Umalis ako kahit ayoko. Masakit dahil hindi kami magkaintindihan sa ganitong sitwasyon. Dapat kami ang magkasama at magkatuwang pero wala akong magawa. Pagbibigyan ko ang kahilingan niya kaya umalis na lang ako. Nagtext sa akin si mommy na naroon na sila ni daddy sa apartment. Naroon din daw ang dalawang bata at kasama nila. Buo sana kaming pamilya na magkakasama sana ngayon pero wala ako sa tabi nila. I felt bad. Tama bang iwan ko sya sa ganoong kalagayan niya? “Ikaw daw ang may gustong umalis at nahihirapan ka na,” sabi ni mommy sa akin. “Hindi po totoo yan mommy. Nagtalo kami at sabi nya nahihirapan na sya. Sumagot ako na nahihirapan na rin ako pero inaalagaan ko sya kahit masungit siya. Siya ang nagpupumilit na umalis ako kaya umalis na lang muna ako kahit ayaw ko,” paliwanag ko.

