Sinabihan ako ni papa na mag-ayos na ng aking gamit. Magsama daw kami ni Angelo para magkasundo kami. Pag-usapan ang plano namin para sa bata. Kakapilit nito at dahil naririndi na rin ang tenga ko ay napilitan na akong mag-empake ng ilang gamit ko. Pagsapit ng gabi ay sinundo ako ni Angelo sa aming bahay. Bitbit ang aking mga gamit at sa bahay nya na daw ako titira. “Papa, Mama, ang sama nyong dalawa talaga,” malungkot na saad ko habang palabas ng bahay. May tampo ako sa kanila dahil sa pagdedesisyong pasamahin na ako kay Angelo. “Para sa’yo rin yan anak. Para mag-mature ka na at maging responsable. Lagi ka na lang nakaasa sa amin.” Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad. Papasok na ako sa kotse ni Angelo na nakasimangot at nakanguso. Ayaw ko man sumama ay wala na akong maga

