Isang magandang white floral dress ang binigay niya. Maganda at simple ito kaya nagustuhan ko agad. First time kong um-attend sa isang party kaya medyo kinakabahan ako. Napabuntong-hininga ako, habang nakatingin sa dinadaanan namin. Angkop naman ang araw na ito na wala si Butler George pero iniisip ko rin kung gumagawa na sila ng hakbang sa pagtraydor kay C.H. Ang dami-dami kong problema! Hindi na ako nagulat nang isang malaki at napakagandang mansion ang bumungad sa akin. Di hamak na mas maganda ito kaysa sa mansion ni C.H. Inayos ko ang malaking salamin ko at bangs saka bumaba sa taxi at nagbayad. Marami ang tao, mukhang mayayaman lahat. Pinakita ko ang invitation ko at pumasok na. Napalinga-linga ako para hagilapin sila. Si Zero, ang unang nakita ko. Halata ang pagkabagot sa mukha ni

