Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay dinig na dinig na namin ang kanta na nanggaling sa loob. Mukhang may slow dance na nagaganap sa loob at patapos na rin ang kanta. Pumasok na kami ni Laxy sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Drake na may kasayaw na ibang babae. Nakangiti silang dalawa na nag-uusap habang sumasayaw. Natapos na ang kanta at napalitan ng isa pang kanta na pang slow dance din. “Come on.” ani Laxy at naramdaman ko na lang na hinila niya ako papunta sa dance floor. Inilagay niya ang isang kamay ko sa balikat niya at inilagay niya ang isang kamay niya sa waist ko habang magkahawak naman ang free hand namin. Hindi na ako nag protesta pa, hinayaan ko na lamang siya. You look so wonderful in your dress I love

