Chapter 2

2174 Words
Literal na tumigil ang pagtibok ng puso ni Verona habang nakatitig sa lalaki. Sa malapitan pala ay mas guwapo ito mula sa mahaba nitong buhok na tumatabing sa kanila, animo’y silang dalawa lang ang nasa mundo, ang papusong hugis ng nmukha nito, malamlam na mga mata, matangos na ilong at ang pantay-pantay na ngipin nito na parang pang-commercial ng toothpaste. Pambihira naman ang lalaking iyon. Di lang guwapo, maganda pa. Mas maganda pa sa akin. Nahiya naman ako sa kanya. At nasa bisig siya nito, nakayakap ang mga kamay nito sa baywang niya. Magkadikit ang katawan nila para ingatan siyang tuluyang bumagsak sa lupa. Lalaking-lalaki pero may pagkamaamo ang mukha nito. Ewan lang niya kung may pangit dito. He was perfection. At naliliyo siya. Posible ba talaga na may ganito kaperpektong nilalang? “Okay ka lang, Miss?” tanong ng malambing nitong boses. Ang ganda ng boses niya. Lalaking-lalaki. Parang lumulutang ang katawan niya. She wanted to touch his face to know if he was real or was just an illusion. Subalit bigla niyang ibinagsak ang kamay at pumikit. O, tukso, layuan mo ako. Bitiwan mo na lang ako. Iwan mo akong nakahandusay sa lupa. Mas gugustuhin ko ang mainit na lupa kaysa sa init ng mga bisig mo. Maawa ka. Mahina akong babae. Naghuhurumentado na ang puso niya nang di pa rin siya binitawan ng lalaki. “Dude, you are that hot. Someone literally swooned over you,” narinig niyang sabi ng isang lalaki. “Kirst, ibang klase ka talaga. You are the man!” naringi niyang sabi ng isa pang lalaki. “I think she collapsed because of the heat,” seryosong sabi ng lalaki. “Dadalhin ko lang siya sa medics para magamot.” “Huwag na, Kirst! Charlot lang ang isang iyan. Baka nagpapapansin. Iwan mo iyan din at tingnan ko lang kundi iyan kusang bumangon,” narinig niyang sabi ng isang bading. “Magpa-picture na tayo. Please.” Aba’y tinamaan ng lintik na mga ito! Sa halip na intindihin ang pagko-collapse ni Verona ay mas concern pa ang mga ito sa kakisigan ni Kirst. Kundi lang niya kailangang pangatawanan ang pagko-collapse para mapauwi si Sia. Di niya inaakalang may ganito ka-insensitive na mga tao. Nagpapanggap pa daw siya. Nagpapanggap nga siya pero di naman para saluhin ni Kirst. Nandito siya para sagipin ang kaibigan niya. Kung alam lang ng mga ito na gusto na niyang lumayo sa lalaki dahil isa itong banta sa kanyang kainosentehan. “Verona, anong nangyari sa iyo?” narinig niyang sabi ni Sia. “Hinimatay siguro siya dahil sa init. She looks dehydrated,” sabi ng lalaki at naramdaman niyang binuhat siya nito. Tuwid din at tiyak ang lakad nito habang naglalakad. Di man lang ba ito nabibigatan sa kanya. Wow! Ganoon nga siguro siya kakisig. In fairness, mabango siya kahit na nakahubad at bilad sa araw. Wala na bang kapintasan ang lalaking ito? “Friend, huwag mo akong iwan,” palahaw ni Sia. “You are my bestfriend. Di ko makakaya kapag nawala ka.” At naramdaman niyang muntik na siyang mabitawan ni Kirst. “Miss, huwag mo akong paglambitinan. Baka maibagsak ko ang kaibigan mo,” saway ng lalaki dito. “Sorry. Na-carried away lang ako. Nag-aalala lang sa kaibigan ko. Pero ang lakas-lakas mo naman at kayang-kaya siya ng muscles mo.” Di kumibo ang lalaki at naramdaman niyang ibinaba siya nito sa makeshift bed sa loob ng tent. Dali-dali siyang inasikaso ng nurse at kinuhanan ng pulso. “Must be heat stroke,” hula ni Kirst. “Grabe naman kasi ang hotness ninyo lalo ka na. Parang gusto ko na ring himatayin,” narinig niyang sabi ni Sia. “Miss, bahala na ang mga medical staff kung hihimatayin ka,” sabi ng isang babae sa pormal na boses. “Kirst, let’s go. Nagkakagulo na ang mga fans mo sa labas.” “I hope she will get better. See you at the show later,” sabi ng lalaki at narinig niya at ang papalayo nitong yabag. “Kirst, wait!” narinig niyang sigaw ni Sia at nagkukumahog na sinundan ang lalaki. “Ay, kamote! Nasa harap ko na, nawala pa. Di man lang nakahaplos sa abs. Kirst!” Parang gusto niyang sabunutan ang kaibigan. Mas inaalala pa nito ang panlalalaki nito kaysa sa kanya. Pero kailangan niyang ipagpatuloy ang pagpanggap na di magadna ang pakiramdam niya. Kailangan niya itong makumbinsing umuwi. Pinaamoy siya ng mala-menthol na oil at saka lang siya dumilat. Tinulungan siyang bumangon ng nurse at pinainom ng tubig. The coolness of the tent was most welcome. Mistulang proteksyon niya ang tent mula sa init ng araw sa labas at sa mga hot na lalaki lalo na kay Kirst. Di maipinta ang mukha ni Sia habang nakahalukipkip at nakatayo sa harap niya. “Bruha ka! Echos mo lang ‘yung hima-himatayan mo, no?” anito at kinalabit siya sa balikat nang iwan sila ng nurse. “Sia,” aniya at yumuko. Galit ba ito sa kanya dahil pinigilan niya ito na magwala? Hindi niya ihihingi ng sorry kung pinigilan man niya itong gumawa ng pagkakamali. Pumitik ito. “Bakit ba di ko naisip maghima-himatayan para saluhin din ako ng guwapo?” “Ha” usal niya at inangat ang ulo. “Sinasabi mo ba na sinadya ako para s-saluhin ako ng isa sa mga bachelors sa labas?” “Oo naman. Charotelli ka talaga. Akala ko pa mandin ayaw mo sa mga lalaki. Paayaw-ayaw pa ka iyon pala mas magaling ka pang mag-ninja moves sa akin.” Sinapo nito ang noo at lumiyad. “Ganito ka ba hinimatay?” “Sia, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Umuwi na tayo. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko,” sabi niya at uminom ulit ng tubig. “Ayoko dito. Ayoko sa mga nakahubad na mga lalaki. Wala akong mapapala sa mga iyan.” “Ano iyan? Sinapian ka na naman ni Sister Leonora?” tanong nito at sinapo ang noo niya. “Kung madre ka pa, maiintindihan pa kita. Di ka naman nobisyada. Ganito na lang. Pagbigyan mo na ako sa show na ito. Ayokong bumalik sa bahay para magmukmok lang. Mababaliw ako.” “Nag-aalala ako na baka gumawa ka ng bahay na pagsisisihan mo,” sabi niya. “Kanina hiningi mo pa ‘yung number ng isa sa mga bachelors at niyayaya mo pang lumabas. Ayokong magkamali ka at mapahamak. Ayokong gumawa ka ng bagay na pagsisisihan mo rin sa huli.” Tumirik ang mata nito. “Fine. Buburahin ko na ang number niya.” At ipinakita mismo nito kung paano nitong burahin sa contacts ang naturang modelo. “Okay na? Pwede mo na ba akong samahan sa show at mag-enjoy na parang isang normal na babae na walang pinoproblema.” Humilig ang kaibigan sa kanya. “Please?” “Okay. Di ka mangunguha ng number ng ibang boys?” “Hindi talaga.” Itinaas nito ang kamay. “Promise.” “Sige.” Sana ay magawa din niya ang pangako sa sarili na di na siya magpapaakit sa tukso lalo na sa lalaking nagngangalang Kirst. I DON’T belong here. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Verona habang halos mabingi siya sa tilian ng mga fans sa paligid. Mula sa tent ng mga medics ay pumuwesto na sila agad ni Sia sa gilid ng stage. Masakit na ang binti niya sa katatayo at out of place na out of place siya doon. Kanya-kanyang kuha ng pictures ang mga audience sa paligid niy at pagwawala ang mga ito tuwing may rumarampang kalalakihan sa runway. Kung pwede nga lang ay umalis na siya doon at sa palagay niya ay ikasisiya iyon ng mga nasa likod niya. Pero di naman niya maiwan si Sia. Sa ngayon ay safe naman ang paglilibang nito. Patili-tili at pakamay-kamay lang ito sa mga rumarampang bachelors habang kinikilig. “Take it off! Take it off!” sigaw ng mga tao sa rumarampang football player na si Anton del Rosario. Kinalampag ni Sia ang sahig ng stage. “Anton, take off your pants.” This is boring. Muntik na siyang humikab. Hindi niya alam kung anong napapala ng mga tao sa naturang show. It was not mentally stimulating. Di naman iyon nakakatulong sa pagsulong ng agham at teknolohiya o makakatulong sa pag-ahon ng Pilipinas sa kahirapan. Pumikit na lang si Verona at lumutang ang isipan niya sa naiwang trabaho na kailangan niyang tapusin. Pinangarap din niya ang mga libro nina Jose Rizal at Apolinario Mabini na gusto niyang basahin. May documentary pa siya ng Battle of Thermopylae ng mga Spartan at Battle of Gaugamela ni Alexander the Great na kabibili pa lang niya. Heaven. Wonderland. Gusto na niyang bumalik sa tunay niyang mundo. Pumailanlang ang boses ng emcee ng show. “Get ready for a rollercoaster ride with our top ten Cosmo Centerfold Bachelors.” Lalong naging wild ang mga audience at parang mayayanig pati ang kalangitan sa lakas ng sigawan. Mukhang ang top ten na iyon ang pinakatampok na bachelors sa palabas at pinakaabangan ng lahat. At sinimulan nang ipakilala ang naturang bachelor. Kahit pa siguro ang rumampa doon, di siya interesado sa katawan ng mga ito. “He is an adrenaline junkie. Presenting the daredevil himself, Kirst Viray!” Naging alerto ang pandama ni Sia nang mabanggit ang pangalan ng lalaki. Nang dumilat siya ay may tatlong kalalakihan na nakatayo sa gitna ng entablado at nakasuot ng itim na animo’y abito na may hood. Ang nasa gitna ay naghubad ng abito at bumulaga sa lahat si Lam-ang nakasuot lang ng red pants na malambot ang tela. Napakadali para sa kanya kanina na balewalain ang mga rumarampang kalalakihan. Pero pagdating kay Kirst ay napanganga na lang siya habang di maalis ang tingin dito. Pigil din niya ang hininga. He was very confident on stage. Parang ito ang hari sa entablado at silang mga nasa baba ay mga mortal lamang na naghihintay ng konting ngiti at atensyon mula dito. Yes. Verona didn’t feel indifferent at all. Pagdating kay Kirst ay parang isa lang siya sa mga babaeng nakatulala dito. Di siya makatili pero mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya at pinagpapawisan nang malamig ang kamay niya. Ipikit mo na ang mga mata mo. Isa siyang tukbo. Mapapahamak ka lang sa tinatakbo ng isip mo. Di makakabuti ang lalaking tulad niya sa iyo. Pero hindi nakikinig ang isipan niya. Nakasunod lang siya ng tingin sa binata hanggang pumunta ito sa dulo ng center ramp. Nasa bandang gilid siya ng stage pero nakita niya kung paano nitong ibaba ang gilid ng zipper ng pants nito. “Take it off! Take it off!” sigawan muli ng mga tao. “Give it to me, baby!” tili ng babae sa tabi niya na medyo may edad pero di nahihiyang makigulo sa naturang event. Iiwas mo ang tingin mo, Verona. Masyado na itong makamundo. Subalit naestatwa na siya nang ibaba ni Kirst ang pantalon nito at nasapo niya ang pisngi nang tumambad ang shorts nitong checkered na maroon. Tumili siya sa isipan niya pero di pa rin niya tinakpan ang mga mata. Paano kapag tinanggal niya ang shorts niya at underwear na lang? Paano kapag nagpakita siya ng higit pa sa kaya ng puso ko katulad ng ibang model kanina? May ibang modelo na may butt exposure pero di niya nakita dahil nakapikit siya. May blow-by-blow account lang si Sia at ang mga audience sa paligid niya kaya niya nalalaman. Di naman siya interesado kasi. Pero kay Kirst ay di man lang siya makakurap. Sinapo niya ang dibdib habang hinihintay ang susunod nitong gagawin. Bakit ba niya ito nararamdaman? Bakit ba kakaiba ito sa lahat? Umani ng panghihinayang ang lahat nang i-zipper ulit ni Kirst ang pantalon nito at saka nagpatuloy sa pagrampa. Lalong lumagabog ang t***k ng puso niya habang pabalik ito sa bungad ng entablado. Sa side niya ito dadaan. Heto na siya. Palapit na siya. Anong gagawin ko? Makikita kaya niya ako? Iaabot ko ba ang kamay niya para mahawakan niya? Maalala kaya niya ako? Inunat niya ang kamay nang malapit na ito. Hello, Kirst! Ako ‘yung nag-collapse kanina na sinalo mo. pero nilampasan lang siya ng binata sa pagkadismaya niya nang di man lang nito nahahawakan ang kamay niya. Bakit naman siya nakakadama ng pagkadismaya? He was not her type. Nagulat na lang siya nang biglang lumingon ito sa direksyon niya at isang perpektong ngiti ang sumilay sa labi nito. Biglang nag-sommersault ang puso niya. At nagulat siya nang basta na lang itong nag-slide nang paluhod at tumigil sa harapan niya. Nakatulala na lang siya at umani ng tilian mula sa mga nasa paligid niya. “Attack!” sigaw ng isang bading sa likod niya at naitulak siya. Inunat niya ang kamay para hindi tuluyang matumba o mangudngod sa gilid ng stage. Subalit sa halip na ang matigas na bahagi ng stage ang nahawakan niya ay malambot iyon. At nakita na lang niya na ang kamay niya ay nasa pagitan ng red pants nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD