Zach was not able to touch his palm on Angela’s face when his father entered his office. His eyes widened the moment the door was opened, and saw his father walking towards them.
“What are you doing, Zach?” gigil na tanong ni Chairman Leviste sa kaniyang anak na nakaakmang sasampalin ang kaniyang sekretarya.
“Uhm, Dad, don’t be so confused. I will explain...,” kinakabahang tugon ni Zach sa kaniyang ama.
“Angela, go to my office and clean it for a while,” Chairman Leviste commanded.
Angela quickly ran from Zach’s office when Chairman Leviste ordered her something that could make her leave that office.
Nagpamaywang si Chairman Leviste sa harap ni Zach ngunit hindi naman makatingin nang maayos ang kaniyang anak sa kaniya.
“Zach, the foreign investor I met a while ago will return tomorrow. I want you to welcome them and I will set a meeting para makausap mo na sila. Kapag na- late ka na naman bukas, hindi talaga ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa posisyon mo. Is it clear?” Chairman Levoste seriously said.
“Yes Dad. I will come here as early as possible,” Zach replied.
“Ihanda mo na ang lahat. The presentations, your suit, everything. Gusto ko maging malinis ang lahat bukas at walang aberya, nagkakaintindihan ba tayo?”
“Yes Dad,” sagot muli ni Zach.
Chairman Leviste has finally turned his back from his son, ngunit bigla siya muling humarap sa kaniyang anak nang may maalala.
“Also, I don’t want you to cause any trouble, especially to your new secretary. Be professional. I don’t need immature and abusive employee here in my company,” Chairman Leviste muttered with a straight face.
Muli siyang tumalikod sa kaniyang anak at saka tuluyan nang lumabas ng opisina nito. Naiwan namang mag- isa si Zach sa kaniyang opisina habang pinipigilan ang kaniyang dahil sa labis na inis na kaniyang nararamdaman.
MR. RUPERT ENTERED JIHO’S OFFICE during lunch break to check for his health. He was worried about his condition as if Jiho was on verge of death.
“How are you Jiho? Are you ok now?” pag- aalalang tanong ni Mr. Rupert kay Jiho.
Jiho is now facing his laptop and finishing his paper works. Napatingin siya kay Mr. Rupert na bigla na lamang pumasok sa kaniyang opisina.
“Yes Sir, okay naman na po ako. You don’t have to worry,” tugon ni Jiho na bahagyang nakapagpagaan ng loob nito.
Bigla ring pumasok si Jozen sa loob ng office ni Jiho upang kumustahin din ito.
“Hindi na ba masakit ang ulo mo, Jiho?” tanong pa nito.
“Oo ayos na ako, kaya bumalik ka na sa office mo. May kailangan pa akong tapusing trabaho rito,” iritableng sabi ni Jiho nang hindi man lang tumitingin kay Jozen at nakatutok lang sa kaniyang laptop.
“Ikaw Jozen, bumalik ka na nga doon,” pagsaway ni Mr. Rupert sabay hampas sa kaniyang braso.
“Mr. Rupert, may naghahanap po sa’yo sa labas.”
Natigil si Mr. Rupert sa paghampas niya sa braso ni Jozen nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Jiho at nagsalita ang isa nilang intern. Agad din namang lumabas si Mr. Rupert sa opsina ni Jiho upang tignan ang taong naghahanap sa kaniya.
Bahagya namang namula ang pisngi ng intern nang makita niyang busy sa laptop niya si Jiho subalit wala na siyang oras upang titigan siyang muli dahil hinila na siya ni Mr. Rupert palabas.
Naiwan si Jozen sa loob ng opisina habang abala sa pagtype si Jiho sa kaniyang laptop ng paper works para sa nalalapit niyang paglilitis kung saan siya ang prosecutor.
Umupo si Jozen sa isang upuan at saka binalak kausapin si Jiho.
“Jiho. Jiho,” pagtawag nito.
Hindi siya tinignan ni Jiho at nagpatuloy ito sa kaniyang ginagawa. Napanguso naman si Jozen kaya nag- isip siya ng paraan upang makuha ang atensyon nito.
“Hindi ka talaga titingin ah. Ipapakalat ko sa lahat ‘yong wacky picture mo,” panakot ni Jozen.
“Ano iyon, Jozen?” nakangiting tugon agad ni Jiho kay Jozen.
Napangiti rin naman si Jozen nang maging epektibo ang kaniyang pangba- blackmail kay Jiho.
“Gusto mo ba ng girlfriend? May ipapakilala ako sayo. Maganda ito,” Jozen said to persuade Jiho.
Muli namang bumalik sa kaniyang ginagawa si Jiho dahil wala itong interest sa mga ganitong bagay.
“Teka nga lang, isesend ko na ‘yong pic mo sa group chat....”
“Maganda ba siya?” kaagad na tugon ni Jiho.
Humagalpak naman sa katatawa si Jozen nang biglang magpa- cute si Jiho sa kaniyang harapan.
“Ay hindi ko pwedeng sabihin. Makikita mo lang siya kapag pumayag ka na maging ka- blind date mo siya,” nakangiting sagot ni Jozen nang may pagtaas- taas pa ng dalawang kilay.
“Blind date?” Jiho shockingly asked.
“Akala mo naman hindi ka sumasama sa mga blind date. Eh pangpitong beses mo na nga ito kung sakali, hindi ka lang nahuhuli ni Mr. Rupert kaya good boy ka sa paningin niya,” pang- aasar pa nito.
“At saka, patanda ka na nang patanda tapos wala ka pa ring girlfriend. Gusto mo bang tumandang binata?” dagdag pa nito.
“Hindi naman sa gano’n, sadyang hindi pa talaga ako handa sa mga ganitong bagay. Pero, gusto ko na rin namang magka- girlfriend no. Ang lungkot lungkot na nga ng buhay ko eh,” nakabusangot na sambit ni Jiho.
“Eh ‘di, tumuloy ka na rito. Malay mo siya na pala ang babaeng hinahanap mo ‘di ba,” pangungumbinsi pa ni Jozen.
Bahagyang napaisip si Jiho sa alok ni Jozen sa kaniya. Sa ilang blind dates na kaniyang nadaanan, ang ilan dito ay nakatuluyan naman niya subalit hindi rin nagtagal. Naisip ni Jozen na sumubok muli dahil baka ito na ang tamang panahon para mahanap niya ang kaniyang makakatuluyan.
“Sige sige, sasama ako,” desisyon ni Jiho. “Maganda ba ‘yan?” tanong pa nito.
“Oo naman, Jiho. Hahanapan ba naman kita ng pangit?”
“Mayaman? May pinag- aralan? Mabait?” muling tanong nito.
“Vir... Vir... Virgo ba siya?”
Hindi matuloy- tuloy ni Jiho ang kaniyang sasabihin dahil nahihiya siya kay Jozen. Pinigilan naman ni Jozen ang kanyang tawa dahil alam niya kung ano ang nais sabihin ni Jiho.
“Basta, malalaman mo na lang mamaya kapag nakita mo siya,” tugon pa ni Jozen.
“Ano? Mamaya agad?” gulantang na tanong nito.
“Oo mamayang gabi sinabi ko sa kaniya.”
“Anong oras naman?” iritableng tanong ni Jiho habang pilit na pinipigilan ni Jozen ang kaniyang tawa.
Wala nang nagawa si Jiho dahil ang alam ng babaeng nais ipakilala sa kaniya ni Jozen ay mamaya na mangyayari ang blind date nila.
Pagkatapos ng usapan nila, bumalik na kaagad si Jozen sa kaniyang opisina at iniwan nitong mag- isa si Jiho. Jiho lean his head on his desk and suddenly threw a tantrum.
BECAUSE KAELA HAS NO CLASSES TODAY, she remained on her bed, sleeping all day. Sinulit na niya ang kaniyang pahinga dahil batid niyang kinabukasan ay maaabala na naman siya.
Sa gitna ng kaniyang tulog, bigla na lamang tumunog ang kaniyang cellphone nang tumawag ang kaniyang kaklase na matalik din niyang kaibigan na si Yeri.
Biglang naalimpungatan si Kaela sa pagtunog ng kaniyang cellphone na nasa tabi lamang ng kaniyang tainga. Inaantok at naglalaway pa si Kaela nang sagutin niya ang kaniyang phone.
“Sino ‘to?” Kaela asked sleepily.
“Kaela, free ka ba mamaya? Kain tayo, libre ko na,” pag- aaya ng kaibigan ni Kaela sa kaniya.
“Sino nga ito?” muling tanong niya nang hindi man lang iminumulat ang mga mata.
“Shuta ka Kaela, ako ‘to si Yeri,” tugon naman ng kaniyang kaklase.
“Ay bakit ka napatawag beh?” tanong pa ni Kaela sabay hikab.
“Wala lang, gusto ko lang kumain mamaya. Free ka ba, libre ko na dzai,” pag- aaya nito.
“Sige lang beh. Anong oras ba?”
“Mga 7pm beh. Sa may Harvey’s Korean Chicken Restaurant. Sasamahan ko na rin ng soju beh para hindi tayo ma- boring,” ani Yeri.
“Ah sige beh, gagayak na ako. Malapit na rin pala mag- alas ciete eh,” sagot ni Kaela sabay muling hikab.
Pinatay na ni Kaela ang kaniyang phone at saka muling pumikit. Tinignan niya muli ang oras sa kaniyang phone at nakita niyang quarter to seven na.
“Ay shuta, kapipikit ko lang mag- aalas ciete na agad,” gulat na sambit ni Kaela nang makita niya ang oras.
Agad itong tumayo mula sa kaniyang kama at saka nagmadaling maggayak ng kaniyang sarili. Hindi na naligo si Kaela dahil mahuhuli na siya sa oras. Nag- toothbrush na lamang siya at saka nagpalit ng damit.
“Ma, Pa, alis na ako,” pagpapaalam ni Kaela sabay kuha ng coat na nakasabit sa upuan at saka umalis.
“Mag- iingat ka Kaela ha,” sambit ng kaniyang ina na kasalukuyang nagtutupi ng kanilang mga damit.
Ang kaniyang ama naman ay hindi na nakapagpaalam sa kaniyang anak dahil umiinom ito ng beer sa mga oras na ito.
Nagmadaling sumakay ng bus si Kaela patungo sa restaurant kung saan sila magkikita ni Yeri. Panay ang kaniyang text sa kaklase na malapit na siya, ngunit ang totoo ay malayo pa ang kaniyang tatakbuhin.
Nang makababa ng bus, agad itong tumakbo patungo sa restaurant na kanilang napag- usapan. Mas mabilis pa kay Usain Bolt ang kaniyang takbo makaabot lamang sa oras ng kanilang pag- uusap ni Yeri.
“Beh, sorry late ako ng 15 minutes. Medyo traffic kasi sa daan,” pagsisinungaling ni Kaela nang magkita na sila ni Yeri sa restaurant.
“Eme mo beh. Wala namang traffic ngayon,” tugon naman ni Yeri sabay irap ng mata.
“Ay gano’n ba? Hehe.” Napakamot na lamang sa kaniyang batok si Kaela nang hindi tumalab ang kaniyang pagsisinungaling kay Yeri.
Umupo na siya sa upuan kaharap ni Yeri at saka umorder na si Yeri ng kanilang kakainin.
“One order of chicken bucket po, yung large. Sweet and spicy flavor. Tapos samahan niyo na rin po ng apat na soju,” order ni Yeri sa waitress.
“Ano bang gusto mong sabihin beh?” tanong ni Kaela sa kanyang kaibigan sabay inom ng tubig na nakalapag sa lamesa.
“Shuta ka bakit mo ininom ‘yan, eh ‘yan ‘yong ininuman ng lalaking nauna sa atin.”
Napabuga na lamang si Kaela sa tubig na kaniyang ininom nang sabihin ito ni Yeri. Halos maduwal- duwal pa ito dahil sa labis na pandidiri
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” iritableng tanong ni Kaela.
“Ay bakit parang kasalanan ko? Nagtango ka ba beh shuta ka.”
“Anyways, ano ba iyong gusto mong sabihin sa akin? Inabala mo pa talaga tulog ko ah,” muling tanong ni Kaela sa kaniyang kaibigan.
Mabilis namang inihanda ng waitress ang order nilang chicken bucket at saka soju kaya nagsimula na rin itong lantakan ni Kaela.
Bigla namang umiyak si Yeri sa kaniyang harapan kaya napatigil si Kaela sa pagkain niya ng manok. Napangiwi siya nang makitang umiiyak ang kaniyang kaibigan.
“Anong problema beh? Bakit ka umiiyak? Itigil mo ‘yan ang panget mo nakakahiya sa mga tao,” pagsaway sa kaniya ni Kaela.
“Beh, break na kami ni Justine. Nahuli ko siyang may ibang babae kaninang umaga,” naiiyak na tugon ni Yeri.
“Ah kaya ka pala nag- order ng soju ah,” sambit ni Kaela.
“Diyos ko po, pang- benteng break up mo na ‘yan, hindi ka pa rin ba nasasanay?” pagpapatuloy pa ni Kaela.
“Beh, masakit kasi beh. Hindi mo lang kasi nararanasan eh,” Yeri replied then sobbed.
Nairita naman si Kaela sa pag- iyak ng kaniyang kaibigan kaya sinungalngal niya ito ng chicken upang tumahimik dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.
“Jozen said you are his colleague, is it true?” tanong ni Maxine, ang ka- blind date ni Jiho.
Mabait naman ang naging ka- blind date ni Jiho at bahagyang natipuhan niya ito. Konserbatibo itong babae at saka may pinag- aralan. Isa rin itong CEO sa isang sikat na food franchise sa kanilang lugar at nakakuha rin ng award bilang isang successful young entrepreneur.
Maputi si Maxine at matangos ang ilong. She has a petite and voluptuous body. Her jawline was very fine and highlighted her facial structure. Her eyes was well- rounded and compliments her other facial features.
“Uhm, yes. I am also a prosecutor,” Jiho replied with full of humility and respect.
“Oh, I see. Can I ask if you received an award during your study in law school? Kasi sabi ni Jozen you were a top performing student on you batch, can you enlighten me please?” Maxine asked with elegance.
“Yes, in fact I was a summa c*m laude back then, and I received Juris Doctor’s Award when I were still studying in University of the Philippines- Diliman with a general weighted average of 1. 004,” sagot ni Jiho.
Tila nagulantang naman si Maxine nang marinig niya ang credentials ni Jiho. Napangiti na lamang ito at saka uminom ng tubig.
“Wow, really? So, napakatalino mo pala talaga. I thought you were just a normal prosecutor, but I was shocked when I heard that,” Maxine replied.
“Oh Jiho... nandito ka rin pala....”
Nagulat na lamang si Jiho nang marinig niya ang boses ni Kaela sa likuran niya kaya naman agad itong napalingon. Nakita niya si Kaela na lalasing- lasing.
“Kaela, what are you doing here? At saka, bakit amoy alak ka?” tanong ni Jiho.
“Sino naman itong babaeng nasa harap mo?” wala sa sariling tanong ni Kaela.
“Sabi nila mama at papa ‘di ba, ako ang girlfriend mo?” dagdag pa nito.
Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang kaibigan na si Yeri at saka pinaghahampas ang kaniyang braso dahil sa kahihiyan.
Napalingon naman si Jiho kay Maxine at saka nakita itong nanlalaki ang mga mata.
“Oh sorry, I thought you’re single,” sambit ni Maxine nang may pilit na ngiti.
“Wait, Maxine. I will explain,” pagpipigil ni Jiho kay Maxine na akmang paalis sa kanilang kinakainan.
“Well, thank you for this night, Mr. Playboy- cutor,” pang- aasar ni Maxine sabay alis sa kaniyang harapan.
Hinarap naman ni Jiho ang wala sa sariling si Kaela at saka sinamaan ito ng tingin.
“Pasensya na po talaga kayo sa kaibigan ko, Kuya. Ganito po talaga ito kapag lasing,” paghingi pa ng pasensya ni Yeri kay Jiho.
“It’s okay. I am her friend,” sagot ni Jiho.
“Totoo po ba? Kilala mo si Kaela?” gulat na tanong ni Yeri.
“Uhm yes. Kilala rin ako ng mga magulan niya. Si Mang Toper and Aling Emily, right?” paglilinaw ni Jiho.
Napatango naman si Yeri habang na- hook sa kagwapuhan ni Jiho.
“Ako na ang bahala kay Kaela, Miss. Ako na ang maghahatid sa kaniya pag- uwi,” pag- aalok ni Jiho.
“Ah sige po, Kuya. Pero, can I get your number? Para po ma- text kita kung nakauwi na si Kaela,” pagsisinungaling pa ni Yeri dahil ang nais talaga nito ay ang makuha ang number ni Jiho para mai- phonebook sa kaniyang cellphone.
Agad namang ibinigay ni Jiho ang kaniyang calling card kay Yeri at laking gulat ni Yeri nang makita niyang prosecutor ito.
“Prosecutor po kayo?” kuryosong tanong ni Yeri nang may panlalaki ng mga mata.
“Yes. Sige Miss, iuuwi ko na si Kaela. Mukhang marami yata itong nainom.”
“Hindi nga ako lasing,” palag pa ni Kaela.
Hinila naman agad ni Jiho si Kaela paalis ng restaurant. Inis na inis si Jiho kay Kaela sapagkat naalintana ang kaniyang blind date dahil sa kaniya. Labag man sa kalooban niyang gawin ito, ngunit wala naman siyang choice.
“Maya, tumayo ka lang muna diyan ah. Magsisintas lang ako ng sapatos ko,” bigkas ni Jiho nang sila ay nasa gilid na ng kalsada upang maghintay ng sasakyan nilang bus.
Lumuhod na si Jiho upang itali ang kaniyang sintas, ngunit biglang bumaba ng gutter si Kaela at saka sinubukang tumawid sa kalsada. Agad din naman akong tumayo sapagkat may paparating na kotse at mahahagip siya nito.
Hinila ko si Kaelaa ngunit natapakan ko naman ang aking sintas dahilan upang matumba kami sa kalsada. Mabuti na lamang at huminto kaagad ang kotse na nasa aming harapan.