Hindi ako sumagot. Wala akong planong magsalita. Nakasimangot na naman ako doon at hindi lang sa kanya pissed off. Ganun na rin ang mga nararamdaman ko para kay Sky na kulang na lang ay awayin ko nang dahil sa pagiging makapal ang balat nito at walang pakialam sa kung anuman ang nangyayari sa akin at walang pakialam sa kung anong nararamdaman ko. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay hindi niya talaga ako mahal, na hindi niya ako gusto. Ipinaparamdam niya sa akin na napilitan lang siyang gawin ang bagay na iyon at akung anuman ang dahilan niya, iyon ang kailangan kong malaman para isampal sa kanya na hindi ako tanga. Hindi ako papayag na gamitin niya lang ako sa makasarili niyang paraan, dahilan at matawag lang na mayroon din siyang kasintahan. Hindi naman siya ganun dati, noong una damang-da

