“Hwag ka nang manood ng drama at maapektuhan yang anak mo?” lumapit siya sa akin habang nagsasalita ng malumanay. Di na yata galit ang loko na ito. “Anak ko? Sige, anak ko lang ‘to.” inis na saad ko at di sya tinitingnan. Ako naman ang nagtatampo ulit. “Anak pala natin. Sorry na, hwag ka na kasing umiiyak dahil sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka,” lumapit ito sa akin at umupo sa harapan ko. Naamoy ko ang malakas niyang pabango kaya sumakit ang ulo ko at iba ang naramdaman ko sa aking sikmura. Naduwal nanaman ako. Tumakbo ako palabas ng kwarto at patungo sa banyo. Inilabas ang konti kong kinain. Nagulat akong sinundan ako nito at hinihimas niya ang likod ko habang nasa loob ng banyo. “Sabi kong hwag kang magpabango diba. Ang baho kasi,” inis na saad ko sa kanya na ang lakas

