Padabog na nagbukas-sara ng mga pinto sa labas. Ang ingay. Lasing ba to? Gusto kong magrelax pero stress ang binibigay niya. lalayasan ko talaga ang damuhomh ito kapag di sya nagbago. “Alicia!” sigaw nito at napabalikwas ako ng bangon. “Bakit ba? Sigaw ka ng sigaw dyan. Di naman ako bingi,” sabi ko paglabas ko sa salas na nakasimangot at galit na rin sa kanya. “Anong ginagawa mo sa bodega? Bakit nandoon ka nanaman?” galit na tanong nito. “Doon na ako magkukwarto. Ayaw mo naman akong tabihan doon sa kwarto mo. Nilinis ko na po at inayos. Ikaw doon ka na sa kwarto mo at baka sabihin mo pa pinahihirapan kita.” “Saan ka galing kahapon ha? Di mo naisip na may naghihintay sayo dito?” “May pakielam ka ba? Hinayaan mo nga akong magpacheck-up mag-isa at di mo ko sinamahan. Nagtext ka ba, hina

