"Mallari, Ivy. Magna c*m Laude."
A loud cheer filled the auditorium as I marched towards the center of the stage. Tons of people were clapping, my professors welcomed me with a smile on their faces and a lot of congratulations.
"Where is your guardian, Miss Mallari?" Napakurap ako sa tanong ng isang professor ko bago lumingon sa aking likuran.
And there, I saw him, walking as if he's walking on a runway.
Palihim akong napa-irap dahil sa ginawa niya na siyang naging dahilan ng pagbubulungan sa paligid. Nang makalapit siya sa akin ay saka niya ako malapad na nginitian.
"Congrats," bulong niya bago isinuot sa akin ang medal ko.
I gave him a half smile. "Salamat po sa pagpapalaki sa akin," biro ko.
He chuckled. "Sira."
Matapos niyon ay magkasunod kaming bumaba sa stage. Dumiretso ako kasama ang mga kaklase ko samantalang sa puwesto naman siya ng mga guardians umupo.
"He's a Fontanilla, right?" My classmate, Justine, asked.
"Yep," walang gana kong sagot at prenteng sumandal sa upuan ko.
"Girl, go get that gold!"
"Gold ka riyan. Wala kaming relasyon," mabilis na pagtanggi ko dahil sa sinabi niya.
Justine laughed and nudged my arms. "Ayos lang naman sa akin may sugar daddy ka. Fontanilla na 'yan, girl! Huwag mo nang pakawalan. Iwagayway mo ang bandera natin."
"Sugar daddy? What the heck?"
Hindi ko napigilang magtaas ng boses kaya't may ilang napatingin sa gawi namin. I just gave them a small smile as I turned my head towards Justine's direction once again. "Hindi ko siya sugar daddy," I added.
"Sus, huwag ka ng mahiya, girl. Tanggap kita kahit anong mangyari---"
"He's a friend." I cut her words off as I crossed my arms over my chest. "That's it."
"Friend lang? Walang benefits?"
"Ewan ko sa 'yo, Justine. Nasa graduation tayo, h'wag kang ganiyan," suway ko at inirapan siya
She chuckled. "Ano ka ba? Ito na nga ang huling beses na malaya akong makikipagbiruan sa 'yo. Pagkatapos nating grumaduate, bigatin ka na, 'teh!"
"Lakas ng amats mo," natatawang saad ko at inilingan na lamang siya.
"Single ba si Mr. Fontanilla? Kung ayaw mo sa kaniya, ako na lang ang magtataas ng bandera natin. Ipakilala mo na ako dali," udyok niya bago itinaas -baba ang kaniyang mga kilay.
"Off limits na 'yan, mare. May asawa na."
Her eyes widened and covered her mounth with her palm. "Totoo?!"
I nodded and gave a small smile on her. "At narito ako para bantayan siya at siguraduhin na hindi siya titingin sa iba maliban sa asawa niya. Cool off sila ngayon pero naniniwala akong makakabalikan sila kaya stop ka na sa pangangarap."
"Ang harsh mo naman, sis. Nagba-baka sakali lang naman."
"Nasa ten commandments ang bawal maki-apid kaya shut up ka nalang," I proudly said and winked at her. Inirapan naman niya ako kaya't mahina akong tumawa.
Muli ko namang ibinalik ang tingin ko sa stage nang magsalitang muli ang Dean ng school namin.
The ceremony was pretty boring. Ang totoo kasi niyan, wala naman talaga akong balak na um-attend ng graduation ceremony pero may loko-loko na namilit sa akin at ililibre raw ako kapag um-attend ako. Alam niya kasing kahinaan ko ang salitang libre kaya naman alam niya na madali akong bibigay.
"Iba talaga kapag mayaman, 'no? Puro mamahalin ang pagkain," komento ko habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant.
"Sabihin mo muna, salamat Dwayne," biro niya.
I rolled my eyes and shot a brow up. "Baka nagkakalimutan tayo na ikaw ang nagpumilit sa akin na um-attend ako ng graduation? Wala naman akong ibang habol kung hindi 'yong diploma ko kaya kung tutuusin, hindi ako dapat magpasalamat sa 'yo na ililibre mo ako. Inabala mo pa ako."
Dwayne chuckled as he sipped on his wine. "Ayaw mo noon, naexperience mong mag-graduation."
"Ang mahalaga, nakuha ko na ang diploma ko. Hindi na kailangang um-attend sa mga ganiyan-ganiyan. Ang daming tao!" reklamo ko kasabay ng marahang pag-iling nang maalala ang ingay kanina sa auditorium dahil puno iyon ng tao.
"Alam mo kasi, Ivy, sometimes you need to socialize. Nakakahiya naman kasi sa 'yo, ako lang ang kaibigan mo."
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nagkibit balikat lamang siya at payak na ngumiti. I heaved a deep sigh, trying to calm myself.
"Bakit ka nga pala sumama sa akin? Wala kang trabaho?" pag-iiba ko sa topic. Sakto namang dumating 'yong order namin kaya sa mga pagkain napunta ang atensiyon ko.
"The company can work without me, Ivy," kaswal na saad niya at muling uminom.
"Yes po, Boss Dwayne," I teased him.
He let out a soft chuckle while shaking his head. "Gusto mo bang magtrabaho sa Inara?"
Ilang sandali akong natahimik habang hinihiwa ang steak na nasa plato ko. Matapos ang ilang segundo ay nagkibit balikat ako sa kaniya at sumubo.
"Puwede na rin. Mas mababantayan kita kapag sa Inara ako nagtrabaho," prenteng sagot ko sa kaniya.
From a comfortable look, his brows immediately arched an inch as he confusedly looked at me. "Bantayan?"
"Para alam mo na, baka sakaling magkagusto ka sa iba. Babantayan kita hangga't hindi pa bumabalik si Ate Nellie para kapag bumalik siya, wala ka pa ring sabit. . ." Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Oops, sorry," paghingi ko ng paumanhin at awkward na ngumiti sa kaniya.
Hindi na naman siya sumagot pa at bumuntong hininga na lamang. Ever since Ate Nellie left a couple of months ago, Dwayne suddenly became so grumpy. Alam ko naman na may kasalanang nagawa sa kaniya si Ate Nellie pero naniniwala pa rin ako na hindi niya naman sinasadya iyon at balang araw, magkakabalikan din sila.
"Hoy, sorry na nga," pangungulit ko sa kaniya habang kumakain ng carbonara.
"Hindi ka pa rin ba tapos kumain?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin.
I pouted as I munch the carbonara on my mouth. Nang malunok ko iyon ay saka ako umiling. "May meeting ka ba? Mauna ka na tapos mag-iwan ka nalang sa akin ng perang pambayad dito."
Malakas siyang bumuntong hininga at hinilot ang sintido. Mayamaya pa ay tumingin siya sa direksiyon ko at tiningnan ako nang masama.
"What?" I asked him.
"Bata, baka hindi mo alam ang presyo ng mga kinakain mo? Balak mo pa yata akong gawing pulubi sa lagay na 'yan. Pang-ilang serving mo na 'yan, ah? Kanina pa pabalik-pabalik 'yong waiter dahil ang dami mong kinakain. Hindi ka pa ba nabubusog?" Mahabang litaniya niya kaya't malapad akong napangiti bago muling sumubo.
"Gusto ko pa ng blueberry cheesecake."
Mula sa puwesto ko ay narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura dahil sa sinabi ko ngunit nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napanatag na naman ang loob ko na hindi na siya nagtatampo sa akin dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ni Ate Nellie.
"Dwayne?"
Napatigil ako sa pagkain nang may tumawag sa pangalan ni Dwayne at tumigil sa tapat ng table namin. I almost choked on my food upon seeing the guy infront of me.
He is a tall and fair guy wearing a suit with a disheveled brown hair. I can't help but to blinked my eyes a few more times upon seeing his brown eyes that was covered with his eyeglasses. Since he's facing towards Dwayne's side, I can see his side profile with his sharp jaw and aristocratic nose. Napalunok naman ako nang dumako ang mga mata ko sa mapula at manipis niyang mga labi.
God. This guy looks like he straightly went out from a romance novel! He looks like a freaking Greek God.
"Yep?" kaswal na tanong ni Dwayne rito at nagpunas ng bibig.
"You're already married, Dwayne. Hindi ka dapat nakikipag-date sa kung sino-sino lang."
Muling napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Akala niya ba ay nagd-date kami ni Dwayne?
"We're not dating. Sinamahan ko lang siya dahil graduation niya at wala siyang kasama," Dwayne answered.
"Exactly. Bata pa 'yang ka-date mo---"
"Hindi na ako bata, ah!" Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila dahil sa sinabi niya. Napatingin naman siya sa direksiyon ko kaya't hindi ko naiwasang mapalunok nang magtagpo ang mga mata namin.
"Are you a minor, Miss?"
I groaned. "Excuse me? Mukha ba akong minor?!"
Mahina namang tumawa si Dwayne kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Tila natigilan naman 'yong lalaki sa biglaan kong pagtaas ng boses dahil bahagya siyang napaatras.
"I-I'm sorry, I thought you're young. . ."
"Sabagay, mukha ka nga namang matanda," I cut his words off. Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. I propped my chin on my palm as I gave him a wide smile.
He was about to speak when I spoke once again. "Dahil mukha kang matanda at mukha akong bata, can I apply to be your sugar baby?" biro ko at kinindatan siya.
"The f**k?" Wala sa sariling saad niya. Mahina naman akong tumawa bago nagpatuloy sa pagkain.
"Wala kaming relasyon nitong si bata pero kung gusto mong tanggapin ang application niya, daraan ka muna sa akin," Dwayne said and winked towards the guy.
"You're a bunch of weirdos," saad ng lalaki at napailing bago muling bumaling ng tingin kay Dwayne. "Lumapit lang naman ako para paalalahanan ka. Hindi ko naman alam na may kasama ka palang weirdo."
"H-Hey! I'm not weird," angal ko at masama siyang tiningnan.
Saglit siyang tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. Mayamaya pa ay muli na siyang nagbalik ng tingin kay Dwayne. "Alis na 'ko."
Dwayne nodded. "All right. Take care," bilin nito na siyang ikinatango ng lalaki.
Habol tingin naman ako sa kaniya hanggang sa makalabas siya ng restaurant. A small smile crept my lips as I looked towards Dwayne.
"Bakit hindi mo ako pinakilala?"
"At bakit naman kita ipapakilala?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ba halatang type ko?"
"Ivy, six years ang age gap niyo. Para mo na siyang sugar daddy---"
"So, he's thirty two? That's fine! Hindi naman siya masiyadong matanda," pagputol ko sa sinabi niya bago malapad na ngumiti.
Dwayne grunted. "Mukha kang ewan. Type mo talaga?"
"Bakit hindi? Gwapo kaya tapos mukhang mayaman. Medyo masungit pero ayos lang 'yan, kaya ko pang pagtiisan hanggang magustuhan niya rin ako." I lifted my shoulder in a half shrug and casually leaned on my seat.
"So ano ngang pangalan niya?" I asked once again.
"Damon."
"Damon what?" tanong ko pa bago uminom ng mamahaling wine na inorder ni Dwayne kanina.
"Fontanilla."
"Damon what?!" Malakas na tanong ko at pinunasan ang aking bibig nang muntik ko nang maibuga ang iniinom kong wine.
Dwayne smiled wickedly. "He is Damon Fontanilla. My oldest brother."
"Oldest? Hindi ba't si Kuya Declan. . ."
"Basta Fontanilla siya," tanging saad niya.
I covered my lips with my hand while looking at him. "Holy crap. Did I just flirt with your brother and asked him if I can be his sugar baby?!"
-----