[Continuation to Writer's POV]
Habang naghahapunan ang mga Jang ay may tumawag sa Phone ni Kelvin. "Hello?" ani nito. "Mr.Kelvin napatahimik na po namin ang Pamilya Kim. Pero tingin namin hindi namin napatay yung binatilyo." ani ng isa sa mga Hitman ni Kelvin. "What?! ang tatanga niyo naman!" galit na sambit ni Kelvin. "Eh Sir may nakakita saamin eh kaya napahinto kami agad...pero napuruhan naman yung binata." sumbong ng isang hitman. "Wait! Dad! pakausap!" awat ni Luis at kinuha ang phone ni Luis. "Hayaan niyo si Zach diyan! 'Wag niyong papatayin! akong bahala sa lalakeng iyan. uhm, Ilagay niyo yung baril na ginamit niyo sa pamamaril sa kamay niya but make sure before you do that ay naremove niyo na ang finger prints niyo sa baril. Kumabaga ifi-framed niyo si Zach na siya ang bumaril sa mga magulang niya maliwanag?" mariing utos ni Luis at ibinalik niya ang phone sa Daddy niya.
"Isunod niyo na si Suzy Baek ang anak ng CFO ng Pelia Foods. Balitaan niyo ako sa mangyayari." utos pa ni Kelvin. "Opo Sir.Kelvin!" sagot ng isang Hitman at ibinaba na ni Kelvin ang Linya. Nagtawanan naman ang Tatlong Jang sa hapag-kainan. "Wait lang dad, tatawag ako sa pulis." paalam ni Luis sa ama. "Hello? may nangyari pong madugong krimen sa Decon Street sa Novaliches, I believe it's a Shooting incident at nandoon pa po ang Pumatay! at tingin ko ay Zach Kim ang pangalan nung namaril. Bilisan niyo pong pumunta baka makatakas pa ang suspect!" at Ibinaba na ni Luis ang Linya matapos niyang isumbong iyon sa mga pulis. Kinuha niya ang Sim card na ginamit niya sa pagtawag at pinutol iyon.
"Kawawang Zach, Masisisi na, namatayan na, nawalan na ng nobya at makukulong pa! ahahaha!" sambit ni Luis na tuwang-tuwa pa. "Paano mo naman nalaman ang address ni Zach Kim?" tanong ni Levie. "Nakita ko sa resume niya ahaha!" nakangiting sagot ni Luis.
[Zach's POV]
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, aray...ang sakit ng tama ko ng bala ng baril...napasinghap ako ng hangin ng maramdamang may matigas at mabigat akong hawak. "Waahh!" nagulat ako sa hawak ko, Baril? bakit ako may hawak na ganito? kanino galing ang bagay na ito?! napatingin ako kela Inay at Itay at nakita ko silang may tama ng bala ng baril sa puso at hindi na humihinga. Niyuyugyog ko silang dalawa pero hindi sila nagigising. "Nay! Tay! gumising kayo! Inay! Itay! ano ba?!" naiiyak kong sabi.
Binitawan ko narin yung baril na hawak ko, bakit ko ba kasi hawak iyon?! tapos ini-yugyog ko silang dalawa dahil nagbabaka-sakali akong magising sila. Hindi! Hindi ako pwedeng iwan ng mga magulang ko! ayoko! hindi pa ako handa! Wag ngayon Inay at Itay! "Nay! Tay! ano ba kasi?! gumising kayo diyan hindi niyo pa po ako pwedeng iwan eh! Nay! Tay!" huma-hagulgol kong iyak dahil hindi ko tanggap! at hindi ko matatanggap kahit kailan ang pagkamatay ng mga magulang ko! Wag niyo pa po silang kunin saakin, kaylangan ko pa po ang mga magulang ko para mabuhay!
Tapos pagtingin ko sa likod ay may mga pulis na papunta saakin at nakikita ko ang asul at pulang ilaw ng sasakyan nila sa madilim na gabing ito. Lumapit ako sakanila at nanghingi ng tulong. "Police Officer, tulungan niyo po ako may mga pumatay sa magulang ko!" ani ko at tinanong ako ng isang pulis. "Ikaw ba si Zach Kim?". "A...ako nga ho..." mahina kong sagot at bigla niya akong pinosasan. Ha?! bakit?! anong ginawa ko?! "inaaresto ka namin sa salang pagpatay sa mga biktima ng pamamaril Zach Kim, may karapatan kang manahimik sa kulungan at kumuha ng iyong abogado bilang iyong tagapag-tanggol sa korte."
Sabi nung pulis na pumosas sa mga kamay ko. "S...Sandali lang po sir, nagkakamali kayo hindi po ako ang pumatay sa mga magulang ko! maniwala kayo saakin! hindi po ako!" pagma-makaawa ko sa mga pulis. "Sa presinto ka na magpaliwanag hijo." sabi ng isang pulis. Bakit ako ang hinuhuli ng mga ito?! Hindi nga ako ang pumatay eh! tapos kinaladkad nila ako papasok sa kanilang sasakyan para dalhin sa presinto habang naiwan ang ibang pulis sa bahay namin para mag-imbistiga dahil nakahandusay pa doon ang kawatan ng mga magulang ko. Inay...Itay...Tulungan niyo po ako.
[Writer's POV]
Kararating lang ni Suzy sa kanilang mansyon at bubuksan palang ang gate nila para maipasok ang sasakyan ni Suzy pero sinalubong siya ng Daddy niya sa labas at lumabas din si Suzy para sabay na sila ng Daddy niya sana pumasok. "Ahh...narito na pala ang maganda kong anak na si Suzy Baek na kasing ganda ng Mommy niyang si Stella Baek, ahahaha!" Natutuwang bati ni Tristan sa anak na dalagita. "Hay nako Dad, nambola ka nanaman~!" ani ni Suzy habang kurot ang pisngi ng kanyang ama. Tapos niyakap nila ang isa't isa pagkayakap ni Tristan sa anak ay may nakita siyang Laser sa likod ng anak niya at bigla niyang pinagpalit ang pwesto nilang dalawa at sakto namang pinaputok na ang baril sa target ng laser kaya si Tristan ang nabaril imbis na si Suzy. Nagulat naman si Suzy sa naging reaksyon ng mukha ng kaniyang Daddy. "What's with you Dad? you look so TerrifiedㅡOh my god, Dad? Daddy? Dad, ano nangyayariㅡ" naputol ang sinasabi ni Suzy ng makita niya ang tama ng bala sa likod ng Daddy niya sa may bandang puso. Napatakip ng bibig ang Dalaga saglit at nanghingi ng tulong sa mga guards ng mansyon nila at tinawag niya rin ang driver niya.
"Nalintikan na Tol!" ani ng isang hitman ni Kelvin. "Bakit ano nangyari?" tanong ng isa. "Ibang tao ang nabarili ko, tatay ata nung Suzy iyon." sagot nito. "Ha?! nako yari tayo kay Boss niyan!" ani nung isa. "Eh bigla siyang humarang eh!" depensa naman nito. "Halika na nga! Umalis na tayo dito!" aya nung isa at umalis na sa pwesto nila.
"Dad! Tulong, Guards ano ba?! Daddy!" pagaalala ni Suzy sa Daddy nitong naghihingalo na. "Dad, 'wag kang pipikit ha? 'wag kang pipikit! please, hindi mo pwedeng gawin saakin ito! Dad, please!" umiiyak na sabi ni Suzy habang binubuhat ng mga Guards ang kanyang Daddy papasok sa sasakyan niya para dalhin sa Ospital. "Bilisan niyo please! Dad!" umiiyak na sambit ni Suzy.
[To be Continued...]