"Wala ka na ba talagang plano sa buhay kung hindi ang tumambay dito sa opisina ko?"
I propped my chin on my palm as I boredly look towards Dwayne's direction. Seryoso siyang nakatingin sa akin at tila naghihintay ng sagot.
Payak akong tumawa. "Feel na feel mo ang pagiging boss mo, ah?"
"Ivy," banta niya.
"Masama na bang tumambay?"
Malakas siyang bumuntong hininga at binitiwan ang mga papeles na hawak niya. "Kaninang umaga ka pa narito, Ivy. Wala ka bang planong umuwi?"
"Tinatamad akong umuwi," palusot ko at nag-iwas ng tingin.
Dwayne sighed.
"Saka ayaw mo ba ako rito? Sinasamahan na nga kita, ayaw mo pa," dagdag ko nang tumahimik siya.
"Paano ko magugustuhan na narito ka samantalang kanina ka pa salita nang salita? Nagtatrabaho ako," inis na saad niya kaya't mahina akong natawa.
"Sus, para namang ayaw mo sa mga chika ko. . ."
Napailing na lamang siya at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harapan niya. Mula kaninang pagkarating ko ay sunod-sunod ang trabaho niya at marami pa siyang dapat na pirmahang mga dokumento kaya hindi ko siya makausap nang maayos.
I heaved a deep sigh as I boredly tapped my heels on the ground. Mukha namang nakuha niyon ang atensiyon ni Dwayne nang masama niya akong tiningnan. I rolled my eyes and stopped.
"Ayaw mo bang kumain?" pangungulit ko.
"Kakatapos lang mag-lunch break, Ivy," he said in a matter of fact tone.
My lips puckered. "Meryenda, ayaw mo?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kapagkuwan ay malakas na bumuntong hininga habang umiiling. "Fine, fine. Um-order ka na ng kung anong gusto mo."
"Ikaw ang magbabayad?"
"Sino pa ba?" pamimilosopo niya at muling bumalik sa trabaho niya.
A mischievous smile escaped my lips as I took out my phone from my pocket. Kaya mahalaga talagang magkaroon ng kaibigan na mayaman, e.
"Kahit ano, puwede kong order-in?"
He nodded.
"Kahit lechon?" tanong ko habang nags-scroll ng puwedeng order-in na pagkain sa aking telepono.
Dwayne groaned. "Ivy," banta niya kaya't mahina akong tumawa.
Kaya nakasundo ko kaagad noon si Ate Nellie, e. Parehas naming gustong asarin nang asarin si Dwayne. Siyemre, hindi naman siya makapalag kay Ate Nellie kaya kami palagi ang panalo.
"2,595 pesos ang total ng in-order ko," anunsiyo ko matapos maka-order.
"Ano bang in-order mo? Ginto?"
I let out a loud laugh as I winked at him. "Barya lang 'yon sa 'yo, ano ka ba?"
Napailing na lamang siya samantalang tumunog naman ang telepono ko tanda na may nag-message. I immediately opened the message when I saw who it came from.
My eyes widened upon seeing the messages that the sender sent. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang makita ang animo'y screenshot na kalakip ng iniwan niyang mensahe.
"Alam mo, Ivy, pinag-trabahuhan ko 'yang pera na 'yan. Kahit naman mayaman ang pamilya ko, hindi ko naman nakukuha ang pera nang basta-basta lang."
Mabilis kong binura ang mensaheng iyon bago nanginginig ang kamay na itinago sa aking bulsa ang hawak kong telepono. My heart was beating like crazy as cold sweats started forming on my forehead.
"Ivy?"
Imposible. That must be an edited photo. Hindi maaari na mayroon siyang kopya noon.
"Ivy? Is there any problem?"
But the picture that he sent me looks like it came from a video recording! If it's edited then why. . .
"Ivy!" I was pulled out of my own reverie when Dwayne called my name. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at binasa ang aking ibabang labi.
"H-Huh?"
He heaved a deep sigh as he stared at me with scrutinizing eyes. "May problema ba?"
"P-Problema? Wala!" Mabilis na pagtanggi ko bago kinakabahang ngumiti sa kaniya. "Bakit naman ako magkakaproblema?"
Dwayne frowned. "Are you sure?"
Saglit akong natahimik bago tumayo sa aking kinauupuan. Taka naman niya akong tiningnan. "Why?" he asked once again.
"Uuwi na ako."
"Pero 'yong in-order mo---"
"Emergency." I cut his words off as I quickly marched out of his office.
I stopped walking when my phone suddenly rang. Nanginginig man ang aking mga kamay ay kinuha ko pa rin iyon sa aking bulsa.
Wala sa sarili akong napahawak sa pader para kumuha ng lakas nang makita kung sino ang tumatawag. I hesitated a bit if I should answer it or not but just when I was about to answer the call, someone stole it from me.
"D-Dwayne!"
"Bakit tinatawagan ka pa rin ng gagong 'to?" seryosong tanong niya bago sinagot ang tawag.
Hindi siya nagsalita at hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya. I bit my lower lip as I looked towards him. Seryoso pa rin ang mukha niya ngunit mas lalong kumukunot ang noo niya habang nagtatagal.
"What video?"
My eyes widened as I tried to steal the my phone away from him. Ngunit dahil matangkad siya, hindi ko iyon maabot-abot. "Dwayne, give it to me!" sigaw ko at pilit na inaagaw pabalik ang aking telepono.
"Why would I believe you? Matapos mong lokohin si Ivy, sa tingin mo, maniniwala ako sa 'yo?" tanong muli ni Dwayne sa kabilang linya.
I swallowed the lump on my throat as I held his wrist. "Dwayne. . ."
"Prove it, then. Let me see."
"Dwayne!" sigaw ko sa kaniya ngunit agad niya ring ibinaba ang tawag. "Ano bang ginagawa mo?!"
"Why are you still in contact with this bastard? With Heinz?" tanong niya at bumaling ng tingin sa akin.
"H-Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko. B-Basta. . . Basta nag-message lang siya sa akin kanina," kinakabahang sagot ko.
"And what did he say?"
Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at mabilis na umiling. "W-Wala! It was nothing, I swear---"
"Is it about the video that he's talking about?"
"D-Dwayne, no. . ."
"Let me see," he ordered firmly.
"It was nothing! W-Wala lang 'yon---"
My sentence were cut off short when my phone vibrated once again. Dahil hawak niya iyon ay mabilis niya iyong nabuksan.
Saglit muna siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa telepono ko. My throat was dry as I looked at him nervously, unaware of what he's seeing.
After a couple of seconds, his eyes widened and immediately turned off my phone. "Oh, f**k!" he cussed.
"W-What. . . What is it?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at sunod-sunod na umiling. "It was nothing," mabilis na pagtanggi niya.
My brows arched an inch as I stole my phone away from his hand. Dahil hindi siya nakapaghanda ay mabilis ko iyong naagaw. Agad kong binuhay ang aking telepono at ang bumungad sa akin ay ang video file na isinend ni Heinz.
I swallowed the lump on my throat as I looked towards Dwayne. "W-What is it?" tanong kong muli.
"Ivy, no. Akin na 'yan."
Sa halip na sundin siya ay pinindot ko ang video na isinend ni Heinz. My legs trembled and I almost lost my balance upon seeing what is it.
"N-No. . ."
"Ivy." Dwayne held my arms to support me when my legs almost went limp. "Stop watching it."
"It's. . . It's me," mahinang bulong ko habang patuloy na umiling. Nag-angat ako ng tingin kay Dwayne. "R-Right? It's me. Sa kuwarto ko 'yon. . ."
"Gagawa ako ng paraan, okay?"
My eyes swammed with tears as I shook my head, still unable to process everything. "A-Ako nga," mahinang bulong ko.
Dwayne immediately cupped my face and wiped my tears. Kapagkuwan ay niyakap niya ako habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Don't worry, all right? Gagawa ako ng paraan para mabura 'yon at hindi maikalat. I'll do everything, okay? Gagawa ako ng paraan. I promise, Ivy. I promise," paulit-ulit na bigkas niya habang pinapakalma ako.
"W-What should I do? I wasn't aware that he filmed me---"
"Shh," he cut my words off as he slightly pat my back. "You don't have to explain. Ikaw pa rin si Ivy sa paningin ko."
"But you saw the video. . ."
"Gagawa si Kuya Dwayne ng paraan, maliwanag? Ako ang bahala sa gagong 'yon," saad niya kaya't mas lalo akong napaiyak.
"K-Kuya Dwayne," mahinang bigkas ko at mas lalo pang yumakap sa kaniya na animo'y batang nagsusumbong sa magulang niya. "Help me."
"We need to get rid of that video as soon as possible. Baka kapag nahuli tayo. . ."
"N-No! Hindi puwedeng kumalat 'yon!"
"I know," he said and let out a harsh breath. "Kaya nga pipigilan ko— natin, I mean. You don't need to worry."
"Kapag kumalat 'yon, it'll surely ruin my reputations. Hindi ko kaya, Dwayne. Mababaliw ako. . . Mababaliw ako kung sakali. H-Hindi puwede," bulong ko at mas lalong humagulhol.
It's a very sensitive and private video that no one else can see.
It is a video of me, having s*x with my ex-boyfriend.
----