"s**t! Rain! Lasing ka lang kagabi, hindi iyon totoong nangyari." Sinampa-sampal ko ang magkabilang pisngi ko. Akala ko kapag nakatulog na ako, kinabukasan makakalimutan ko na ‘yun pero hindi. Paulit-ulit ang mga sinabi ni Zero sa isip ko. "My name is Zero but I have one heart, only beats for you." Nakakabaliw isipin. Paano na ako aakto kapag nandyan siya? Lalayo nalang kaya ako o magpapanggap na hindi iyon maalala sa sobrang kalasingan. Napangiti ako, magandang ideya ‘yun. Kapag tatanungin niya ako, magmamaang-maangan na lamang ako. Patuloy ako sa paghinga habang papasok sa Stanford. Bakit ba ako kinakabahan? Si Zero lang iyon? Ano naman kung nag-confess siya sa akin? Bilisan ko nalang ang paglalakad. Hindi pa ako nakakarating sa building namin nang makita siya. Parang biglang gusto k

