin. Bahala sila riyan, nakakasawa narin naman. "Kung si Baby Red ang gusto niyan sa FGH, walang-wala siya kay Themis." "Oo nga! Syempre pati kay Monique." "Kapag nga kasama niya ang FGH nagmumukha siyang alila." "Isa kasi siyang feelingerang panget." Sige, daldal pa kayo riyan. Pasok sa tenga, labas sa kabila. Wala ring kwenta. Para nga silang tanga, nagbubulungan kuno pa pero rinig na rinig naman. Hindi nalang nila sabihin sa 'kin ng harapan. "Good morning, sweetheart." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may bumulong sa 'kin pero agad din naman akong nakabawi. Kitang-kita ko ang panlalaki nila ng mata. It's payback time! "Good morning." Nginitian ko siya. Ito na ang to the highest level fake smile. Ang sarap ibali

