Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Panay ang mura ko sa isip ko. Pilit ko siyang tinutulak pero ang gago lalo pa niya akong kinabig palapit sa kanya. Bwisit! Manyak! Magnanakaw! Wala na ang first kiss ko! Kusang kumilos ang mga paa ko at malakas siyang sinipa sa where is hurts the most, agad nga siyang napabitiw sa 'kin. Panay ang mura niya pero hindi pa sapat 'yun para mabawasan ang galit ko. Hinila ko siya patayo at sinuntok pa sa mukha. "Don't involve me with your game! Idiot!" Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang sobrang galit na nais kumawala sa 'kin. Naglakad nalang ako paalis. Hindi ko pinansin ang pagkatulala ng mga tao. Mainit ang ulo ko na parang gusto kong magwala. "F*ck! Kulang pa talaga 'yun!" Napagulo ako sa buhok ko. Nakaupo ako ngayon sa sanga ng isang puno dito sa

