MAAGANG nagising si Olivia kinabukasan. Ala-singko pa lang ng umaga ay nasa kusina na siya. Napansin niya na marami pang adobo na natira kagabi kaya naman iniinit na lang niya iyon habang sinasangag niya ang kanin.Naisipan niya na magluto pa ng itlog kaya nilapitan niya ang ref. PAPALAPIT na siya sa refrigerator para humanap ng makakain sa loob noon. Pagbukas niya ay naramdaman niya ang lamig na nagmumula sa loob noon. Nagtataka siya kung bakit gumagalaw ang mga laman noon. Napaatras siya. Nagulat na lang siya ng may malaking galamay ng isang halimaw na nagmula sa ref ang pumulupot sa kanyang beywang at pilit siyang pinapasok sa loob ng pridyeder. Malakas siyang tumili. "Eeeeeehhhh!!!" Naibato ni Bridgette ang isag popcorn sa screen ng TV sa sobrang bored na niya sa pinapanood. "Ang cor

