The scorching sun has not yet risen, but Jiho woke up immediately. Bigla na lamang siyang napatayo mula sa kaniyang hinihigaan na para bang hindi siya galing sa pagkakatulog. He yawned for he was still sleepy, but he promptly realized that he did not sleep on his apartment.
He covered his mouth with his palm and started to ask himself why he is still here.
“Bakit narito pa rin ako?” tanong ni Jiho sa kaniyang sarili habang nananatiling gulantang.
Napatulala siya. Tinignan niya ang kaniyang paligid at saka pinagsasampal ang sarili dahil ang akala niya ay nananaginip pa rin siya. Sinilayan niya rin ang kaniyang damit sapagkat hindi ito ang suot niya noong magtungo siya rito. Kinapa- kapa niya ang kaniyang hinigaan, at napabuntong- hininga na lamang dahil napatunayang niya sa sarili niya na dito nga siya nakatulog sa bahay nina Kaela.
He looked at his phone to check the time, and it was still 4:39 in the morning. He stretched his arms, as well as made his back cracked. Sinubukan niyang tumayo subalit agad din siyang natumba mula sa kaniyang hinigaan dahil may hangover pa rin siya mula sa ininom nila kagabi ni Mang Toper.
Muli siyang tumayo hanggang sa tuluyan na niyang naiapak ang kaniyang mga paa sa sahig. Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang sintido dahil sa pagsakit ng kaniyang ulo.
“Oh Jiho, gising ka na pala,” bungad ni Mang Toper na labis namang ikinagulat ni Jiho.
Napaatras naman si Jiho sa biglaang pagsasalita ni Mang Toper. Kasalukuyang umiinom ng kape si Mang Toper at nakatayo lamang sa kusina.
“O... Opo...,” kinakabahang tugon ni Jiho.
“Kanina pa po ba kayo diyan?” nag- aalangang tanong niya kay Mang Toper na nakatitig sa kaniya.
“Oo Jiho, kanina pa kita pinagmamasdan habang tulog ka pa,” sagot ni Mang Toper sabay hagalpak sa tawa.
Napalunok naman si Jiho dahil sa ginawang ito ni Mang Toper. Ang weird ni Mang Toper para sa paningin ni Jiho subalit natutuwa rin naman siya rito dahil nakakatawa ito.
“Mag- almusal ka muna,” pag- aalok pa nito kay Jiho.
“Ay hindi na po, kailangan ko na pong umuwi kasi mahuhuli na po ako sa trabaho,” Jiho replied uncomfortably.
“Gano’n ba? Ah sige sige, mag- iingat ka,” nakangiting saad naman ni Mang Toper.
Agad na hinubad ni Jiho ang damit na isinuot sa kaniya ni Kaela at pinalitan ito ng damit niya kagabi, Nasilayan niya ang bakas ng suka rito ngunit wala na siyang choice kundi ang isuot ito.
“Mauna na po ako Mang Toper,” pagpapaalam ni Jiho.
Tinanguan naman siya at nito at saka nagmadali itong umalis ng bahay nina Kaela. Mabuti na lamang at maliwanag na ang daang babagtasin ni Jiho kaya naman napanatag na siya sa pagdaan dito.
“May sakit ka ba Jiho?” nag- aalalang tanong ni Mr. Rupert kay Jiho.
“Ayos lang po ako Mr. Rupert. Huwag na po kayong mag- aalala,” nanghihinang tugon ni Jiho.
“Siguro nag- bar ka kagabi ‘no,” pang- aasar ni Jozen sa kaniya.
Sinamaan siya ng tingin ni Jiho kahit na sobrang sakit ng ulo nito dahil sa tama ng alak sa kaniya kagabi.
“Anong bar? Eh hindi naman naggaganon si Jiho,” pagsaway pa ni Mr. Rupert.
“Or pwede ring nag- uwi siya ng babae sa apartment niya tapos naglasing silang dalawa do’n,” Jozen speculated once again.
“Alam mo Jozen, bumalik ka na nga lang sa office mo. Ginugulo mo lang si Jiho eh,” pagtataboy ni Mr. Rupert.
Lumabas na rin si Mr. Rupert kasama ni Jozen sa office ni Jiho upang makapag- isa ito at makapagpahinga.
TANGHALI NA NAGISING SI KAELA dahil ngayong araw ay vacant niya. Tirik na ang araw sa labas nang ito at bumangon sa kaniyang kama. Tumayo ito at saka humikab habang naglalakad palabas ng kaniyang kwarto.
“Bakit naman ganiyan hitsura mo ‘nak? Ang pangit...,” pang- aasar ni Mang Toper sa kaniyang anak nang makita itong nakanganga nang lumabas sa kaniyang kwarto.
Napangiwi ang bibig ni Kaela nang asarin siya ng kaniyang ama pagkagising niya. Kinuha niya ang throw pillow nila sa kanilang sofa at saka binato si kaniyang mapang- asar na ama. Agad namang umiwas dito si Mang Toper habang tumatawa.
Saglit na natigil si Kaela nang may mapansin siya sa kanilang bahay.
“Umalis na si Jiho?” tanong nito sa kaniyang ama.
“Kanina pa. Nakanganga ka pa noong umalis ‘yon,” sagot ng kaniyang ina na kasalukuyang naglalakad patungo sa kanilang lamesa hawak ang kanilang almusal.
“Kumain naman siya bago siya umalis?” pag- aalala pa ni Kaela.
“Hindi na. Nagmamadali na siyang umalis eh, mahuhuli na raw siya sa trabaho,” tugon naman ni Mang Toper sabay nakaw sa isang hotdog na nakahain sa lamesa.
Hinampas ni Aling Emily ang kamay ng kaniyang asawa nang makita niya itong nangungupit ng hotdog sa lamesa. Nginitian naman siya ni Mang Toper upang pansamantalang mapawi ang inis ng kaniyang asawa.
They all began to sit and started their breakfast. Mang Toper, out of the blue, asked her daughter about her relationship with Jiho.
“Kae anak, ilang buwan na pala kayo ni Jiho. Ikaw ah, naglilihim ka na sa amin ng mama mo ngayon,” Mang Toper probed.
Kaela looked at her father with an eerie glare.
“Hindi ko nga po boyfriend si Jiho. Mataas ang standards ko Pa, hello,” she answered then rolled her eyes.
“Wow ha, ganda yarn? Ang pogi na ni Jiho tapos matalino, successful, at saka masipag, ano pang inaarte mo diyan ha?” pang- aasar pa ng kaniyang ama.
“Ayos lang ‘yan anak kung hindi ka pa ready sabihin sa amin ng Papa mo, ‘di ba Honey?” sabay kapit sa braso ng kaniyang asawa.
“Ganiyan din naman tayo noon, itinatanggi pa nating magjowa tayo kahit nagchukchakan na tayo nang ilang beses,” natatawang dagdag pa ng kaniyang ina sabay takip sa kaniyang bibig na animo’y mahinhin.
Tila ba naduwal si Kaela sa kwentong ito ng kaniyang mga magulang kaya sinamaan niya ito ng tingin.
“Ano ba ‘yan Ma, ang baboy mo naman,” Kaela said with full of disgust, sabay kagat sa kaniyang kinakaing hotdog.
NAGISING NA LAMANG SI ZACH nang siya ay nasa condo na niya. He felt some dizziness when he finally opened his eyes. Habang nakahiga siya, lumingon siya sa kaniyang tabi at nakita niya ang isang babaeng hubo’t hubad na nasa kaniyang tabi.
Mahimbing ang tulog nito at tila ba pagod na pagod. Tinanggal ni Zach ang kumot na nakabalot sa kaniya at saka nakita niya ang sarili niya na wala ring saplot. Muling ibinaba ni Zach ang kaniyang ulo sa malambot na ulo.
“Gising ka na ba, Zach?” tanong ng babae sa kaniya nang maramdaman nitong gising na si Zach.
Zach quickly turned his head towards the girl beside her.
“I’m so sorry, but who are you?” Zach asked her.
Nginitian siya ng babae at saka hinaplos ang kaniyang pisngi. Bahagyang nakadama ng init sa katawan si Zach nang maramdaman niya ang pagdampi ng kamay ng babae sa kaniyang pisngi. Sinundan niya ng tingin ang kamay ng babae.
“Nakalimutan mo na agad? We met on the bar last night, and you invited me her in your condo to play,” the girl seductively answered with a playful eyes.
“Nag- s*x ba tayo?” Zach asked curiously with a furrowed eyebrows.
“Tinatanong pa ba ‘yan, Zach? Nag- enjoy ka nga eh, and you asked me for another round even I’m pretty tired,” with full of sexiness, the girl replied.
Napatakip na lamang si Zach sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang kalokohang ginawa habang siya ay lasing at nakadroga.
Agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga at saka nagsuot ng kaniyang damit kahit na pinipigilan siya ng babae. He immediately get his wallet and took out some money to give it to the girl and make her leave his condo.
“Can you leave this condo as soon as possible and promise yourself that we will meet each other again,” Zach said while handing the money to the girl.
Mabilis na kinuha ng babae ang inabot na pera ni Zach nang may ngiti sa kaniyang labi at saka nagsuot na ng kaniyang damit na nasa sahig. Agad din naman itong umalis nang ito ay tuluyang nakabihis na.
While Zach is looking at the big window of his condo, looking at the urban view from the outside, he received a call from his office.
“Sir Zach, your father is finding you. He said you must come here as soon as possible,” his newly hired secretary said over the phone.
Hindi na sumagot si Zach sa sinabi ng kaniyang sekretarya, bagkus ay nagmadali na lamang ito sa kaniyang paghahanda para sa kaniyang pagpasok.
Even though he was pretty late, he was still unbothered. He was walking in a slow pace as if he was on the moon. He drove himself unto their office to have a talk on his father.
“Why are you late? You are supposed to be here at seven in the morning, bakit ngayon ka lang? Kung hindi pa kita tatawagan, hindi ka pa talaga papasok sa trabaho?” Chairman Leviste scolded his son.
Mariin lamang na nakayuko si Zach sa harapan ng kaniyang ama habang siya ay pinagagalitan. Si Chairman Leviste lamang ang siyang kinatatakutan ni Zach sapagkat kung hindi siya susunod sa ipinag- uutos sa kaniya ng kaniyang ama, posible siyang mawalan ng mana at ng katungkulan sa kanilang kompanya.
“I’m so sorry Dad. I was drunk last night and I was not aware of the time. I just got up the moment my secretary called me. I’m really sorry, Dad,” Zach humble apologized even though this is not on his will.
“Ano pang magagawa ng sorry mo? Nakaalis na ang mga foreign investors natin, at kanina pa nila sinasabi sa akin na gusto ka nilang makausap, pero nasaan ka? Nandoon ka, nagpapakasasa sa buhay mo!” Chairman Leviste yelled.
Hindi kaagad na nakaimik si Zach sa kaniyang ama dahil sa kahihiyan. Ang secretary naman nito na si Ms. Angela ay tahimik lamang na nakayuko sa kanilang gilid at takot na takot sa mga binibitiwang sigaw ni Chairman Leviste sa kaniyang anak.
“Ayaw ko nang mauulit ito Zach ah. Kung mauulit ito, hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa posisyon mo. Kahit na anak pa kita, wala akong pakialam!”
Patuloy na pinipigilan ni Zach ang kaniyang kamao. Gigil na gigil ito at tila ba ay gusto nitong manapak. Pagkatapos manigaw ng kaniyang ama, agad na lumabas si Zach sa office ni Chairman Leviste at saka bumalik sa kaniyang opisina. Sinundan din naman siya ng kaniyang secretary habang labis ang panginginig nito dahil sa takot sa kaniyang nasaksihan.
“Anong ginagawa mo rito?” pasigaw na tanong ni Zach na may kasamang pandidilat ng mata sa kaniyang sekretarya na kasalukuyang nasa loob ng kaniyang opisina.
Nanginig naman sa matinding takot si Ms. Angela dahil sa tanong na ito sa kaniya ni Zach.
“Uhm... Sir... may kailangan po kasi kayong pirmahan. Nasa table niyo po,” Ms. Angela replied while shivering because of fear anxiety that Zach gave to her.
“Para saan ang mga papel na ito?” nakataas kilay na tanong pa ni Zach sa kaniya.
“Ah para po sa finance department ‘yan. Need daw po ng pirma niyo sabi ni Chairman Leviste,” sagot ni Ms. Angela habang hindi mapakali ang kaniyang mga mata dahil sa takot.
Sinimulan nang tignan ni Zach ang mga papeles na nasa kaniyang table at saka pinirmahan agad ito. Pagkatapos pirmahan, agad itong kinuha ng kaniyang sekretarya upang ibigay sa finance department ng kanilang kompanya.
“What’s your name again?”
“Ahh, Angela po. Angela Pineda,” sagot nito.
“Bumalik ka agad dito ang give a cup of coffee. Black coffee and less sugar, is it clear?”
“Noted po Sir.”
Dali- daling lumisan ng opisina ni Zach ang sekretarya nito upang ibigay sa finance department ang mga papeles na pinirmahan ni Zach. Pagkatapos nito, agad naman siyang nagtungo sa canteen ng kanilang kompanya upang pagtimplahan ng kape si Zach.
“Uhm, excuse me. Saan po dito ang gawaan ng kape. For Sir Zach lang po,” mapakumbabang tanong ni Angela sa isang staff na nasa canteen.
Itinuro naman ng pinagtanungan niya ang isang bahagi ng canteen kung saan maaring gumawa ng kape ang lahat ng empleyado. Kinakabahan siya habang nagtitimpla ng kape ni Zach dahil hindi niya alam kung ano ang tamang timpla na gusto ni Zach para sa kaniyang kape.
Mabibigat ang mga paghinga nito habang isinasalin ang asukal sa baso, subalit kailangan niya ring bilisan ang pagtimpla rito dahil nagmamadali na si Zach sa kaniyang opisina.
Pagkatapos niyang magtimpla, dali- dali niya itong dinala sa opisina ni Zach. There’s a jolt of nervousness on his hands while she was on her way unto Zach’s office.
Kumatok muna siya sa opisina ni Zach bago siya tuluyang pumasok. Iniangat naman ni Zach ang kaniyang tingin habang siya ay nakaharap sa kaniyang laptop, ngunit agad din naman niyang binawi ang tingin na ito ay saka muling ibinaling sa kaniyang ginagawa.
Nanginginig na inilapag ni Angela ang kape ni Zach sa lamesa. Kaagad din naman itong kinuha ni Zach at saka sinubukang inumin, subalit bigla itong ibinuga ni Zach na labis niyang ikinagulat.
Napatayo si Zach sa kaniyang kinauupuan at saka humarap kay Angela nang galit na galit.
“Anog sabi ko? Less sugar ‘di ba? Bakit sobrang tamis nito?” sigaw ni Zach kay Angela.
Hindi nakaimik si Angela sa tanong ni Zach dahil napangunahan na siya ng kaniyang takot. Akma namang sasampalin ni Zach si Angela ngunit biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina, at saka pumasok ang kaniyang ama na si Chairman Leviste.