Halos isang linggo na ang nakalipas simula nang bitawan ni Laxy ang mga salitang iyon. Seryoso nga siya sa sinabi niyang titigil na siya. Magkasalubong man kami sa eskwelahan ay hindi niya ako papansinin. Parang wala lang ako sakanya. Parang ngayon kasama niya ang mga kaibigan niya na kumakain sa cafeteria. He’s laughing with his friends like nothing happened. Ganoon na lang ba kadali ang lahat sakanya? Siguro napagod na talaga siya. Siguro sawang-sawa na siya. Hindi ko naman siya masisisi. It’s all my fault. Masyado kasi akong stupid dahil hindi ko kaagad narealize ang feelings ko para sakanya. Tuwing lumalapit siya ay ipinagtatabuyan ko siya. Siguro ito naman ang oras para ako naman ang lumapit sakanya. I don’t want to give him up. Siya nga ay nag effort para saakin ako pa? “Yan nag ii

