Nagising sa pagkakahimbing si Kristine when she felt that she is already lying peacefully in the soft bed. Ang natatandaan kasi niya kanina ay naupo lamang siya sa sofa at naidlip kaya laking gulat niya na sa pag gising ay nasa kama na siya. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng napakagarang silid na kinaroroonan niya at labis siyang namangha sa garbo ng silid na iyon. The room is wide at napakaaliwalas, kulay fuchsia pink ang wallpaper niyon at napaka ganda rin ng interior at halatang ginastusan. Two-storey house lang ang bahay na iyon ni Calvin pero sobrang rangya at ganda ng pagkakagawa at halatang hindi basta bastang tao ang may-ari. Everything in that house is worth a wealth she thought at lalo siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili dahil sa paghahabol niya ng suporta kay Calvi

