Ilang araw nang balisa si Mika. Para bang may kulang sa araw niya. Nakatitig lang siya sa mga bulaklak na nasa table niya. Wala nang iba pang pinanggalingan ang mga ito kung hindi ay kay Rick. Pero pare-pareho lang naman ang nakasulat sa card. ‘Good morning at have a nice day’ lang lagi. Nilalaro-laro pa niya ang bawat talulot ng rosas na kasama ng iba’t ibang klase ng bulaklak sa vase. Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya. Para bang bored na bored siya sa araw na ito. Inip na inip siya na kahit anong gawin niyang pagpapaka-busy sa trabaho ay si Rick pa rin ang laman ng isipan niya. Maagang umuwi si Mika ng araw na iyon para makapag-ayos ng gagamitin sa outing nila sa El Nido. Pagkatapos maghapunan ay agad itong nag-impake ng mga damit. Naka-chartered plane lang

