"BOOORIIINGGG!" Bulalas ni Bridgette sabay hilig sa balikat ng nobyong si Steven. Nasa rooftop silang walong magbabarkada noon. Nandoon sila kahit na may klase sila ng mga oras na iyon. Iritadong tumayo si Bridgette. "Ghad! So boring! Bwiset na Olivia iyan. Dapat kasi hindi muna siya nagpakamatay wala tuloy tayong mapaglaruan." "Yah right!" sabat ni Charina na abala sa paglalagay ng make-up sa mukha. "Kailangan natin ng new human toy!" Giit ni Bridgette. Pero bigla siyang natigilan ng may makita siyang babaeng nakatayo sa kabilang rooftop sa kabilang building. Parang kumakaway ito sa kanya. Hindi niya mawari pero parang pamilyar sa kanya kung sino iyon! "O-olivia!" Bulalas niya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Olivia ang nasa kabilang rooftop. Nilapitan siya nina Thea. "Anong sabi

