"ONE, two, three!" Bilang ni Steven at iniangat na nila ang takip ng kabaong ni Olivia. Hindi sila makapaniwala na walang laman ang kabaong na iyon! "Hindi ito maaari..." Hindi makapaniwalang bulalas ni Bridgette. "Tamang puntod ba ang hinukay niyo? Baka naman nagkamali lang kayo!" aniya. "No. Eto pa nga iyong binasag nating lapida oh," sabay turo ni Ford sa lapida. Nakagat ni Bridgette ang kanyang mga daliri sa sobrang tense. Bakit nawala roon ang bangkay ni Olivia? Buhay pa ba ito? Pero imposibleng mangyari iyon! NAPANGITI si Teacher Noah ng makita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang nobya. Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang mukha nito. "Mahal na mahal kita," puno ng pagmamahal na sabi niya dito at ginawaran niya ng halik ang pisngi nito. "B-BUHAY si Olivia? Pero papaano?" Ta

