Chapter 3

2288 Words
Parang tumigil ang mundo ni Verona at tiningnan ang harapan niya. Susmio! Saan ulit nakalagay ang mga kamay ko? Nasa center ng solar system ni Kirst! Nahigit niya ang hininga at dali-daling binawi iyon. Inangat niya ang tingin sa mukha ni Kirst para malaman kung naramdaman nito ang pagte-trespass ng kamay niya sa secret garden nito. Baka naman dinadaya lang siya ng salamin niya. Pero nakita niyang nagulat din ang binata at saka biglang umurong. Tumayo ito tumutok sa kanya ang mga mata nito. He waved his forefinger and shook his head. “Naughty girl,” anito nang bumuka ang bibig nito. As if he was chastising her. Saka ito nagpatuloy sa pagrampa sa runway. Namanhid ang mukha niya at akmang sasapuhin ang pisngi nang maalala niya kung saan niya ihinawak iyon. “Naughty girl ako?” usal niya. Hindi siya makapaniwala. Di pa siya nasabihang isa siyang pilyang bata kahit na kailan. Mula pagkabata, ingat na ingat siya sa kilos niya. Lagi niyang sinasabi na doon lang siya sa tama. Ayaw niyang gumawa ng kahit anong pagkakamali. Naughty girl? Naalala niya ang nagbababalang tingin ni Kirst sa kanya. Di naman ito galit pero parang sinasabi nito na alam nito ang sekreto niya. Na parang ito lang ang nakakaalam ng bahaging pagkatao niya na ayaw niyang ipakita sa iba. She was a straightlaced girl but in his eyes, she was a naughty girl. Bad. Rule-breaker and not a bit sorry for it, to hell with the consequences. Hindi ako katulad ng sinasabi niya. Hindi ako masamang babae. Hindi ko sinasadyang hawakan ang maselang parte ng katawan niya. Ayoko nga siyang pagnasaan. Inosente ako. Di ako maniac! Tumalikod si Verona at sinagasa ang mga taong di pa rin magkamayaw sa sobrang kilig sa mga centerfold models. Parang sardinas na nagsisiksikan ang mga tao. “Excuse me, excuse me,” sabi niya at pilit na sumisiksik. “Ano ba? Nakakaabala ka sa panonood namin.” angil ng isang babae at matalim siyang tiningnan. “Sorry po. Kailangan lang mag-restroom,” hingi ng paumanhin niya. Hindi niya alam kung gaano katagal bago siya nakalabas sa dagat ng mga tao. Pero dali-dali siyang sumagap ng hangin nang sa wakas ay makalabas siya. Nanlalambot siya. Di pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa dinami-dami ng pwede niyang mahawakan kay Kirst, bakit doon pa? At damang-dama pa rin niya na naka-imprenta sa palad niya ang natatagong kayamanan nito. “Hoy, Verona! Saan ka pupunta? Dito ang restroom sa kabila,” sabi ni Sia na sumunod pala sa kanya. “Hindi ako pupunta sa restroom,” sabi niya. “Ano iyan? Nahihilo ka na naman?” Umiling siya. “Uuwi na ako. Ayoko nang bumalik doon.” “Anong hindi ka na babalik? Sayang naman ang ibinayad ko sa ticket natin. Ngayon pa lang nagsisimula ang mga centerfold models. Sila ang pinaka-hot na bachelors sa gabing ito. Saka nakita mo ba si Kirst. Tumitig siya sa akin. Tapos parang may sinabi siya na... I love you ata,” kinikilig nitong sabi at niyakap ang sarili. “Siya ang dahilan kung bakit di na ako makakabalik. Saka sa akin siya nakatingin at hindi sa iyo,” sabi niya habang nakatigagal. “Ganoon?” anitong nagulat sa sinabi niya. “Saka naughty girl ang sinabi niya... Sa akin.” “Paano ka naman naging naughty girl?” tanong nito at namaywang. “Mukha ka ngang mother superior sa itsura mo.” At bahagya pa nitong hinatak ang manggas ng blouse niya. “Mas bagay sa akin ang naughty girl.” “Hindi na ako makakabalik doon. N-Nahawakan ko ang center of the solar system niya.” “Anong center of the solar system?” tanong nito at tumingala sa langit. “Sun is the center of the solar system and...” Ngumuso siya sa bandang baywang nito. “Uhmmm...” “Center of the solar system?” tanong nito at ibinuka ang mga hita saka ibinaba ang tingin. “Center of the solar system! Nahawakan mo?” “Oo. Nakakahiya at alam niyang ako ang naka-trespass sa secret garden niya.” “Saang kamay mo ang salarin?” tanong ng babae. Itinuro niya ang kanan. “Ito. Di ko naman kasi sinasadya na...” Isang masayang tili ang pinakawalan ng kaibigan niya. “Verona, ang galing-galing mo talaga. Ibang klase ang ninja moves mo. Na-achieve mo ang family jewels niya.” “A-Ano?” tanong niya at di maintindihan kung anong ipinagsasaya nito. “Bakit masayang-masaya ka pa? Nagkasala ako.” “Anong nagkasala ka? Isa kang tunay na hokage! Mga malulupit na ninja lang nakakagawa ng ginawa mo. Dapat kang parangalan dahil sa achievement mo.” Hinawakan nito ang kamay nito at inilapat sa pisngi nito. “Gosh! Ito ang golden hands mo na nakahawak na sa perfect body ni Daredevil Kirst Viray. Ang swerte-swerte mo talaga.” Ipinahid pa nito ang palad niya sa leeg at pababa sa puno ng dibdib nito. Pilit niyang binawi ang kamay. “Kadiri ka, Sia! Ano bang ginagawa mo?” “Gusto ko rin naman ma-experience ang na-experience mo. Sana pala dumakmana rin ako kanina,” anito at humagikgik. “Hindi nakakatuwang biro. Di ko naman sinasadya iyon. May tumulak lang sa likod ko tapos nakita ko na lang na... Ano...” “Nasa palad mo na ang secret garden?” amused na tanong nito. Huminga siya ng malalim. “Ganoon na nga. Sia, hindi ako babaeng mapagsamantala o bastos. Alam mo naman iyon. A-At mabuti na lang di ko na makikita ‘yung Kirst Viray na iyon dahil wala talaga akong mukhang ihaharap sa kanya. Ayaw kong sabihin niya na mababang klaseng babae ako o mapagsamantala,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Di ako ganoon.” “O! Huwag kang umiyak,” sabi ng kaibigan at tinapik ang likod niya. “Di mo naman sinasadya ang nangyari. Kahit pa magkita ulit kayo, di ka naman niya sasampahan ng s****l harassment. Ikaw pa.” Suminghot siya. “H-hindi ko na gusto sa lugar na ito.” Parang di niya kilala ang sarili niya kanina dahil kay Kirst. Di iyon magandang senyales. Gusto na niyang lumayo. Malayo kay Kirst Villaviray. Gusto na niyang bumalik sa dating siya. Kailangan na niyang bumalik sa katinuan. “Sige. Umalis na tayo dito,” sabi ni Sia at umabrisyete sa kanya. “May isang tanong lang ako.” “Ano iyon?” tanong niya at nilingon ang kaibigan. Isang pilyang kislap ang sumilay sa mga mata nito. “Malaki ba?” “Sia!” At isang nakakalokong halakhak ang pinakawalan nito. “ANG cute-cute talaga ng host na si Vhon Teczon. Sana maglaro din siya sa dating game at kami ang magka-partner,” anang writer na si Charissa habang nakatayo sa gilid ng stage at pinapanood ang games. “Ako naman masaya na sa model na si Xavier. Pwede ko ba siyang iuwi?” sabi naman ng isang reader. “Akin si Ezra na may cute dimples,” kinikilig na sabi ng writer na si Nikka Bianca. Maingay ang mga nasa paligid ni Verona. Everyone was buzzing about Hearts Romances’ Cocktail Party na ginanap sa Manila International Book Fair. Bukod sa naroon ang mga kilalang romance novelist sa industriya, punong-puno ng mga readers at maging press people ang naturang event kung saan ila-launch ang dalawampu’t limang bagong titles ng publication. Maraming pasabog ang naturang event. Bukod sa interview sa mga writers ay nagpainit din sa event ang guwapong host na si Vhon na host din ng sikat na dating show sa TV na You’re the One For Me na katatapos lang ng finale nang nagdaang gabi. “Basta doon ako sa boss mo. Ang guwapo talaga ni Mattheu Segundo at mayaman pa. Member pa ng Stallion Island Riding and Leisure Club,” kinikilig na sabi ni Sia at sinipat ng tingin ang boss nila na nakatayo sa may cocktail table habang kausap ang editor-in-chief nila na si Edythe. Si Mattheu ay di lang basta sikat na publisher. Miyembro din ito ng sikat na riding club sa Pilipinas. Pero ito rin ang nagbigay sa kanya ng scholarship matapos niyang manalo sa isang journalism competition kung saan isa ito sa mga hurado. Naging working student din siya sa publication kaya siya nahasa. Utang niya dito ang edukasyon niya at parang kapamilya na ang turing sa kanya. Ngumuso siya. “Choosy iyon. At may boyfriend ka na, remember?” “Na hindi ako isinama sa Hong Kong,” paalala nito sa kanya. “Puro pa post ng selfie nila ‘yung bruhang Rochel na iyon.” “Babalik na siya next week,” matiyaga niyang paliwanag sa kaibigan. “Ayoko nang pag-usapan. Gusto kong mag-focus sa mga hot na lalaki dito. At least sa kanila good vibes ako,” anito at nagtitili nang isa sa mga modelo ay nagpakita ng abs. Hanggang ngayon ay nagsisintir pa rin ang kaibigan niya sa nobyo nito. Di sapat dito na nagkakausap ang mga ito sa internet. Ang gusto ni Sia ay magkasama ang mga ito sa ibang bansa. Kapag sinabihan naman niya ito ay siya pa ang masama. Di pa niya nararanasang ma-in love kaya di nito alam kung ano ang pakiramdam ng mabaliw sa pag-ibig. Para daw sa isang nagtatrabaho sa isang romance novel publication, dapat daw ay inuunawa niya ito. No. Hindi niya trabaho na unawain ang kabaliwan sa pag-ibig ng mga bida sa nobelang ine-edit niya. Ang trabaho lang niya ay i-correct ang grammar ng mga ito o kung sakaling may nakalusot pang loopholes sa kwento na di napansin ng mga naunang nag-edit. Isang malaking kalokohan ang pag-ibig. Saan ka naman nakakita na pagkatapos ng lahat ng pananakit ng mga bida sa isa’t isa at mga kasinungalingan ay ang mga ito pa rin ang magkakatuluyan sa huli. Masokista lang. Walang forever. Muling nagsalita ang host. “We have one more game in store for you. Gusto ba ninyong maka-date ang isa sa pinakaguwapong lalaki sa Pilipinas?” Dumagundong ang hiyawan na halos magpayanig sa SMX MOA kung saan ginaganap ang event. “Bet na bet!” tili ni Sia kasabay ng pagsang-ayon ng iba. “We will have a dating game. Sino sa palagay ninyo ang searcher natin ngayon?” tanong ni Vhon at itinutok ang mikropono sa audience. “Mattheu Segundo!” tili ng mga tao. “Ikaw na lang Vhon!” sigaw naman ng ibang fans. Itinaas ni Vhon ang kamay para patahimikin ang lahat. “It will be a surpise. Pero sa ngayon, kailangan natin ng mga contestant para sa ating dating game. Any volunteers?” tanong ng binatang host. At kanya-kanyang hilahan at pilitan ang iba. May contestant namang masigasig umakyat ng entablado. Naramdaman niyang bahagya siyang tinapik ng boss na si Mattheu sa balikat niya. “Sumali ka doon. Mag-e-enjoy ka tiyak sa dating game.” “Wala po akong hilig sa ganyan, Sir,” tanggi niya at umiling. “Ikaw nga ang kailangan sumali sa ganyan. Naku! Sa palagay ko bagay sa iyo ‘yung searcher,” segunda naman ni Edythe, ang over-all chief ng editorial. “Itsi-cheer ka namin.” “Naku! Baka po madismaya pa ‘yung searcher kapag nakita ako,” sabi niya. Sino naman ang magkakagusto sa mukhang manang? Di nga siya nakikipag-blind date. At malamang ay di rin sila magiging compatible ng lalaki. Manonood na lang siya. “Ako na lang kung ayaw mo,” sabi ni Sia at nagmamadaling umakyat ng stage habang nakataas ang kamay. “Ako na ang sasali! Ako na!” Umasim ang mukha ni Mattheu. “Sabi ko sa iyo ikaw ang sumali. Naku! Magsisisi ka talaga dahil di ka sumali.” “Susuwelduhan po ba ninyo ako sa dating game na iyan?” tanong niya. Di na lang kumibo ang amo niya at humalukipkip. Malamang ay nagtatampo ito. Baka mas magtampo pa ito kapag sumali siya sa dating game at nagpaka-killjoy siya. Hahayaan na lang niya ang mga may gusto na sumali. Wala naman sa plano niyang makipag-date sa kahit na sino. Kahit pa nukukan nang guwapo. “Excuse me,” narinig niyang may nagsalita sa likuran niya. “Sorry,” aniya at nag-side step para makadaan ito. Isang matangkad na lalaki ang dumaan na nakasuot ng black jeans at red jacket na may hood. Pumikit si Verona nang malanghap ang mabango at malinis nitong amoy na parang nakakaakit. Saan na nga ba niya naamoy ang bangong iyon? Parang pamilyar. Umakyat ito ng stage at pinaupo ng host sa upuan. Isang divier ang nakaharang sa pagitan nina Kirst at ng mga contestant kaya di makikita ng binata ang mga contender. Nananatili pa rin itong nakayuko kaya di nila makita ang mukha. Iyon na pala ang searcher ng dating game. Sinipat-sipat niya pero di niya ito maaninag dahil sa nakatakip na hood. Guwapo ba talaga ito? Karapat-dapat bang paglabanan ng mga kababaihan? “Gusto na ba ninyong makita ang ating searcher?” tanong ni Vhon. “Take it off! Take it off!” sigawan ng lahat. “Searcher, you may now show yourself to our audience,” sabi ng binatang host. Tumayo ang lalaki at hinubad ang jacket. Saka lang nakita ang totong tangkad ng lalaki. Naglalaro sa anim na talampakan ang tangkad nito. Nakasuot na lang ito ng itim na pantalon at itim na black sando na nagpapakita ng matipunong pangangatawan nito. Mahaba ang buhok nito pero nakatali sa ponytail. Malamlam ang mga mata nito, matangos ang ilong at may manipis na bigote pero sa kabuuan ay lalaking-lalaki pa rin ang dating. Muntik nang bumagsak ang panga ni Verona nang makilala kung sino ang searcher para sa dating game na iyon. Si Kirst Villaviray - ang huling lalaki sa mundo na gusto niyang makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD