Chapter 8 | That cheap guy

1432 Words
[Darlyn's POV] Hapon na ngayon at nagaayos ako ng mga Paninda namin dito sa pwesto samin sa palengke. Tahimik akong nag-aayos ng bigla akong yakapin ng asawa kong si Alfred. "Love, bakit ang tahimik mo? May problema ba?" tanong niya. "Hindi love, naiisip ko kasi baka mamaya manggulo nanaman dito si Levie. Eh...Sobra-sobrang Eskandalo yung ginawa niya dito nung nakaraan." ani ko. Napabuntong hininga naman ang asawa ko. "Darlyn, wag mo nang isipin iyon. Hayaan mo siya, nagkataon lang na wala ako dito kaya hindi kita naipagtanggol pero ngayon? subukan ka niyang saktan ako mismo ang makakalaban niya." nakangiti nitong sabi saakin. "Ano banaman kasing klaseng babae yan, napaka-bitter hindi marunong mag-move on." inis kong sabi. "Love? paano kung totohanin niya yung pagbabanta niya sakin? satin? papano kung di niya talaga tayo patahimikin?" tanong ko. "Love, Hanggat nandito ako...ako ang poprotekta sainyo ng anak nating si Zach. Ako ang lalaban para sainyo kahit sino pa yan, 'wag ka na mag-alala diyan huh?" ani niya. Pero hindi ko maiwasang mangamba lalo na't alam na ni Levie na may-Anak kami ni Alfred. Sa totoo lang...naawa din ako kay Levie dahil namatayan siya ng anak. Pero hindi naman namin kasalanan kung bakit namatayan siya ng anak eh, Siya mismo ang may gawa niyon dahil kahit buntis siya naninigarilyo siya at umiinom ng alak. Atsaka hindi ko inagaw si Alfred sakanya dahil hindi sila kasal. Oo, may anak sila pero walang kasalang naganap. Kami ang ikinasal ni Alfred kaya kami ang mag-asawa at may anak kami. Iniwan din siya ni Alfred dahil sa bisyo niyang pagpunta-punta lagi sa Bar at kahit buntis ay gumagawa ng bawal sakanya. Napagod na si Alfred sakanya kaya iniwan siya at sabi ni Alfred su-sustentuhan niya nalang daw ang anak nila ni Levie. Hay! ewan ko ba sa babaeng iyon bakit galit na galit saakin samantalang siya naman ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan niya sa buhay! [Zach's POV] Nagi-edit ako ngayon ng packaging for new dessert product ng Pelia Foods sa aking Monitor at may biglang lalakeng lumapit saakin. "Ganyan ka ba talaga magtrabaho Zach?" ani ni Sir.Luis. Napatayo naman ako at nag-bow sakanya bilang pag-galang. "Sorry po, Sir.Luis?" tanong ko dahil diko siya maintindihan. "I mean, your designs are so cheap, Parang packaging ng mga low class product na binibenta lang sa palengke iyang design mo. Zach, This is Pelia Foods dito ka nagdi-design ng packaging na dapat elegant at luxurious ang dating hindi yung ganyang pang-bangketa ang illistrations mo. Sa Market ng mall binibenta ang products natin at hindi sa divisoria o palengke, ayusin mo nga" inis na sabi nito. "Pero Sir.Luis ayan po yung inutos ni Ma'am Levie na gawiー" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. "Zach, sino ang boss mo?" tanong niya. "K...kayo po Sir.Luis..." mahina kong sagot. "Edi dapat ako ang sinusunod mo, diba?" malamig nitong sabi at binangga ako nang lumakad siya paalis at ako naman naka-yuko lang. Pumikit ako at huminga ng malalim sabay nilapitan naman ako nina Yuri at Mark. "Zach, pagpasensyahan mo na si Sir.Luis ganyan talaga siya eh." ani ni Mark. "kamag-anak talaga ni Lucifer itong si Luis eh, napak sama ng ugali!" inis na sambit ni Yuri. "Shhh! baka mamaya marinig ka niya Yuri, hayaan mo na." awat ko. "Anong hayaan bro? eh ikaw nanaman ang mapapagalitan diyan eh!" sabi ni Mark. "Okay lang, gagawan ko nalang ng paraan. Sige na bumalik na kayo sa Cubicle niyo baka mamaya mahuli pa tayong nagku-kwentuhan dito sa oras ng trabaho eh, imbis na ako lang yung lagot madadamay pa kayo." ani ko. Ngayon ay 5pm na at kaylangan ko na ipasa ang samples ng design ko ng packaging kay Ma'am Levie sa kanyang office at pumunta na ako doon agad. "Here i am." mahina kong sabi. Kinakabahan ako dahil nasa tapat na ako ng pinto ng office ni Ma'am Levie. Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto ng office niya at ilang segundo pa ay pinagbuksan ako ng assistant niya saka ako pumasok. "Ma'am Levie, ito na po yung Designs na ipinapagawa niyo." inilapag ko sa table niya at tiningnan niya iyon. "Zach? uhーito ba ang samples na ipinapagawa ko sayo? wala naman akong sinabi na red and violet ang color scheme ng box. I said yellow and violet, diba?" seryosong sabi nito. "Uh...sabi po kasi ni Sir.Luis ayー" naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Luis dito sa kwarto at may ibinigay siya kay Ma'am Levie na folder. "Ma'am Levie, ganito po ba ang samples na hinahanap niyo?" tanong ni Sir.Luis at tiningnan iyon ni Ma'am Levie. "Yes! Goodjob Sir.Luis, this is the design we will use on our new product." sabi nito. What? I'm so confused..."Zach, ikaw ang inaasahan kong makapag-bibigay saakin ng tamang design ng packaging pero ibang tao ang nakapagbigay. Ginagawa mo ba ng maayos ang trabaho mo?" tanong nito. "Ma'am sabi po kasi ni Sir.Luiー" naputol nanaman ang sasabihin ko ng barahin ito ni Sir.Luis. "Zach, may problema ba sa sinabi ko?" tanong niya. Napatingin nalang ako sa baba. "W...wala po Sir.Luis." mahina kong sagot. [Luis' POV] Ahahahaha! kawawang Zach Kim, napahiya ulit. Nagkindatan naman kami ni Aunti Levie para batiin ang isa't isa sa successful na pananabotahe kay Zach. Ahahaha! nakakatawang pagmasdan ang lalakeng ito na talunan. Kinagabihan ay pumunta ako sa Restaurant na pinag-tatrabahuhan ng mahal kong si Yvie. Kasama ko ngayon si Theo at Out na namin sa Trabaho. Ngayon ay nakasalubong namin si Yvie palabas, What the Heck?! "Uhm, Yvie? saan ka pupunta?" tanong ko. "Oh! Hi, Luis! Theo! uh...pauwi na ako eh, Out ko na ngayon." nakangiti nitong sagot. Ano ba yan, nakakainis! "Eh kayo saan kayo pupunta?" dagdag niyang tanong. "Ah...sa Bar! iinom lang kami ng konti, sobra kasi kaming na-Stress sa work kanina eh kaya ito ahaha! wanna join us?" tanong ko. "Uhm...Okay pero saglit lang ah?" ani niya. "Okay! Sure! ahaha! So...tara na sa Kotse ko?" aya ko at pumayag naman siya pero nagulat din ng konti ng malaman niyang may kotse ako. Habang ako ay nagda-drive ay tahimik lang si Theo nagsi-cellphone sa back seat habang ako katabi ko si Yvie sa Driver's seat. Nagku-kwentuhan kami ng kung ano-ano at Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Pangmayaman na Bar na pupuntahan namin. Una akong bumaba at mabilis akong pumunta sa kabilang side sa harap ng Kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Inilahad ko ang kamay ko at hinawakan niya iyon para alalay sa paglabas niya sa kotse ko. "Thank you, Luis! Napaka gentleman mo naman ahaha!" natatawa niyang sabi. Parang tumatalon ang puso ko sa sobrang saya dahil nahawakan ko ang kamay niya at pinuri niya pa ako. "Nako, Ms.Yvie gawain ko talaga iyan, Pero maraming salamat pasok na tayo!" natutuwa kong sabi, sana hindi halata sa boses ko na kinikilig ako. Kunwaring inuubo naman si Theo na nangaasar kaya tinapik ko ng malakas yung braso niya para manahimik, pero tinawanan niya lang ako ng walang tunog, Kainis. Ngayon ay nasaloob na kami ng bar, as i said pangmayaman ang bar na ito at wala kang makikita na nagsasayaw-sayaw dito at maingay. This is a type of bar na, tahimik at may soft jazz music na pinatutugtog sa background. Madilim ng konti at nagsisilbing ilaw ang mga mala-fairy lights na iba-iba ang kulay. Umupo kaming tatlo sa may counter isle malapit sa barista. "2 Champaign glasses of Montrachet Grand Cru, no Ice and Theo ano ang sayo?" sabi ko sa bartender at tinanong si Theo. "Just Vodka, no Ice!" sabi nito habang may kausap sa Cellphone. "ayon, Topper." ani ko. "Yes, Sir.Luis 2 Champaign glasses of Montrachet Grand Cru and 1 glass of Vodka both have no Ice!" ani ng bartender. "uhm, kilala ka ng bartender?" tanong ni Yvie. "Oo, dito kasi ako pumupunta pag stress ako at nagkakataon naman na siya lagi ang bartender dito pag ako ay pupunta." nakangiti kong sagot. Tapos biglang binuksan ni Yvie ang phone niya para tingnan ang oras. "Oh! 8:15pm palang ahaha! masyado pa palang maaga ano?" nakangiting sabi nito. But...I saw a man with her sa lock screen wallpaper niya...si...si Zach ba iyon? o namalik-mata lang ako? Naglakas loob naman ako na tanungin sakanya kung sino iyon. "UhーYvie? sino yung...lalakeng kasama mo sa wallpaper mo?" nakangiti kong tanong kahit ayokong ngumiti. "Ha? He's my Boyfriend, Zach Kim." ani niya. Kumabog ang puso ko ng mabilis at para akong kinilabutan sa sinabi niya. My Goodness, That cheap and stupid guy? Why Him? Why Him?! Bwisit talaga ito si Zach Kim! [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD