“Laxy Bright Cruz and Mhaexie Joy Jardin.” My eyes narrowed. What the hell is this? Tinignan ko si Laxy na nasa likod namin. Ngumisi siya bago niya ako kinuha mula kay Drake. Sapilitan niyang inilagay ang kamay ko sa braso niya at inakay niya ako para maglakad sa red carpet. Sinulyapan ko si Drake mukhang gulat na gulat siya. Naiwan siyang nakatayo doon sa kinaroroonan namin kanina. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. “Ako dapat ang tinitignan mo dahil ako ang date mo.” Inilipat ko ang tingin ko kay Laxy na nakangisi sa mga camera na nag fa-flash habang naglalakad kami. Gusto kong magwala. Gusto kong siyang sigawan dahil sa galit na nararamdaman ko. Ang kapal ng mukha niya! I hate him so much! Paano niya nagawa ito? Napakarumi niyang maglaro! Napakasama niya. Isa siyang hali

