CHAPTER 1-PART TIME JOB
DRENTO'S P.O.V.
"Anak Sumama ka na sakin, Hayaan mo akong punan ang ilang taon pagkawalay ko saiyo. Aalagaan at Iingatan kita Hindi ka na Maghihirap!"
Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ng aking ina. Iniwan nya ako ng ako'y sanggol pa lamang. Masaya akong nahanap nya ako pero gusto nya akong kunin sa mga nagpalaki sakin sa mga taong tunay na nagmamahal sakin. Hindi ko sila pwedeng iwan dahil bukod sa napaka laki ng utang na loob ko sa kanila ay mahal na mahal ko sila.
Matanda na at hindi na kayang magtrabaho ng aking tatay at nanay. Kaya ng matapos ako sa Senior highscool ngayong taon ay hindi na ako nag abala pang pumasok sa kolehiyo, gustuhin ko mang mag-aral ay hindi na maaari sapagkat hindi sapat ang aking pantustos.
Marami akong mga part time job. Isa na roon ang maging crew sa isang Milktea shop, Malapit lamang ito sa sikat na paaralan na pinapangarap kong pasukan. Ang UNIVERSITY OF SAINT LUCAS.
Ang University of Saint lucas ang pinaka sikat at pinakamalaki. Pero hangang pangarap na lang ako. Dahil bukod sa napaka mahal na tuition fee eh puro mayayaman ang nag-aaral doon. Isa na doon ang Matalik kong kaibigan na may-ari ng pinapasukan kong shop. Actually hindi lang basta basta itong Milktea shop. Dahil isa ito sa pinaka sikat. Kung hindi ko lamang kakilala ang may ari ay baka hindi ako makapasok dito.
"Hoy bes kong kanina pa tulaleyy, ano bang iniisip mo ha? Kanina ka pa wala sa sarili mo."
"May iinisip kase ako bes hindi bat may dumalaw sa bahay namin noong nakaraang araw?"
"Yong magandang Ginang? Na ang sasakyan ay Parang binuhusan ng colorless cutix sa sobrang kintab?"
Gusto ko sanang matawa sa mga pinagsasabi nya pero parang iniwan ako ng aking sarili at hindi ako makapag react. Malalim ang aking pagsinghot at marahas kong binuga at tumango.
"Sya nga bes"
"Oh anong meron don?"
" Sya ang Nanay ko"
"Ahhh nanay lang pala e.. HANOOO?! NANAY MO YONG MAGANDANG GINANG NA ANG SASAKYAN AY PARANG NILAGYAN NG CUTIX NA COLORLESS SA SOBRANG PAK NA PAK SA GANDA??!!!"
Grabe talaga ang bunganga netong baklang to! Sinapok ko nga at ng manahimik. Halos hindi nako makapagsalita sa ingay sumasakit na nga ulo ko kakaisip, masakit pa sa tenga. Pero nakakatuwang isipin na meron akong matalik na kaibigan na laging nandyan pag kakailanganin ko.
" Hinaan mo nga yang boses mo mamaya masisante pa tayo. At oo sya ang nanay ko" Bulong ko sa kanya
"Oh ano daw sabi?" Pabalik na bulong nya
" Sabi nya Sumama na daw ako sa kanya. So that she will provide everything that i need and want"
"Anong sabi mo?" Tanong nya
"Na hindi ako sasama sa kanya, na nakaya ko ng wala sya sa buhay ko tyaka hindi ako nag dadalawang isip na sumama ba o hindi. Iniisip ko lang naman ay bakit pa sya dumating sa buhay ko gayong hindi nya naman ako kayang panindigan noon. Pero nasa part ng isip ko na magtanong kung bakit? Bakit nya ako iniwan gayong mayaman naman pala sya. Besides hindi ko rin ipagpapalit sa kahit anong bagay at kahit na sino ang aking nanay elsa at tatay long. At alam na alam mo ang bagay na yan. Kaya nga ako kumakayod at rumaraket para sa kanila, para matostusan ang kanilang pangangailangan. Lalong lalo na ang kanilang maintenance. At hindi ko makakalimutan na minahal nila ako at binusog sa pangaral at pagmamahal."
"Bes naman nakakatouch ka naman. Tama nga ang pagkakakilala ko sayo na hindi mo kami kayang ipagpali-"
Di na namin natapos ang aaming kwentuhan ng may mga dumating na costumer. Hindi ko na namalayan na mag aalas singko na pala. Kung kayat labasan na ng mga studyante ng USL.
"Hi miss Dren, What a beautiful name you have."
" Hello sir ano pong oorderin nyo?" pilit na ngiti ko sa kanya
"ikaw? pwede ka ba?"
"...." hindi ako nag salita at tinignan lang sya ng walang emosyon
"Just kidding, yung best seller niyo na lang dito" sabay kindat sakin
"yeah make it three" sabi ng kasama nyang dalawa. Sabay na banggit ng dalawa at nagkatinginan pa sabay ngisi.
"Okay sir" sabay abot ko sa kanila nang number ng table nila. may crew din kasing nag bibigay ng order nila. kaya hindi na nila kailangan tumayo lang or hintayin ang mga order nila habang nakatayo. Kadalasan kaming nasa counter na din ang naghahatid sa kanila pag available kami.