“Ako nga po pala si Jiho,” sambit niya sabay lahad ng kaniyang kamay.
Tinignan ito ng ama ni Kaela at saka itinaas ang kaniyang kaliwang kilay. Inilahad din naman niya ang kaniya at saka ay nakipagkamay nang may pag- aalangan.
“Siguro, manliligaw ka ng anak ko ‘no?” pabirong tanong pa ng ama ni Kaela.
Napatingin naman si Kaela sa kaniya at saka sinaway ang kanyang ama dahil nahihiya siya para kay Jiho.
“Huy Pa, hindi no. Ayoko muna magkajowa,” bwelta ni Kaela.
“Ah hindi po, magkakilala lang po kami ni Kaela,” Jiho replied awkwardly with a bit of smile on his face.
It was totally humiliating for the both of them. Kaela’s father made them feel uncomfortable.
“Naku, magde- deny pa kayo eh,” nakangiting sambit ng kaniyang ama.
Inakbayan naman ng ama ni Kaela si Jiho kaya nanlaki ang mga mata nito. Nananatiling nakangiti ang ama ni Kaela habang siya ay nakaakbay sa balikat ni Jiho. Labis ding nabigla si Kaela nang makita niya ito at saka sinaaman niya ng tingin ang kaniyang ama.
“Tara doon muna tayo sa bahay. Tamang- tama may dala akong gin dito, inumin natin saglit,” natatawang sabi ng kaniyang ama.
Jiho forced himself to chuckle even though he was very uncomfortable now. Si Kaela naman ay panay ang iling sa kaniyang ama upang pigilan ito.
“Ah Pa, kailangan na kasing umuwi si Jiho kasi gabi na at saka may trabaho pa siya,” pagsisinungaling ni Kaela makaalis lamang si Jiho.
Pilit niyang inaalis ang pagkakaakbay ng kaniyang ama sa balikat ni Jiho dahil nakikita niya ang pagiging hindi komportable ni Jiho rito, subalit hindi siya nagtagumpay.
“Saglit lang naman ‘to anak, para ka namang sira diyan.”
Agad na hinila ng ama ni Kaela si Jiho patungo sa kanilang bahay. Wala nang nagawa si Jiho dahil hindi siya makaalis sa pagkakaakbay sa kaniya ng ama ni Kaela, kaya naman ay nagpatianod na lamang siuya. Kaela scratched her head because she was not able to stop her drunk father to free Jiho from his arms.
“Pasensya ka na Jiho,” nahihiyang sambit ni Kaela habang nasa harap niya si Jiho.
Kasalukuyan silang nasa hapag sa loob ng kanilang bahay. Si Jiho naman ay halos hindi makagalaw dahil sa labis na kahihiyan.
Ang ama ni Kaela ay nasa kusina nila at hinahanda ang kanilang iinumin. Ang ina naman ni Kaela ay tinutulungan ang kaniyang asawa.
“It;s okay, Kaela,” nakangiting tugon ni Jiho kahit na sa loob niya ay labag ito.
Kitang- kita ang kahihiyan sa mukha ni Kaela dahil sa nangyari kay Jiho. Hindi pa sila ganoon magkakilala subalit ganito na ang nangyari sa kanila, and worst, napagkamalan pa silang magjowa.
“Pasensya ka na kay Papa, ganiyan talaga ‘yan siya kapag nakainom. Sobrang kulit na...,” dagdag pa ni Kaela sabay muling kamot sa kaniyang ulo.
“Ayos lang ‘yon Kaela, don’t be so apologetic. Hindi mo rin naman ito ginusto eh,” Jiho replied.
“Nandito na ang ating pulutan,” nakangiting sigaw ng ama ni Kaela habang ito ay nakangiti.
Nasa kamay niya ang sisig na kaniyang ginawa, samantalang ang kaniya namang asawa ay nakabuntot sa kaniya hawak ang pitsel na naglalaman ng gin na tinimplahan ng pineapple- flavored juice.
Inilapag nila ito sa kanilang lamesa at saka umupo na sa upuan. Nasa tabi ni Kaela si Jiho samantalang ang kaniyang ama naman ay katabi ng kaniyang ina.
“Hijo, pasensya ka na ah. Hindi gaanong malinis ang bahay namin. Hindi naman kasi nagsabi itong anak namin na dadalhin niya pala ang boyfriend niya para sa nakapaglinis kami,” nakangiting wika ng ina ni Kaela.
Sinuklian ito ni Jiho ng isang abot- tengang ngiti.
“Ayos lang po ‘yon. Hindi naman po ako maselan sa bahay kasi makalat din naman po ‘yong apartment na tinitirhan ko,” sagot ni Jiho.
“Mag- isa ka lang ba sa apartment na ‘yon?” muling tanong ng ina ni Kaela.
“Ah opo, eh...,” Jiho answered.
“Oh, shot ka muna diyan, Jiho,” sambit ng ama ni Kaela sabay bigay sa kanya ng isang shot glass na naglalaman ng alak.
Jiho had no choice but to take it. He heaved a sigh before he get the shot glass from Kaela’s father.
Hinihintay naman ni Mang Toper, ama ni Kaela, ang pag- inom ni Jiho ng alak na ito. Nakatitig lamang siya sa binata habang hawak- hawak nito ang shot glass na kaniyang binigay.
Muling huminga nang malalim si Jiho at saka tuluyan na nga itong ininom. Kahit na sanay na uminom ng mga heavy drinks si Jiho, gumuhit pa rin ang alak na ito sa kaniyang lalamunan. Nalukot naman ang mukha ni Jiho nang ito ay kaniya nang mainom.
Hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ni Kaela matapos niyang makita kung paano nalukot ang mukha ni Jiho sa pag- inom ng alam na ito.
Natawa naman si Mang Toper nang matapos na si Jiho sa pag- inom ng kaniyang alak. Inilapag niya ang shot glass sa lamesa at saka muling tumingin sa mga magulang ni Kaela. Napangiti si Aling Emily, ina ni Kaela, nang makita niya ang pagngiti ni Jiho matapos uminom ng alak.
Nilagyan naman ni Mang Toper ang kaniyang baso at saka siya naman ang uminom ng alak.
“Saan pala kayo nagkakilala ng anak kong ito?” tanong pa ni Mang Toper matapos niyang uminom.
Tumingin sa isa’t- isa sina Jiho at Kaela nang magtanong si Mang Toper.
“Ah bale, nagkakilala po kami sa isang crime scene kung saan po ako nag-iimbestiga malapit lamang po rito,” mapitagang sagot ni Jiho.
“Pulis ka ba Jiho o miyembro ng SOCO gano’n?” pag- uusisa pa ni Aling Emily.
“Hindi po. Isa po akong prosecutor,” tugon ni Jiho.
Natahimik ang mga magulan ni Kaela nang marinig nila ang sagot ni Jiho. Si Kaela naman ay napapikit na lamang dahil sa kahihiyang ginawa ng kaniyang magulang sa respetadong prosecutor na si Jiho.
Napatigil sa kaniyang pagnguya ng sisig si Mang Toper at naibagsak niya sa lamesa ang hawak niyang shot glass. Napalunok naman si Aling Emily.
“Totoo ba ‘yon, Kaela?” paglilinaw ni Aling Emily sa anak niya.
Napatango na lamang si Kaela habang nakakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Tinakpan ni Aling Emily ang kaniyang bibig nang kaniya itong malaman.
“Pasensya ka na, Jiho. Hindi namin alam na prosecutor ka pala...,” paghingi pa ng pasensya ni Aling Emily.
“Ito kasing si Toper eh!”
Pinaghahampas ni Aling Emily ang kaniyang asawa sa braso nito dahil sila ay kinain ng kanilang kahihiyan. Napangiti naman si Jiho nang makita niya ito.
“Ayos lang po ‘yon. Na- miss ko rin pong uminom ng alak. Ngayon lang po ulit ako nakainom eh,” Jiho said with a wide smile.
“Ibig sabihin, kayo ‘yong mga nag- iimbestiga doon noong nakaraan?” kuryosong tanong ni Mang Toper kay Jiho.
Tumango si Jiho sa kaniya. Si Jiho na mismo ang naglagay ng alak sa kaniyang baso at saka ininom ito. Muling nalukot ang mukha ni Jiho dahil sa malakas na tama ng alak sa kanya.
“Ang galing mo talaga pumili ng boyfriend anak. Parehas pa kayo ng magiging trabaho niya kung sakali kasi gusto mo rin maging prosecutor ‘di ba?” Mang Toper uttered in a humurous way, teasing his only daughter.
“Pa, hindi nga kami magjowa ni Jiho,” naiiiritang paliwanag ni Kaela sa kaniyang lasing na ama.
“Huwag niyo na itanggi pa, Diyos ko. Hindi ko naman kayo pipigilan kasi malalaki na kayo eh,” pasaring pa ng kaniyang ama.
“She’s right po. Hindi po kami magjowa. We’re friends po,” ani Jiho nang may ngiti pa rin sa kaniyang labi.
Napatingin si Kaela sa kaniya at saka napatulala na lamang. Hindi alam na Kaela ang mararamdaman niya, subalit napanatag naman ang kaniyang loob dahil batid niyang mas paniniwalaan ng kaniyang pamilya si Jiho.
Hindi muling nakaimik ang mga magulan ni Kaela nang marinig nila si Jiho. Napatulala silang muli.
Subalit, bigla na lamang humagalpak sa katatawa si Mang Toper, at labis itong ikinagulat nina Kaela at Jiho. Si Aling Emily ay nahawa rin ng tawa ng kaniyang asawa.
“Diyos ko po, alam ko na ‘yong mga ganiyan. Hindi niyo na kami maloloko. Imposible namang ihahatid mo anak ko tapos hindi kayo magsyota ‘di ba?”
Sinalinan ni Mang Toper ng gin ang kaniyang alak at saka ininom ito bigla. Sinalinan niya rin ng alak ang kaniyang asawa na si Aling Emily upang ito rin ay uminom.
Kaela closed her eyes because she could not contain the embarrassment that is overwhelming her. Labis na siyang nahihiya kay Jiho dahil hindi sila pinaniniwalaan ng magulang ni Kaela.
Kinalabit ni Kaela si Jiho nang palihim, at agad din namang napatingin si Jiho sa kaniya. Sumenyas si Kaela sa kaniya, at ipinaparating na labis siyang humihingi ng tawad.
“Pasensya ka na talaga, Jiho,” nahihiyang bulong ni Kaela kay Jiho.
Sumenyas din naman si Jiho kay Kaela na ayos lamang iyon.
Naisip ni Kaela na bukas na lamang nila ipapaliwanag sa kaniyang mga magulang na hindi talaga sila magjowa upang mas maunawaan nila ito.
Lumipas ang magdamag, at kapwa sila nakainom na nang marami. Si Kaela lamang ang siyang nananatiling nasa tamang wisyo sapagkat hindi naman siya uminom kahit na isang baso ng alak. Si Mang Toper, Aling Emily, at maging si Jiho ay lasing na rin at wala na halos sa sarili.
“Ikaw Jiho... bantayan mo ang anak ko ah... Mahal na mahal ko ‘yan, kaya alagaan mo ‘yan,” Mang Toper said out of his consciousness.
Nangangalumata naman siyang tinignan ni Jiho at pilit na sinagot.
“Hindi nga po kami magjowa ni Kaela... magkaibigan lang po talaga kami...,” Jiho replied while he was not on his right thinking.
“Huwag mo na itanggi Jiho... alam ko na ‘yung mga ganiyan....”
“Matulog ka na nga Pa, ang kulit mo na eh,” pagsaway ni Kaela sa kaniyang ama.
Sinimulan nang linisan ni Kaela ang pinag- inuman nila Jiho at ng kaniyang mga magulang. Nakayuko na si Jiho ngayon sa lamesa dahil sa labis na kalasingan kaya naman napangiwi na lamang si Kaela nang makita niya ito.
“Psssh, akala ko naman malakas ito sa inuman,” sambit pa nito sabay nguso.
Hindi niya alam na bahagyang narinig pala ito ni Jiho. Iniharap ni Jiho ang kaniyang ulo patungo sa direksyon ni Kaela.
“Anong sabi mo Kaela?” tanong ni Jiho nang wala sa kaniyang sarili. His eyes were falling and he looked very drowsy.
Muling humarap si Kaela sa kaniya at saka sinagot siya.
“Wala!” malditang tugon ni Kaela at saka nagpatuloy na sa kaniyang pagpupunas ng lamesa.
Inilagay na ni Kaela ang mga pitsel, baso at mga platong ginamit nila sa kanilang inuman. Labag man ito sa kaniyang kaloob, subalit wala na siyang choice kundi ang gawin ito sapagkat siya lamang ang natitirang hindi lasing.
Pagkatapos malinis ang lamesa, kaniya namang inalalayan ang kaniyang mga magulang papunta sa kanilang kwarto. Inuna niya ang kaniyang ina sapagkat hindi hamak na mas magaan ito kumpara sa dambuhala niyang ama. Isinunod naman niya ang kaniyang ama kahit na halos hindi niya ito maalalayan nang maayos dahil sa kabigatan nito.
Tagumpay naman niyang naihatid ang kaniyang mga magulang sa kanilang kawarto. Ang tanging naiwan na lamang ay si Jiho. Hindi niya alam kung pauuwiin niya ba ito o dito na lamang niya patutuluyin.
Batid niyang hindi na kaya umuwi ni Jiho gayong malalim na rin ang gabi at marami ng adik sa labas ng kanilang bahay. Naglatag na lamang siya ng isang manipis na foam sa kanilang sala at nagdala ng unan at kumot upang kaniyang higaan.
“Jiho. Jiho. Jiho,” paggising ni Kaela habang tinatapik si Jiho.
Bahagya namang namulat ang mga mata ni Jiho subalit wala pa rin ito sa kaniyang sarili. Tinitigan lamang niya si Kaela habang siya ay nangangalumata. Itinaas ni Jiho ang kaniyang dalawang kilay upang tanungin si Kaela kung anong meron.
“Tumayo ka na diyan. Humiga ka na roon.”
Hindi umimik si Jiho, kaya pilit na lamang siyang tinayo ni Kaela kahit na bigat na bigat na ito. Halos malukot ang mukha ni Kaela habang binibuhat si Jiho. Matagumpay naman niyang naitayo si Jiho, subalit bigla na lamang nasuka si Jiho sa kaniyang damit.
Nabigla si Kaela nang makita niya ito. Napalunok na lamang siya. Hindi niya alam ang gagawin niya kaya mas lalo pa siyang na- stress. Nagkamot siya ng ulo at labis na naguluhan sa kaniyang buhay. Nainis pa ito kay Jiho dahil hindi pa rin ito nahihimasmasan kahit na nagsuka na ito.
Muli siyang pumunta sa kanilang kusina upang basain ng tubig ang malinis na panyo at ito ang siyang ipamunas kay Jiho. Kitang- kita ang pandidiri sa mukha ni Kaela habang pinupunasan ang damit ni Jiho at halos nakapilantik pa ang mga daliri nito. Inis na inis siya habang ginagawa ito.
Nang matapos na niyang punasan ang damit ni Jiho, tinanggal niya ang damit na suot ni Jiho. Huminga siya nang malalim at saka bumilis ang kalabog ng kaniyang puso. Napapikit siya nang tuluyan na niyang maialis ang pang- itaas ni Jiho. Pilit niyang iniiwas ang kaniyang mga tingin sa katawan ni Jiho dahil sa tingin niya ay nagkakasala siya.
Tumakbo siya sa kwarto ng kaniyang mga magulang upang kumuha ng damit ng kaniyang ama at ito ang ipasuot kay Jiho, subalit natigil siya nang makarinig siya ng mga ungol mula sa loob nito. Hindi na siya pumasok dahil mukhang nagsisiping yata ang kaniyang mga magulang. Napalunok muli si Kaela nang marinig niya ang mga ungol na iyon.
Nagtungo na lamang siya sa kaniyang kwarto at doon na lang naghanap ng maaari niyang ipasuot kay Jiho, and luckily, she saw an oversized shirt from her drawer.
She hurriedly ran unto Jiho and put this shirt into him. Her eyes were still closed whilst doing this. Opening her eyes was not on her choice. Binilisan niya ang pagsuot ng damit na ito ay Jiho upang ito ay makatulog na nang maayos.
Muli niya itong itinayo at inalalaya patungo sa inilatag niyang foam sa sala. Sumunod naman si Jiho sa kaniyang mag paghakbang at matagumpay niyang naipahiga si Jiho roon.
Nakahinga na siya nang maluwag nang masilayan niyang mahimbing ang tulog ni Jiho. She began to smile, and put the blanket on his body to prevent him from the chills.
Agad din siyang nagtungo sa kaniyang kwarto upang matulog na rin.