[Continuation to Suzy's POV]
"Ang totoo po niyan tita, wala po talaga kaming relasyon ng anak niyong si Zach. 'Wag po kayo maniniwala sa babaeng iyon at kay Luis, wala pong katotohanan ang pinagsasabi nila." ani ko. "Pero hija...paano yung litrato?" tanong pa ni Tita Darlyn. "Ahh...ayun po binigyan ko lang si Zach ng coffee dahil sobrang malamig po doon sa loob ng office nila. Naisip kong bigyan si Zach ng mainit na kape para mainitan ang sikmura niya at may mahawakan siyang mainit na makapag-papagaan ng pakiramdam niya sa malamig na kwarto na iyon. Concern lang po ako kay Zach kasi magkaibigan po kami. Talagang may mga tao lang po na inggitero at inggitera na kaunting galaw mo na hindi naaangkop sa paningin nila ay gagawin na nilang issue." nakangiti kong paliwanag.
Tumingin naman si Tita kay Zach. "Oh ano nay? naniniwala ka na?" tanong ni Zach. "Anak, naniniwala naman ako sa iyo eh, naniniwala ako sainyo. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pinag-pipilitan nina Yvie at Luis na may relasyon kayong dalawa at nakuha pa nila kayong pisikalin." pagaalala ni Tita. "Baka po silang dalawa yung may Relasyon, sina Yvie at Luis." ani ni Lily habang kumakain at tinapik ko naman siya. "Bes, Preno-preno ng mga salita kaharap mo ang Nobyo ng babaeng nakaaway natin kanina." bulong kong saway kay Lily. "Sorry Bes!" bulong din nitong paumanhin. "Hihi! wala po iyon wag niyo nang pansinin yung sinabi ko minsan pang mental po talaga yung mga pinagsasabi ko eh ahahaha!" pabirong sabi ni Lily.
[Luis' POV]
"Aaaargghhh!!! Nanggigigil ako kay Zach at sa Nanay niya kanina!" irita kong sambit. "Bro, akala ko ba nanalo ka sa away niyo kanina? oh bakit yung mood mo ngayon parang ikaw pa yung talunan dahil GG ka diyan?" tanong ni Theo. "Nanalo nga ako pero napahiya parin ako sa mga tao kanina! bwisit na Zach iyan! isusumbong ko sila kay Daddy!" mariin kong sabi. "Luis, Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni Tita Levie na biglang sumulpot kung saan. "Tita, Your Enemy!" sagot ko. "Sino?...si Darlyn?" sagot niya. "Oo! pinagtulungan nila ako ng anak niyang si Zach kanina! binuhusan niya pa ako ng Juice at pinahiya sa maraming tao!" sumbong ko at hindi ko alam na nandoon pala si Daddy sa likod ko at narinig niya ang lahat malamang. "Ano?! sinong namahiya sayo anak?" galit na tanong ni Dad. "Uhㅡang pamilya Kim po Dad." mahina kong sabi.
"Kuya, ano na ang plano diyan sa pamilya Kang na iyan? dalawa na kami ng anak mo na pinahihiya sa mga tao." ani ni Tita Levie. "'Wag kayong mag-alala, dahil ito na ang huling pagpapahiya na magagawa nila sainyo. Hindi ako papayag na maulit pa ito dahil walang pwede gumanito sa pamilya natin." sabi ni Daddy at kinuha ang Pistol Gun niya sa katabi niyang drawer. "A...anong gagawin mo Dad?" tanong ko. "Ano bang ginagawa sa mga taong maingay anak? hindi ba pinatatahimik?" malamig na sambit ni Daddy. "Dad! pati pala si Suzy! Sinaktan niya yung Nobya ko kanina at pinahiya niya rin ako dati kay Zach! anong gagawin natin sakanya?" dagdag ko pang sumbong, akala ng Suzy Baek na iyon palalampasin ko yung pagpapababa niya ng lebel ko nung nabangga ako ni Zach? No way.
"Ganun ba anak? edi patahimikin din natin. Sabi ko sainyo gagawin ko ang lahat para sumaya kayo eh. Isa pa ayoko ng may gumaganito sa Pamilya natin." ani ni Daddy. He's the best Dad in the whole world!
[Zach's POV]
Nagtatapon ako ng basura sa labas ng bahay namin ng may makita akong dalawang tao na nasa motor. Gabi na at madilim na sa labas, i can't see their faces or who they are kasi naka helmet silang dalawa at naka long sleeve na black. Nakahinto lang silang dalawa sa malapit sa bahay namin at may kinakausap sa telepono. Pumasok narin ako kaagad dahil malamig sa labas. Nakauwi na nga pala sina Suzy at Lily kanina ring hapon pero ngayong gabi ay sina Yuri at Mark naman ang narito. Sayang hindi nakilala ni Suzy at Lily si itay. Pumunta dito sina Mark at Yuri sa bahay kasi may inihatid silang file saakin para sa trabaho ko pag bumalik na ako sa Kumpanya at dito ko narin sila pinaghapunan kasi inabutan narin sila ng gabi eh.
"Mauna na po kami Mr. and Ms.Kim salamat po ulit sa hapunan ahaha!" ani ni Mark. "Salamat po~Mauna na kami Zach! Bye~" dagdag pa ni Yuri at nagpaalam na kaming tatlo sakanila. "Mag-iingat kayo sa daan ha? gabi na." paalala ni Inay. "Sige, mag-iingat kayo dumiretso kayo ng uwi sa mga bahay niyo." dagdag pa ni Itay at sumangayon naman ang dalawa habang di pa masyadong nakalalayo.
Tapos sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakarinig ako ng dalawang beses na putok ng baril at nakita ko nalang sina Inay at Itay na may dugo na sa kani-kanilang dibdib banda sa puso at nakarinig pa ako ng isa pang putok ng baril at sa puntong iyon ay sa may bandang Deltoid Muscle ko na naramdaman ang sakit at hapdi. Na...nabaril ako..."N...Nay! Tay! anongㅡ" hindi ako makapag-salita ng maayos dahil sa sakit ng tama ng bala sa may bandang balikat ko at ramdam ko na tumatagaktak ang dugo ko banda doon, "A...anak...T..takbo!" ani ni Itay. "Anak, ta...takbo na!" sigaw naman ni Inay. Hindi ko sila pwedeng iwan dito! "Tu...Tulong! Tulongan niyo kami!" nakita ko sina Yuri at Mark na tumatakbo na papalayo, hindi ko sila masisisi dahil malamang natakot din sila sa biglaang nangyari.
Tapos may nakita rin ako sa likod ng puno malapit sa bahay namin, Yung...yung dalawang lalake sa motor kanina...sila nga! tapos ibinaling ko ulit ang tingin ko kina Inay at Itay at pagtingin ko ay wala na silang buhay ako naman ay bumulagta narin sa tapat ng bahay namin at nagdilim na ang paningin ko saka nawalan ng malay.
[Writer's POV]
"Bilis! bilisan mo Mark! Oh my god! oh my god!" tarantang sabi ni Yuri ng makalayo na sila sa pinangyarihan ng nakitang insidente. "s**t!" ani ni Mark. Parehong nangangatog ang dalawa sa nakitang barilan kanina at halos mangiyak-ngiyak na si Yuri. "Mark anong gagawin natin?! Ha?! pano ito?!" tarantang sabi ni Yuri. "Shhh! Quite! ngayon uhm...ahh...umuwi na tayo sa kanya-kanyang bahay!" sagot ni Mark na natataranta din. "Ha?! hindi ba tayo tatawag ng pulis?" naluluhang sambit ni Yuri. "Huwag na! baka mamaya madamay pa tayo at tayo naman ang barilin!" ani ni Mark. "Eh paano si Zach?" tanong ni Yuri. "ihh...ano! Hindi ko rin alam! Tara na! ayoko na dito umuwi na tayo wag na tayong maki-alam sa shooting incident nayan! Halika na Yuri 'wag mo nang tingnan!" inis na sabi ni Mark at saka sila lumayo ng tuluyan.
[To be Continued...]