"HINDI ko nagustuhan ang nadiskubre ko tungkol sa grupo niyo Bridgette." Seryoso ang mukha ni Teacher Noah ng harapin niya ang klase niya ng araw na ito. "Inatake ng grabeng asthma si Matthew dahil sa paninigarilyo! At anong ginagawa niyo sa rooftop sa oras ng klase?" Natahimik ang lahat. Walang nais sumagot sa tanong niya na iyon. "Kung sino man sa inyo ang mahuli kong naninigarilyo lalo na sa loob ng school...Pasensiyahan tayo pero hindi ko kayo papayagang maka-graduate sa March!" Pagtatapos ni Teacher Noah. KALALABAS lang ni Bridgette sa banyo. Katatapos lang kasi niyang magshower dahil sa papatulog na siya. Nakita niya ang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng kanyang kama. Papatayin na sana niya iyon ng biglang may nagsend ng video call request sa kanya. Si Charina. Inaccept niya i

