Napalunok na ako ng aking sariling laway. Pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang aking lalamunan nang dahil sa kanyang katanungan. Hindi ko magawang sumagot, natatakot akong baka mangatal ang aking tinig o kung hindi naman ay pumiyok. Bagay na ayaw kong mangyari sa kanyang harapan dahil alam kong pagtatawanan niya ako at lalo pang aasarin kapag nagkataon. Lumabi ako doon at sumimangot. “Ang tigas na ngayon ng ulo mo, Summer, hindi ka na mapakiusapan at mautusan. Nagkaroon ka lang ng boyfriend ay naging ganyan ka na umasta.” turan nito na walang pakundangang hinila ang seatbelt sa upuan ko at ikinabit na iyon sa akin. Nahigit ko na doon ang aking hininga, pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dito. OMG! Ibig ngang sabihin nito ay alam niyang boyfriend ko nangayon si Sky! At hindi ko mapigilan

