“No, ayoko,” with full of conviction, Kaela said.
Napakunot naman ang noo ni Jiho nang marinig niya ang pagtanggi ni Kaela. Nakita niya ang rumaragasang dugo ni Kaela dahil sa malaking gasgas nito sa tuhod.
“Anong ayaw mo eh ang daming dugo ng sugat mo!” pagsaway ni Jiho sa kaniya.
Tinapunan lamang ni Kaela ng malamig na tingin si Jiho at saka ngumuso. Labag sa kalooban ni Kaela na dalhin siya ni Jiho sa hospital dahil hindi naman ganoon kalala ang kaniyang sugat sa tuhod at siya mismo ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito.
“Wala pa akong pera ngayon, kaya ako na lang maggagamot nito,” mahinhin na tugon ni Kaela.
Napamaywang na lamang si Jiho. Luminga- linga siya sa paligid at saka nakakita siya ng taxi na paparating sa direksyon nila. Kaagad niya itong ipinara upang dalhin si Kaela sa pinakamalapit na hospital ang magamot ang sugat nito.
“Kaela,” seryosong saad ni Jiho sabay tingin sa kaniya.
Wala nang ibang nagawa si Kaela kundi ang sumunod na lamang kay Jiho at saka pumasok ito sa loob ng taxi nang may sama ng loob. Nakahalukipkip siya habang siya ay nakaupo sa aking tabi.
“Manong, sa Dr. Foster General Hospital po,” ani Jiho.
Buong biyahe ay walang imik si Kaela at nakatingin lamang sa bintana ng taxi. Kaniyang tinitignan ang bawat lugar na kanilang nadaraanan at hindi man lang naglakas loob na kausapin si Jiho.
“Mukhang nag- away po kayo ng girlfriend niyo Sir, ah...,” pabirong sambit ng driver na nakatingin sa kanila sa pamamagitan ng rear mirror. Muli namang ibinaling ng driver ang kaniyang atensyon sa kanilang dinaraanan.
Labis na nagulat ang dalawa sa sinambit na ito ng driver at saka nagkatinginan silang dalawa. Napaangat ng kilay ni Kaela at saka suminghap.
“Ah Sir, hindi ko po siya girlfriend. Kakilala lang po,” Jiho awkwardly replied to the driver then looked at Kaela once more.
Kaagad na umiwas si Kaela ng tingin kay Jiho at saka muling tumingin sa bintana upang pansamantalang hindi maburyo.
“Jiho, ayos nga lang ako...,” Kaela irritably uttered.
“Kita mong ang laki laki ng sugat mo tapos sasabihin mong okay ka lang,” pagsaway sa kaniya ni Jiho na nakatingin sa sugat nito sa tuhod.
“Malayo sa bituka. Hindi ko ito ikamamatay no. Kaya ko naman ito gamutin sa bahay eh,” palag ni Kaela.
“Ah basta, huwag ka na makulit.”
Hinila niya si Kaela papasok ng ospital at saka nagtungo sa reception.
“Sir ano pong nangyari?” the receptionist asked them.
Jiho batted an eye unto Kaela and replied to the receptionist.
“Ah Ma’am, naaksidente po kasi itong kasama ko kanina, and I want her to have her first aid kasi may kalakihan po itong sugat niya sa tuhod,” tugon ni Jiho.
“Sir, iga- guide na lang po kayo ni Nurse Kira para mabigyan po siya ng first aid and after that is babalik po kayo rito para bayarin po ‘yong bill,” nakangiting sambit ng receptionist.
“Okay okay, I see.”
Sinundan nilang dalawa ang direksyon kung saan nagtungo ang nurse. Alintana pa rin sa mukha ni Kaela ang pagkairita niya ngunit hindi na lamang ito pinapansin ni Jiho.
“Ma’am, upo po muna kayo rito. Babalik po ako upang kunin po ang mga medical supplies,” the nurse kindly said.
Kaela immediately sit at the edge of the bed, and patiently waited on the nurse. Nakapamaywang sa harap niya si Jiho at saka labis na nag- aalala sa kaniya. Matalim sng kaniyang mga tingin kay Kaela.
Marahang iniangat ni Kaela ang tingin niya kay Jiho, at nagtama ang kanilang mga tingin. Agad din namang umiwas ng tingin ang dalawa nang kapwa silang makaramdam ng awkwardness.
“Iyan, hindi ka kasi nag- iingat sa pagtawid. Akala mo naman hinahabol ka ng kung ano. Muntik ka pang masagasaan,” Jiho scolded Kaela, but with a soft and gentle tone.
Muling ibinaling ni Kaela ang kaniyang tingin kay Jiho at saka ngumuso. Hindi na nakaimik si Kaela sapagkat aminado siya na hindi siya nag- ingat.
After some time, the nurse finally arrived holding the medical supplies she will be needing to give Kaela her first aid. Bahagyang nakadama ng takot sa Kaela sapagkat hindi siya sanay na magtungo sa mga ospital at mayroon siyang trauma sa pagpunta rito dahil ilang taon ang nakalilipas ay nagkaroon ng malalang sakit ang kaniyang ina, at ang ospital ay labis niyang kinamuhian matapos itong magbigay sa kaniya ng labis na takot.
“Nurse, please be gentle. Hindi po kasi ako sanay...,” Kaela muttered with full of fear.
Tinanguan naman siya ng nurse nang may kasamang ngitu at saka nagsimula sa panggagamot sa kaniyang sugat.
Kaela quickly closed her eyes when she saw that the nurse is about to touch her wounds with cotton filled with betadine. She covered her face with her palm so that she will not be witnessing the process of putting her first aid.
Jiho was just crossing his arms while watching at the nurse. Seryoso ang kaniyang mukha habang nanonood kay Kaela.
Habang nililinisan ang kaniyang sugat, Kaela suddenly felt a jolt of pain and began to utter words of discomfort.
Saglit na napatawa si Jiho nang makita niyang nalukot ang mukha ni Kaela dahil sa sakit na bigla nitong naramdaman. Narinig ni Kaela ang pagtawa ni Jiho kaya naman agad niya itong tinignan at sinamaan ng tingin. Muli naman ibinalik ni Jiho ang kaniyang seryosong mukha upang hindi makita ni Kaela na tinatawanan siya nito.
“Tinatawanan mo ba ako?” tanong pa ni Kaela nang may diin sa kaniyang boses.
Saglit na napalunok si Jiho at saka nilakihan ng mata si Kaela. Itinanggi niya ang paratang sa kaniya ni Kaela, kahit na alam niyang tinawanan niya ngang talaga ito.
“Ano? Anong tinatawanan?” pagsisinungaling pa ni Jiho.
“I saw you. You are laughing at me!” inis na sambit ni Kaela.
“Nananahimik lang ako dito no, kahit itanong mo pa kay nurse. ‘Di ba nurse?” palag ni Jiho.
Hindi siya pinansin ng nurse at pinigilan na lamang ng nurse ang kaniyang tawa. Nakita ito ni Kaela kaya naman mas naging sigurado siya na tinawanan ngang talaga siya ni Jiho. Muli niyang tinignan nang masama si Jiho at saka tinakpan na ang kaniyang mukha dahil hindi pa tapos ang nurse sa paggagamot sa kaniyang sugat.
“Ma’am tapos na po tayo,” sambit ng nurse.
Muli nang tumayo ang nurse upang ayusin ang kaniyang mga medical supplies at ibalik ito.
“Sir, doon na lang po kayo sa counter para po sa payment ng inyong bill. Salamat po!” pamamaalam ng nurse. Bago ito umalis, ngumiti muna ito sa kanila.
Naglakad na si Jiho papunta sa counter, at agad din naman siyang sinundan ni Kaela. Iika- ikang sumunod si Kaela kay Jiho at halos hindi niya ito mahabol sapagkat malalaki ang mga hakbang na binibitawan ni Jiho patungo sa counter.
“Sir, total of P2, 000 po lahat,” mabait na sambit ng nasa counter.
Jiho immediately took out his wallet from his pocket and handed their payment over the counter. He turned his glance to Kaela who is in her back.
“Saan ka ba nakatira, ihahatid na kita,” pag- aalok pa ni Jiho.
Muling nalukot ang mukha ni Kaela sapagkat nilalamon na siya ng labis na kahihiyan.
“Ok na ako Jiho. Kaya ko na, at saka hindi naman na masakit itong sugat ko,” Kaela replied.
Tinignan lamang ni Jiho si Kaela nang seryoso at saka muling humalukipkip. Dahil sa tangkad ni Jiho, tila ba nakatingala si Kaela sa kaniya maabot lamang ang tingin nito sa kaniyang mga mata.
“Fine!”
Wala nang nagawa pa si Kaela at pumayag na lamang ito sa pagpupumilit ni Jiho na ihatid siya sa kanilang bahay out of her willingness.
Tuluyan na silang lumabas ng ospital at saka naghintay ng masasakyang taxi.
“Jiho, mag- bus na lamang tayo para mas makamura tayo. Wala na akong pera...,” saad ni Kaela.
“Huwag ka na mag- alala sa pamasahe. Ako na ang bahala,” malamig na tugon ni Jiho.
“Nakakahiya naman. Ikaw na nga nagbayad sa taxi kanina at saka sa bill ko sa ospital, tapos ikaw ulit magbabayad ng pamasahe ko,” nakangusong wika ni Kaela.
“It’s okay to me. Wala naman akong gaanong pinagkakagastusan kaya ayos lang talaga.”
Pinili na lamang hindi umimik ni Kaela sapagkat wala na siyang palag kay Jiho. Ilang saglit lamang ay may taxi nang dumating, at agad silang sumakay dito.
“Hindi ko alam kung saan ang bahay niyo kaya ikaw na ang magsabi sa driver,” Jiho said while entering the taxi. Tumango rin naman agad si Kaela sa kaniya.
“Saan po kayo, Ma’am, Sir?” tanong ng taxi driver.
“Uhm, sa may Graceville lang po manong. Sa may unang kalsada,” tugon ni Kaela.
Nagsimula nang umandar ang taxi, at katulad kanina, kapwa pa rin silang walang imik at hindi man lang nagawang pansinin ang isa’t- isa.
“Hmm..., Jiho salamat nga pala sa pagtulong sa akin,” Kaela stated out of nowhere, ngunit hindi pa rin siya tumitingin kay Jiho.
Napalingon sa kanya si Jiho at saka naningkit ang mga mata.
“It’s okay. Don’t worry...,” Jiho promptly responded.
Hindi na napigilan ni Kaela na tumingin kay Jiho, subalit sa kaniyang paglingon, hindi na nakatingin sa kaniya si Jiho kaya naman hindi nagtama ang kanilang mga tingin.
“Have you eaten already?” muling tanong ni Kaela.
Dito, muling nagtagpo ang kanilang mga tingin. Sinubukang ngitian ni Kaela si Jiho, ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Jiho at tila ba wala sa kaniyang mood.
“Not yet...,” Jiho coldly answered.
“Gusto mo bang kumain muna sa bahay? Just an act of returning your goodness to me. Please?”
Kaela presented herself with a cute puffy eyes just to persuade Jiho from eating at their house.
“Ayos lang ako. Hindi pa naman ako gutom at saka may pagkain naman ako sa apartment ko kaya it’s really ok.”
Hindi ito tinanggap ni Kaela at sinamaan ng tingin si Jiho.
“Gusto ko lang ipakita na sobrang nagpapasalamat ako. Pero ikaw, kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin,” malumanay na bigkas ni Kaela.
Muli niyang inilapat ang kaniyang likuran sa sandalan ng kaniyang inuupuan, humalukipkip, at saka muling dumungaw sa bintana.
Agad na iniabot ni Jiho ang pamasahe nilang dalawa. Una siyang bumaba at saka umikot patungo sa kabila upang pagbuksan ng pinto si Kaela.
“Thank you...,” Kaela shyly appreciated his manly gesture by saying this.
“Saan ba ang mismong bahay mo para maihatid na kita. Sobrang dilim dito oh,” Jiho uttered when he realized that the place where Kaela is residing was very dim and seemed to be in jeopardy.
“Really? Sasama ka sa akin hanggang sa bahay namin?” usisa pa ni Kaela.
“Oo naman. Why? May problema ba?” tanong pa ni Jiho.
“Ah, hindi naman.”
Nagsimula nang maglakad si Kaela sa gitna ng madilim na kalsada. Marahil ang buong paligid ay halos wala ng maaninag na kahit anong uri ng liwanag, hindi bakas sa mukha ni Kaela ang labis na pagkatakot sapagkat sanay na siya rito.
Samantala, si Jiho naman ay halos pinagpapawisan na nang malamig sapagkat matindi ang kaniyang takot sa dilim. Palingon- lingon siya sa kaniyang gilid na para bang siya ay nasa kapahamakan.
Wala man lang ni isang streetlights dito, at tanging liwanag lamang na nagmumula sa buwan ang siyang nagbibigay ilaw sa buong kapaligiran.
“Ganito ba talaga kadilim dito?” nangangambang tanong ni Jiho habang nababalot ng pagkatakot.
Saglit na nilingon ni Kaela si Jiho at bahagya itong napangiti nang makita niya ang mukha ni Jiho na takot na takot sa kaniyang paligid.
“Oo, ganito talaga kadilim dito. May mga usap- usapan pa nga raw dito na may nagpapakita raw dito tuwing gabi,” pananakot pa ni Kaela.
“Hay nako Kaela, hindi mo ako matatakot sa mga ganiyan,” buong tapang na sambit ni Jiho kahit na nanginginig na siya sa matinding takot.
Sa gitna ng kanilang paglalakad, may biglang nag- away na puso sa kanilang daan na naglikha ng nakagugulat na tunog kung saan mas lalo pang natakot si Jiho.
“Diyos ko Lord!” sigaw ni Jiho dahil sa labis na pagkakabigla.
Kaela’s high pitch laughter echoed around. Labis niyang pinagtawanan ang naging reaksyon ni Jiho dahil sa pagkakagulat nito sa pusa.
“Pusa lang kinatakutan mo na,” Kaela stated while chuckling.
“Takot agad? Hindi ba pwedeng nagulat lang?” bwelta ni Jiho.
“Malayo pa ba ang bahay niyo?” muli tanong pa ni Jiho.
“Malapit na tayo, huwag ka mag- alala,” sagot naman ni Kaela.
Dito lamang nakahinga nang maluwag- luwag si Jiho. Mas lalo pang napanatag ang kaniyang kalooban nang tuluyan na siyang makakita ng streetlights mula sa ‘di kalayuan, senyales na may mga bahay na sa malapit.
Nang silang dalawa ay nasa kanto na, saglit na tumigil si Kaela at saka humarap kay Jiho.
“Jiho. Kahit dito na lang. Kaya ko na pauwi. Malapit na rin naman na ang bahay namin eh,” Kaela said then gave a bit of smile at him.
“Sigurado ka? Mag- iingat ka ah?” saad ni Jiho sa malambing na boses.
“Oh Kaela, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinihintay ng mama mo roon.”
A deep voice of a man caught their attention. Biglang napalingon sa kaniyang gilid si Kaela nang marinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan.
“Papa? Anong ginagawa mo rito sa labas? Gabi na ah...,” wika ni Kaela sa kaniyang ama.
Naniningkit ang mga mata ni Kaela sapagkat nagtataka kung bakit ganitong oras na ay nasa labas pa ang kaniyang ama.
“Ah, bumili lang ako ng isang bote ng gin, ‘nak. Pampatulog lang,” sagot ng kaniyang ama sabay mwestra sa hawak niyang kwatro- kantos na bote ng gin.
Napalingon naman ito sa kinaroroonan ni Jiho at saka bahagyang nakuryoso.
“Sino ito? Kilala mo ba ito anak?” tanong pa ng kaniyang ama.
“Ah, si Jiho po ‘yan...,” sagot naman ni Kaela.