"Mauna na ‘ko, guys. May tatapusin lang akong report." saka mabilis na pumunta sa opisina niya. Hindi na niya natiis pang manatili pa sa kanyang kinauupuan at makinig sa ano pa mang kuwento na dapat niyang marinig. Sapat na ang mga narinig niya para torture-in pa ang sarili. "Anong nangyari do’n?" tanong ni Christy na nagtataka sa ikinilos ng kaibigan at tila nagmamadali pa. "Ewan ko do’n." kibit-balikat na sagot ni Gloria. Hindi na nila pinansin ang kaibigan at ipinagpatuloy na lang nilang dalawa ang kanilang chikahan. Blanko pa rin ang pag-iisip ni Mika na mabilis na naglakad at pumasok sa kanyang opisina. Pagpasok niya ay agad niyang ni-lock ang kwarto. Ang pinipigilan niyang mga luha ay biglang kumawala na animo'y walang paraan para tumigil ito sa pagdaloy sa kanyang mga pisngi. Pa

