Rain POV "Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko. Parang kakaiba kasi ang tingin ng mga studyante ngayon sa 'kin. Tatlong araw lang akong nawala ah. Huwag mong sabihing na miss nila ako. "Ngayong nagbalik na ang mga reyna siguradong hindi na siya papansinin ng FGH." "Right girl! Ambiyosa kasi." Inayos ko na lang ang sombrero ko. Pagdating ko nakita ko na si Clint. Maaga siya ngayon ah. Nakabusangot itong nakatingin sa may bintana pero agad na napangiti nang lumingon siya at makita ako. "Miss Astig!" Masayang sigaw niya sabay yakap sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Muntik pa akong matumba. Mukhang na miss niya talaga ako. Napangiwi ako nang madaganan niya ang sugat ko. "Buti na lang at nandito ka na. Ano bang sakit mo? Bakit tatlong araw kang nawala?" Natawa na lang ako. "E

