Nakatulala lang ako hindi maabsorb ng utak ko na nandito siya. "Hey bro! What are you doing?" Biglang tanong ni Dwight. Mabuti nalang at nagsalita siya na nagpabalik sa akin sa sarili. s**t! Hindi kaya pinadala siya ni Master para malaman kung ano talaga ang ginagawa ko. Lagot ako nito! Hindi niya man lang ito binalingan, nanatiling sa akin ang mga mata niya. I can't read those eyes, right now. "We need to talk, Ulan." Hindi pa ako nakakapagsalita nang hilahin niya ang braso ko pero bago niya pa ako mahigit nang tuluyan may isa pang kamay ang humawak sa kaliwang braso ko. "Don't you dare asshole." s**t naman oh! Dalawang ‘ice man’ pa. Nagsukatan sila ng tingin ni Zero. Masama rin ang tinging ipinupukol ni Clint dito mabuti nalang at hindi niya naisip na hawakan din ang kamay ko p

