"AND that's our lesson for today. Class dismissed!" Nagsigawan sa tuwa ang mga estudyante ni Teacher Noah ng sabihin niya ang mga ito. Class dismissed. Para sa mga estudyante niya ay parang sinabihan mo ang mga ito na walang pasok. Ang salitang iyon ang senyales na makakatakas na sila sa apat na sulok ng classroom na pero para sa kanya ay iba. Class dismissed. Ibig sabihin ay babalik na siya sa tunay na siya. Hindi na siya si Teacher Noah na parang santo. Siya na si Noah. Isang lalaking puno ng kasalanan. Nagsimula ng maglabasan ang kaniyang mga estudyante. Maiingay pa rin ang mga ito. Akala mo ay mga baboy na pinakawalan sa kural. Inilabas niya ang cellphone at tinignan ang isang litrato ng babaeng naka-save doon. Napangiti siya. Napakaganda talaga ng kapatid niyang babae...Hindi nakaka

