"MOMMY, I'm home..." Pagod na umupo si Bridgette sa sofa. Napagod siya dahil kakagaling lang nila sa libing ni Olivia. Napangiti siya ng maalalang muli ang pag-iyak ng nanay ni Olivia kanina dahil sa ginawa nila sa puntod ng anak nito. Ginawa naman nila iyon dahil sa pagpapahiya sa kaniya ng kanyang teacher. Inulit ni Bridgette ang pagtawag sa kanyang mommy pero isang katulong ang lumapit sa kanya. "Asan ang mommy?" tanong niya. "Senyorita, nasa library po kasama ang kanyang mga amiga." sagot sa kanya ng katulong. Tumayo na siya. "OK. Ihanda mo na ang aking pampaligo. Gusto kong mag hot bath ngayon. And pupuntahan ko lang si mommy sa library..." Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ng kanilang katulong. "Pero senyorita ang bilin po ng senyora ay bawal po silang maistorbo-" "Huw

