Mabilis ko ng ikinurap-kurap ang aking mga mata. Nagbabakasakali pa akong nasa panaginip lang o guni-guni ako at doon ko nakita ang pagmumukha niya! Subalit nakailang beses na akong ginagawa iyon ay naroon pa rin sa harapan ko si Winter. Matamang nakatunghay sa aking mukha na bahagya pang umangat ang gilid ng kanyang labi upang magbigay na ng isang makahulugang ngiti sa akin. Mabilis na uminit ang aking mukha, hindi dahil sa nakita ko siya kung hindi dahil sa posisyon naming dalawa na parang yakap niya ako habang naka-bend doon at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit sa may dibdib niya ang isang palad. Nakaramdam na ako sa kanya ng kakaibang pagkailang na tila ba taon na ang dumaan nang huli kaming mag-usap at magkita nito, kaya ganun na lang ang pakiramdam ko. At upang pagtakpan iyon ay

