Napakabagal ng oras para kay Mika kapag wala ang binata. May mga pagkakataong natutulala na lang siya kapag sumasagi sa isip niya ang binata lalo na ang mga maiinit nilang yakap at halik sa isa't isa. Habang iniikot-ikot lang ang spaghetti sa plato gamit ang tinidor na hawak ay nakatingin siya sa malayo. "Ganito ba talaga kahirap ang ma-in love? Hindi ko maintindihan minsan. Pagwala siya parang hindi kumpleto ang araw ko. Parang gusto ko na kaagad siyang makita. Pero kapag nandiyan naman ay siya ay wala naman akong masabi. Gusto ko ay awayin lang siya. Kasi kahit anong away ko sa kanya parang balewala lang sa kanya. Sabi pa niya na ngayon ang balik niya pero bakit wala pa siya?" sabi ni Mika sa sarili na tulala pa rin sa kawalan. "Hey, Mika!" kanina pa nakatingin ang mga kaibigan niyang

