PAPUNTA na ako ngayon sa lugar kung saan dapat magkikita kami ni Laxy. Handa na akong harapin siya. Handa na akong aminin sakanya na alam ko na ang lahat. Natigilan ako sa paglalakad nang biglang mag ring ang phone ko. Number ni Drake? Kaagad ko namang sinagot iyon. “Hello?” Ano kaya ang kailangan niya? First time ito na tumawag siya. “Mhaexie..” His voice sounds weak. “Yes?” “I-i need you.” namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. He needs me? How? Why? Am I dreaming? “Please Mhaexie.” he pleaded. “Okay sige. Pupunta ako diyan.” sabi ko at kaagad na ibinaba ang tawag. Nagmadali akong lumabas ng bahay at tumawag ng taxi. Sisilipin ko lang saglit si Drake tapos ay pupuntahan ko na si Laxy. Maaga pa naman, I’m sure wala pa iyon. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakarating sa tinutulu

