"Miss Astig, ano 'yun girlfriend ka na niya? Huwag ka pumayag!" Inakbayan ko siya. Mula nang ikuwento ko sa kanya ang napag-usapan namin si Zero. Nakabusangot na siya at pauli-ulit ang sinasabi na dapat hindi ako pumayag o kaya bawiin ko. "Okay lang 'yun, pretend lang naman at magkakapera pa ako." Nakangising sabi ko. 100K lang kasi ang laman ng card ko 'yung napanalunan ko sa Gangfia Arena. Kailangan ko pang mag-ipon. Napapikit ako. Malapit na namang mag-saturday. I will fight in that arena again. I need to search again about the rules. Baka may mahanap ako na makakatulong sa 'kin. I will never repeat my mistake, I will not kill again. "Kung gagawin din kitang pretend girlfriend papayag ka ba? Babayaran din kita, dodoblehin ko pa ang bayad ni Zero." Napanganga ako. Kunot-noo ko siyang

