Customer 1: mali ang narecieved kong item. Hindi ito ang order ko. Customer 2: ano ba itong pinadala mo sa akin. Mali ang color. Blue ang order ko, yellow ang pinadala mo. Customer 3: 400 ang binayad ko. Sabi mo tatlong blouse yun pero bakit dalawa lang ang nareceived ko. Ano to scam? Scammer ka ba ha. Irereport kita. Ilan lang yan sa mga nareceived kong text. Nalito-lito na ako sa mga orders na naipadala ko. Wala kasing tigil si Angelo sa kakatawag at di ito makatulog dahil may nararamdamang sakit. Sabi ko kasi hwag na syang uminom ng pain killer at baka makasama naman sa kidney niya pero kung sobrang sakit na ang nararamdaman, wala akong magawa kundi bigyan siya ng gamot. Na I-stress na ako at parang naiiyak na sa aking sitwasyon pero dapat magpakatatag dahil pagsubok lang ito at pan

