[Writer's POV]
"Nasaan na kaya si ate Yvie?" tanong ni Rizzy, ang pinaka-batang kapatid ni Yvie. "Chat ko nga sa messenger, wait lang." sabi ni Megan na pangalawang kapatid ni Yvie. Nag-aalala na ang dalawang kapatid ni Yvie habang ito ay nasa royal bar kasama si Luis. Bigla namang may kumatok sa kanilang pinto. "Ay! pasuyo nga ng pinto Rizzy baka si ate na iyan." utos ni Megan sa kanyang kapatid. Binuksan ni Rizzy ang pinto pero hindi ang kanilang ate na si Yvie ang nakatayo roon, Kundi si Zach na nag-aalala rin dahil wala pa si Yvie sa bahay nito.
"Nariyan na ba ang ate Yvie niyo?" tanong ni Zach. "Wala pa nga kuya Zach eh, kanina pa namin hinihintay." ani ni Rizzy. "Nako, tinawagan ko nga kaso hindi sinasagot ang tawag ko. Sana okay lang siya." alalang sagot ni Zach. "Kuya Zach, marunong kang magluto hindi ba?" tanong ni Megan. "Oo naman, bakit hindi pa ba kayo naghahapunan?" tanong ni Zach at umiling ang dalawa. "Oh, sige sandali may mga sangkap ba kayo diyan na pwede kong magamit?" nakangiting tanong ni Zach. "Opo, Kuya Zach narito po sa kusina, hali kayo!" masayang aya ni Rizzy.
Lumipas ang makailang oras at nakapag-luto narin si Zach ng magiging ulam ng mga kapatid ni Yvie. Nagluto siya ng sinigang na baboy at may side dish na kimchi at gyoza, may panghimagas din na monggo cake at nag timpla rin siya ng strawberry juice para masarap ang kain ng dalawa. "Oh ano masarap ba? hindi ba sobrang asim ng sinigang ko?" tanong ni Zach. "Hindi kuya! sobrang sarap!" ani ni Rizzy. "Sobrang masarap po kuya Zach, Thank you po!" nakangiting pasasalamat ni Megan. "Walang ano man, Oh sige kumain na kayo diyan tapos maglinis na kayo ng sarili niyo at matulog na. Ako na ang bahalang maghintay sa ate Yvie niyo ha?" paalala ni Zach at sumang-ayon naman ang dalawa.
[Suzy's POV]
Masaya kaming nag-uusap ni Daddy dito sa dining table habang may mga nakahain na masasarap na hapunan saamin. Kami nalang dalawa ni Daddy ang magkasama kasi...namatay sa Car Explosion Accident ang Mommy kong si Stella Baek. But i don't believe that my mother's death is an accident, dahil malakas ang kutob kong may nanadya ng pagtatanim ng bomba sa loob ng kotse niya kaya siya sumabog at nabangga. I know that dahil may nakitang isang parte ng bomba na sunog doon sa loob ng crime scene.
"Dad, you know that...uhm...I'm seeing someone..." pahinto-hinto kong sabi at napatitig naman saakin si Daddy. "He works in Pelia Foods..." tuloy ko sa aking sasabihin. "Really? who's that lucky guy?" nakangiting tanong ni Daddy. "Dad, guy lang walang lucky ahaha!" natatawa kong sabi. "Anak, ilang beses ko na bang sinabi sayo na maswerte ang lalakeng makakasama mo sa buhay? ahaha!" natatawang tanong ni Dad. "A Hundred and Fifty times i guess but i don't believe you Dad hahahahaha!" pabiro kong sabi. At pareho naman kaming tumawa ng malakas, ang mansyon namin ang halakhak lang namin ni Daddy ang maririnig mo dito...dito sa tahimik na mansyon namin na dati puno ng saya noong nabubuhay pa si Mommy. Nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko pagnaiisip ko ang bagay na iyon pero inunahan ako ni Daddy, Hinawakan ni niya ang mukha ko at hinaplos ang maikli kong buhok saka siya tumingin ng seryoso saakin. "Anak, narito ako...hinding hindi kita pababayaan kahit wala na ang Mommy mo. Nangako ako sa Mommy mo na hanggat nabubuhay ako ay ako ang po-protekta sayo at magbibigay ng saya sayo.
Napatulo na ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman kong sakit. Nakakainis, ayokong umiiyak ako! "Suzy my one and only daughter, Don't cry...you are a strong woman remember? kayong dalawa ng Mommy mo...ang angkan namin ng Mommy mo ay mayroong dumadaloy na dugong palaban kaya lahat ng problema at pagsubok ay kakayanin natin kahit walang tumutulong saatin." Tumayo ako sa upuan ko at tumakbo sa kabilang side ng table kung saan nakaupo si Dad atsaka ko siya niyakap ng mahigpit. "Dad, wag mo akong iiwan ah? hindi ko kakayanin Dad, hindi ko kakayanin! ayoko! 'wag!" sabi ko habang humahagulgol sa iyak. Sa likod ng seryoso at maldita kong pagkilos at itsura ay may tinatago rin akong kahinaan at malambot na puso.
Si Daddy naman ay patuloy sa paghaplos ng aking buhok para pakalmahin ako. Ganun din ako, nakayakap parin ng mahigpit sakanya.
[Zach's POV]
Narito ako ngayon sa labas ng gate nila Yvie para intayin siya at ang dalawa niyang kapatid ay natutulog na. Tapos may itim na kotseng dadaan sa tapat ng gate nila pero huminto ito bigla. Nagulat ako ng lumabas doon si Sir.Luis at pinagbuksan niya ng pinto ang kasama niya sa tabi ng Driver's seat at mas nagulat ako ng makita kong lumabas doon si Yvie. Bakit...bakit sila magkasama? "Oh, Zach! ikaw pala iyan." bati ni Sir.Luis ng nakangiti. "UhㅡSir..." sabi ko. "I know Zach, sorry ah? hindi ko na nasabi sayo na lumabas lang kami ni Yvie para mag chill ng kaunti." ani nito. "Zach, I'm so sorry nahuli ako ng uwi!" sabi ni Yvie at niyakap niya ako ng mahigpit. "So pano na Yvie? Bye! see you next time and goodnight, sayo rin Zach!" paalam ni Luis at bumati naman kami ni Yvie ng sabay saka siya sumakay ng Kotse niya paalis.
"My prince, I'm so sorry about this huh?" ani ni Yvie na amoy Wine ang kanyang hininga...u...uminom sila ni Luis? "Yvie, lasing ka halika na pumasok ka na dito sa loob." At binuhat ko si Yvie papasok sa loob ng bahay nila at inihiga ko siya sa kanyang kama. Tinanggal ko ang stiletto niya kinuha ang purse niya at isinabit, kinuha ko rin ang phone niya at chinarge ko ko iyon dahil paubos na ang baterya. Kumuha naman ako ng maliit na palanggana at nilagyan ng malamig na tubig at malinis na pamunas saka ako bumalik sakanya.
"Hay nako Yvie, sabi ko sayo wag ka nang lalabas pag working days eh. Pagod ka na nga uminom ka pa ayan tuloy." ani ko habang pinupunasan siya ng basang towel. Pinunasan ko lang siya ng pinunasan hanggang bumaba ang temperatura ng kanyang katawan dahil sa ininom na wine.Bakit ba sila magkasama ni Sir.Luis? anong meron? at Hindi ko na namalayan na nakatulog narin ako kakaisip.
[Darlyn's POV]
"Alfred umuwi na ba si Zach?" tanong ko sa aking asawa dahil 6:30 na ng umaga. "Hindi pa nga eh, diba kela Yvie lang siya nagpunta?" sagot nito. "Oo nga eh halika nga puntahㅡ" naputol ang sinasabi ko ng biglang dumating si Zach na nagmamadali. "Nay! Tay! pasensya na po inumaga ako ng uwi gabi na kasi dumating si Yvie kagabi eh." ani nito. "Ha? saan nanggaling si Yvie?" tanong ni inay. "ahh...nag-Overtime po siya sa trabaho nay kasi po marami silang Costumer kahapon kaya daw hindi muna sila pinauwi ng Manager nila." sabi nito. "Ganon ba? sige anak, mag-almusal ka na dito oh iyan." sabi ni Alfred kay Zach. "Ah Tay, Nay...tulungan ko po muna kayo sa Paghahanda ng paninda sa palengke." paalam nito. "Nako anak! 'wag na mag-almusal ka na riyan at maghanda ka na pumasok sa trabaho mo tignan mo magagahol ka na sa oras anak! dali na!" sabi ko dahil mahuhuli na sa trabaho ang anak ko. Hindi niya parin sinasabi saamin ng Tatay niya kung saan siya nagtatrabaho, ang sabi niya lang Kumpanya. maka-ilang saglit pa ay umalis na kami ni Alfred para buksan ang pwesto namin sa palengke at nagpaalam na kami kay Zach na nagaasikaso na para pumasok sa trabaho.
[To be Continued...]